KABANATA 24

1221 Words
Inabot ako ng halos dalawang oras sa paglilinis ng kwarto nilang mag-asawa. Maagang umalis si Don Lucio upang bisitahin ang kanilang farm. Kaya walang sasaway sa mga ginagawang pagpapahirap sa akin ni Donya Clara. “Labahan mo ’yang mga maruruming damit ko,” utos sa akin ni Donya Clara nang makasalubong ko siya sa labas ng kwarto nila. “S-Sige po,” sagot ko. “Ayusin mo, ha? Wala naman dito ang anak ko kaya ako muna ang pagsisilbihan mo,” dagdag pa niya at tuluyang pumasok sa kanilang kwarto. Agad kong nilabahan ang mga maruruming damit ni Donya Clara. Nahirapan ako ng sobra sa paglalaba dahil ang daming mantsa at ingat na ingat din ako dahil baka ma-bleach ko ang ibang de kolor niyang damit. “Angeli, tapos ka na ba diyan, iha? Halika na, parating na daw ang bisita ni Donya Clara. Kailangan natin siyang salubungin,” ani Aling Sonia. “Katatapos ko pa lang po. Sige po, susunod na ako,” tugon ko at inayos ang mga palanggana na ginamit ko sa paglalaba. Pinunasan ko ang mga kamay at dali-daling pumasok sa mansiyon. “Liana daw ang pangalan ng bisita ni Donya Clara,” bulong ni Ate Wena sa akin matapos kong tumabi sa kaniya. Ilang sandali pa ay pumasok si Donya Clara kasama ang isang matangkad at magandang babae. Morena siya pero makinis ang kaniyang balat. “Maligayang pagdating, Ma’am Liana!” sabay-sabay na bati naming mga kasambahay at saka yumuko. “Gusto mo na bang magmeryenda muna, iha o magpahinga ka muna?” malumanay na tanong ni Donya Clara kay Ma’am. Liana. “Meryenda po muna Tita, hindi po kasi kumain sa biyahe,” sagot naman ni Ma’am Liana. “Hoy ikaw! Magdala ka ng meryenda namin ni Liana sa magiging kwarto niya. Bilisan mo!” utos ni Donya Clara sa akin bago sila dumiretso sa hagdan. Tinulungan ako ni Aling Sonia na gumawa ng sandwich at juice nila Ma’am Liana at Donya Clara. Bitbit ang tray na naglalaman ng juice, sandwich at baso ay agad kong tinungo ang guest room. Ipinatong ko sa lamesang nasa labas ng pinto ang dala kong tray bago kumatok. “Pasok!” sigaw ni Donya Clara mula sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang pinto, dinampot ko ang tray at pumasok sa loob. “Halika, sumunod ka sa ’kin,” saad ni Donya Clara pagpasok ko sa kwarto. Sumunod ako sa kaniya papunta sa terrace. Naroroon si Ma’am Liana, nakaupo at nakangiting nagtitipa sa cellphone niya. Huminto si Donya Clara ’di kalayuan sa lamesa at pinauna akong maglakad. Ngunit bago ko pa marating ang lamesa ay napatid ako. Naibuhos ko lahat nang laman ng tray sa kandungan ni Ma’am Liana. “Oh my gosh!” Agad na napatayo si Ma’am Liana. Tinambol ng kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa kaba at takot. Wala namang bagay na nakaharang sa dinaanan ko. Sigurado akong si Donya Clara pumatid sa ’kin. “P-Pasensiya na po, Ma’am Liana. Hindi ko po sinasadya!” Sinubukan kong pagpagan ang damit niyang nabasa. “B*bita!” sigaw niya sabay s*mpal sa akin. Napahawak ako sa pisngi kong s*nampal ni Ma’am Liana. “Sa tingin mo ba matutuyo ng mga kamay mo ’tong damit kong nabasa?” Namumula sa galit ang kaniyang mukha. “T*nta ka talagang babaita ka!” sigaw naman ni Donya Clara sa akin. “Are you okay, Lia?” nag-aalalang tanong ni Donya Clara kay Ma’am Liana. “Tita, tingnan mo naman po ang ginawa ng katulong n’yo sa damit ko? ’Yan po ba ang sinasabi mong gustong pakasalan ni Lufer?” Pumadyak sa inis si Ma’am Liana. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang diring-diri siya sa akin “Huwag kang mag-alala, iha. Hangga’t nabubuhay ako hinding-hindi ko hahayaang makasal ang aking Unico Hijo sa isang hampas-lupang kagaya niya,” tugon ni Donya Clara. “Tsk. Kainis! Argh! Palibhasa walang pinag-aralan!” Nagdadabog na pumasok sa loob ng kwarto si Ma’am Liana. “Oh, ano pa ang hinihintay mo? Tutunganga ka lang ba diyan? Aba! Linisin mo na ’yang mga kalat! Ist*pida ka talaga!” Dinutdot niya ang sintido ko saka sumunod kay Ma’am Liana. May pagmamadaling lumabas ako sa guest room na inookupa ni Ma’am Liana upang kumuha ng dustpan, walis at mop. Napaluha ako sa mga pinagsasabi nila sa akin. Awang-awa ako sa sarili. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang pang-iinsulto sa akin ni Ma’am Liana; na wala akong pinag-aralan. Bago tuluyang makababa ay nadulas ako sa hagdan dahil sa pagmamadali. Idagdag pa ang panlalabo ng aking mga mata. Hindi ko maaninag ang inaapakan ko kanina kaya dumulas ang kaliwang paa ko. “Aray!” daing ko. Dahan-dahan akong bumangon sapo ang nasaktang likod. “Angeli!” sigaw ng isa naming kasamahan na si Ate Tessie. Agad niya akong dinaluhan. “Bakit kasi nagmamadali kang bumaba? Mabuti na lang at mababa lang ’yang binagsakan mo.” Inalalayan niya akong maupo sa sofa. Hindi ako kumibo. Tahimik lang akong umiiyak habang hinihilot ang aking likod pababa sa balakang. Itinaas niya “Siguradong magpapasa ’yang likod mo mamaya. Halika, hihilutin muna kita sa kwarto mo. Baka napilayan ka.” Akmang aalalayan niya na akong tumayo pero pinigilan ko siya. “M-May lilinisin pa po ako sa kwarto ni Ma’am Liana. Natapon po kasi ’yong meryenda na dinala ko doon. Baka mapagalitan po ako ni Donya Clara, nando’n po siya ngayon, eh. Mamaya n’yo na lang po ako hilutin,” umiiyak na sabi ko sa kaniya. “Pa’no ba ’yan? Ayaw pa naman ni Donya Clara na pinaghihintay.” Nabahala siya at napakamot sa ulo. Ngunit agad ding nagliwanag ang mukha niya pagkakita sa isa pa naming kasamahan na si Ate Gerlyn. “Gerlyn, may gagawin ka pa ba? Pwede bang makisuyo, pakilinis muna sa kwarto ni Ma’am Liana. Hihilutin ko kasi si Angeli, mukhang may pilay ata. Magdala ka ng mop, walis at dustpan,” utos niya kay Ate Gerlyn. “Sige po, Ate Tessie. Ako na po ang bahala,” nakangiting tugon ni Ate Gerlyn kay Ate Tessie. Tumingin si Ate Gerlyn sa akin. “Ano ang nangyari sa ’yo, Angeli? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong niya. “Nadulas po ako sa hagdan, Ate Gerlyn,” tipid na sagot ko. Napapangiwi ako sa tuwing didiinan ko ang aking balakang. “Mabuti na nga lang at mababa lang ang binagsakan niya. Nagmamadali kasing bumaba,” sabat ni Ate Tessie. “Naku, mag-iingat ka na sa susunod, ha? Nagtatrabaho tayo para mabuhay at para sa pamilya natin. Huwag nating hahayaang mapahamak tayo nang dahil sa trabaho. Kapag naaksidente tayo, baka hindi na tayo makapagtrabaho,” pangaral ni Ate Gerlyn sa akin. “Opo, Ate. Salamat po. Mag-iingat na po ako sa susunod.” “Sige na. Maiwan ko na muna kayo at kukuha ako ng panglinis. Baka mabugahan tayo ng apoy. Wala pa naman si Don Lucio para awatin siya,” paalam sa amin ni Ate Gerlyn. “Sige po, salamat!” wika ko. “Tara, ihahatid muna kita sa kwarto mo tapos pupunta ako sa kwarto namin para kunin ’yong langis na panghilot ko.” Inalalayan akong makatayo ni Ate Tessie. Hindi ko maihakbang ng maayos ang kaliwang paa ko. Pakiramdam ko pati paa ko ay nagkaroon ng pilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD