KABANATA 42

1573 Words

“Good morning po, Papa!” bati ko sa biyenan kong lalaki pagpasok ko sa komedor. Naghila ako ng upuan at naupo sa puwesto ko tuwing kumakain kami. “Good morning din, Iha. Kumain na tayo.” Ibinaba niya ang binabasang diyaryo. Inabot niya ang bandehado na naglalaman ng kanin saka nagsandok. Lumingon ako sa kaniya. “Hindi po natin hihintayin sina Donya Clara at Ma’am Liana?” may pagtatakang tanong ko. “Maaga silang umalis. Sinundan nila si Lufer,” sagot niya. Ibinalik niya ang bandehado matapos sumandok ng kanin. Sunod niyang kinuha ay ang mangkok na may lamang pritong talong. May okra din at saka talbos ng kamote kaya bigla akong natakam sa mga nakahanda lalo na at may bagoong na sawsawan. “Ang aga naman po nilang umalis?” “Oo, kahapon pa nga dapat. Hindi ko sila pinapayagan dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD