“Nandito na tayo.” Anunsiyo ni Don Lucio matapos ihinto ni Kuya Nestor ang sasakyan. Tumambad sa akin ang isang sinaunang bahay pagkababa ko sa pick up truck na sinakyan namin. Adobe ang bandang ibaba at kahoy naman ang itaas. Sa harap ay napapagitnaan ng dalawang malapad na hagdan ang portiko na may dalawang malalaking poste. Kulay puti at kahel ang pintura sa labas ng bahay. Namamanghang inilibot ko ang tingin. Napakaraming halamang namumulaklak sa palibot ng villa. Magkakahilera ang mga bulaklak na may iba’t-ibang variety. May mga rose, gumamela, daisy, pati na orchids. Hindi ko mapangalanan ang ibang mga namumulaklak na halaman. Sobrang bango ng paligid dahil sa amoy na nanggagaling sa mga bulaklak. Marami ding nagliliparang paru-paro pati na din mga tutubi. Kanina habang binab

