KABANATA 40

1359 Words

“Magpahinga ka na, si Manang Sonia na lang ang uutusan kong mag-impake ng mga damit kong dadalahin. Pagod tayo pareho sa pamamasyal kaya huwag ka na muna magkikilos,” ani Lufer pag-akyat namin sa kwarto. Hindi natuloy ang akma kong paghakbang papunta sa walk-in closet para ayusin ang mga gamit niyang dadalhin pag-alis. Napalingon ako sa kaniya. “Okay lang, hindi naman ako pagod. Kaya ko na ’to,” nakangiting sambit ko. Kumunot ang noo niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa akin. “Sige, tutulungan na lang kita. Hindi ko naman kailangang magdala ng marami dahil may mga damit na ako sa condo.” Naikuwento niya sa akin kanina na hindi na siya nag-stock ng maraming damit sa condo unit na inookupa niya magmula ng ikasal kami. Mas gusto daw sana niyang manirahan dito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD