Napalingon ako nang biglang nagsalita si Donya Clara. Halos mag isang linya na ang kilay niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa kaniyang mag-ama. Nakasunod naman sa kaniya si Ma’am Liana. Suot pa rin nito ang pangtulog na halos kita na ang kaniyang kaluluwa dahil sa sobrang nipis. Mula nang dumating siya dito ay lagi na lang niyang ibinubuyangyang ang katawan niya kahit nasa harap siya ng pagkain pati na din ni Don Lucio. “Ipapasyal ko ang asawa ko, Mama,” kaswal na sagot ni Lufer sa kaniyang ina. “Lufer! Mukhang may nakakalimutan ka yata? Hindi ba at pinagbawalan na kitang pumunta doon? Tapos ay isasama mo pa ang babaeng ’yan? Bakit ba ang hilig mong makisalamuha sa mga tauhan nating mangmang?” ani Donya Clara kay Lufer. Kung nakakahiwa lang ang titig niya malamang ay kanina pa nasu

