“Hi bunso, kumusta kayo diyan ni Papa?” tanong ko kay Kate habang magka-video call kami.
“Grabe ka, Ate. Kung kailan malapit ka nang mag-day off saka ka lang nakaalalang mag-online,” sambit ni Kate at napanguso.
“Pasensiya na, nakalimutan kong magpa-load,” hinging paumanhin ko sa kaniya habang napapakamot sa ulo.
Nawala sa isip ko na may cellphone na nga pala si Kate. Kaya nakisuyo ako kay Aling Sonia na i-load ang cellphone number ko nang mamalengke sila kanina.
“Kumusta ka po diyan, Ate? Bakit parang stressed ka?” may pag-aalala sa boses na tanong ni Kate.
“Huwag mo ’kong alalahanin, bunso. Pagod lang si Ate. Kumusta, pinapahirapan ka pa ba ni Helen?”
“Tumutulong naman na siya kahit papaano. Siya ang nagluluto dito sa bahay. Pero ako lahat ang naglalaba ng mga damit namin pagkagaling ko sa school tapos minsan kapag dumadating ako ang daming hugasin. Hinahayaan ko na lang kasi baka magalit na naman sa akin si Papa,” mahinang sambit niya.
Napabuntong hininga ako. “Sorry, bunso. Kung nahihirapan ka diyan.”
Hindi ko mapigilang mapaluha sa sitwasyon namin ni Kate. Hindi na nga madali para sa amin na tanggapin ang bagong babae ni Papa tapos heto at pahirap pa siya sa buhay naming magkapatid.
Kung buhay pa sana si Mama siguro ay hindi namin mararanasan ito. Siguro pareho kaming nag-aaral ni Kate ngayon. Hindi sana kami mapupunta sa ganitong sitwasyon.
Tapos ’yong taong dapat ay poprotekta at dapat na maging sandalan namin ay mas inuna pa ang bisyo tapos nangbabae pa.
“Ate? Bakit ka umiiyak? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
“W-Wala naman, bunso. Bigla lang kitang na-miss. Pati na din si Mama,” pagsisinungaling ko.
Malungkot siyang tumingin sa akin. “Ako din, Ate. Sobrang miss kita parati, lalo na si Mama. Kung buhay pa siya baka hindi magulo ang pamilya natin. Baka walang Helen na nang-aalila sa akin.”
“Basta, magpakatatag lang tayo, bunso. Balang araw makikita din ni Papa ang tunay na kulay ni Helen. Sa ngayon kasi bulag pa siya sa pagmamahal niya. Kung hindi man matauhan si Papa, ipagdasal na lang siguro natin na maging mabait sa atin si Helen at maging maayos ang ating pamilya.”
Marami pa kaming napag-usapan ni Kate. Pinalalakas ko na lang ang loob niya para maging matatag siya sa pagsubok na pinagdadaanan namin.
Naglinis ako ng katawan pagkatapos naming mag-usap. Ngunit biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang biglang tumunog ang lock ng pinto sa banyo. Hudyat na may nagbukas nito.
Iniluwa niyon si Senyorito Lufer na walang saplot sa katawan. Nanginig ako sa takot pagkakita sa kaniya na nakangisi habang papalapit sa akin.
Agad niya akong sinunggaban. Hindi na ako tumutol pa sa mga pinaggagawa niya sa akin. Wala din naman akong magagawa laban sa kaniya.
Pinanghahawakan ko na lang ngayon ang sinabi ni Ma’am Celestine na ilalayo niya kami dito nila Kate. Umaasa ako na balang araw ay makakaalis din ako sa imp*yernong bahay na ito.
“Bakit hindi ka na nanlalaban? Tanggap mo na ba ang kapalaran mo sa mga kamay ko?” nakangising tanong ni Senyorito Lufer.
Naninigarilyo siya habang nakaupo sa dulo ng kama. Hindi niya alintana kung panay na ang ubo ko dahil sa usok ng kaniyang sigarilyo.
Nababahala ako habang nakatingin sa kaniya na wala pa ding saplot. Nangangahulugan lang na wala pa siyang balak na tigilan ako.
Ganito ang gawain niya tuwing hindi pa siya nagbibihis; maninigarilyo muna bago ako muling aangkinin ng paulit-ulit.
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay tinapunan ko lang siya ng masamang tingin. Matapos manigarilyo ay hinila niya ako palapit sa kaniya.
Mula sa pagkakatihaya ay walang kahirap hirap na pinadapa niya ako sa kama. Ilang beses niya akong g*namit habang nasa likuran ko siya at ako naman ay nakadapa. Nanginginig na ang mga tuhod ko nang tigilan niya ako.
Sa tuwing pagsas*mantalahan niya ako ay palalim nang palalim ang itnatanim kong galit para sa kaniya. Hinding hindi ko siya mapapatawad.
“May darating na mahalagang bisita si Donya Clara bukas. Ayusin ninyo ang mga trabaho n’yo dahil ayaw daw niyang mapahiya siya,” pagbibigay alam sa amin ni Aling Sonia matapos naming mag-almusal.
Pagkaalis ni Ma’am Celestine ay pumunta naman si Sir Orson sa beach resort na pagmamay-ari din ng pamilya Del Mundo. Doon daw muna ito pansamantala.
“Sino kaya ang importanteng bisita na darating? Baka isa na naman sa mga amiga niyang matapobre din,” mahinang sambit ni Ate Wena.
“Rowen, ’yang bibig mo, tatahiin ko ’yan. Gusto mong mal*ntikan tayong lahat dito? Alam mo namang ayaw na ayaw ni Donya Clara na pinag-uusapan ang tungkol sa kanilang pamilya lalong-lalo na dito sa loob mismo ng kanilang pamamahay,” saway ni Aling Sonia kay Ate Wena na agad namang tumahimik.
“Angeli, huwag ka daw munang mag-day off bukas. Kailangan ka daw dito sabi ni Donya Clara. Hindi din naman ako magdi-day off,” saad ni Aling Sonia nang bumaling siya sa akin.
“S-Sige po, sa susunod na lang,” napipilitang sagot ko.
Tutol man ako sa kagustuhan ni Donya Clara pero pumayag na lang ako. Mabuti na lamang at may cellphone na din si Kate, makakausap at makikita ko pa din sila ni Papa kahit hindi ako makauwi.
Pagpatak ng tanghali ay umalis si Senyorito Lufer. Ang sabi ay pumunta daw sa Maynila dahil muli na namang nagkaroon ng problema sa kanilang negosyo.
Kampante akong natulog sa unang gabi na wala siya sa mansiyon. Naihiling ko tuloy sa sarili na sana ay matagal bago niya maayos ang problema sa negosyo nila upang magtagal siya doon.
“Hoy, babae! Linisan mo nga ang kwarto ko. Siguruhin mong walang kalat ang kwarto ko sa oras na bumalik ako doon maya-maya,” nakapamaywang na utos sa akin ni Donya Clara.
Agad akong tumalima. Tinungo ko ang kwarto nila ni Don Lucio. Ngunit agad din akong natigilan at nanlumo pagkakita sa kwarto nila.
Magulo ang higaan, may ilang maruruming damit din akong nakita. May natapon ding tsaa sa ibabaw ng lamesa sa loob ng silid nila.
Humugot muna ako ng malalim na hininga. Napapailing ako sa tuwing madadaanan ko ng tingin ang bawat sulok ng kwarto na puro kalat. Halatang sinadya niyang lagyan ng kalat ang kwarto niya upang pahirapan ako.