KABANATA 39

1470 Words

“Madalas akong sumama noon kay Papa tuwing pupunta siya dito sa farm. Nagkaroon ako dito ng mga kaibigan. Tuwing naririto ako, pakiramdam ko ay wala akong ibang inaalala. Itinatak ni Mama noon sa isip ko na bawal akong magkamali lalo na sa harap ng ibang tao dahil isa nga daw akong tagapagmana ng mga Del Mundo. Ramdam kong dito lang si Papa nagkakaroon ng katahimikan. Kahit bata pa lang ako noon, kita ko ang saya sa mga mata niya kapag nandito siya sa farm,” mahabang salaysay ni Lufer tungkol sa kaniyang nakaraan. Dama ko ang bigat at lungkot sa bawat salitang binitawan niya. Marami nga siyang pera pero parang hindi naman naging masaya ang kabataan niya dahil sa kaniyang ina. “Marami akong nasayang na panahon noon dahil sa pagmamanipula niya. Pero ngayong nasa tamang edad na ako, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD