“Ang kapal mo din talaga, ’no? Alam mong pinagbabawalan ni Tita si Lufer na pumunta sa farm pero niyaya mo pa rin siya.” Akusa ni Ma’am Liana. Papunta na sana ako sa kusina upang tumulong kay Aling Sonia sa mga gawain pero humarang siya sa daraanan ko at bigla na lang akong inakusahan ng isang bagay na hindi ko naman ginawa. “Hindi ko po siya niyaya. Siya mismo ang nagyaya na sumama ako sa kaniya sa farm para maipasyal doon,” depensa ko sa sarili. Tumikwas ang kilay niya at humakbang pa lalo palapit sa akin. “Tigilan mo ang kasinungalingan! Napakalandi mo! Kahit sa harap ng mga tauhan pati na din ni Tito Lucio ay nakikipaghalikan ka sa kaniya. Wala ka ba talagang kahihiyan? Ganiyan ba kayong mga probinsiyana pinalaki ng magulang ninyo?” Pangmamata pa niya. “Huwag n’yo pong idamay d

