KABANATA 22

1013 Words
“What’s the meaning of this, Lufer? Pagkatapos ng lahat itatapon mo lang ako ngayon na parang basura?” galit na sambit ni Ma’am Celestine. Nakaawang ang pinto ng kanilang silid. Akma na sana akong kakatok dahil oras na ng paglilinis ko ng kwarto nila pero bigla na lang sumigaw si Ma’am Celestine. “Are you stupid? Hindi kita niligawan, una pa lang alam mo nang laro lang ang mayroon sa ’tin. Masiyado mo namang sineryoso,” sabi naman ni Senyorito Lufer. Naikuyom ko ang kamao. Napakawalang hiya niya talaga. Ginagawa niya lang laruan ang mga babae. Tumalikod ako at hindi na nakinig pa sa usapan nilang dalawa. Nakaramdam ako ng awa para kay Ma’am Celestine. Bakit nga ba may mga lalaking katulad ni Senyorito Lufer? Hindi na nila nirespeto ang kawangis ng kanilang ina. “Nag-aaway sila ’no?” pabulong na tanong ni Ate Wena pagkababa ko. “Opo, Ate. Kaya hindi na muna ako tumuloy,” tugon ko. Bitbit ko pa din ang mga gamit panglinis na dala ko kanina pag-akyat. “Kanina ko pa sila naririnig na nagtatalo pagdaan ko. Pinagsabihan na nga ni Donya Clara si Senyorito Lufer pero hindi siya nakinig. Kawawa naman si Ma’am Celestine,” malungkot na sabi ni Ate Wena. “Kaya nga po, eh.” “Oras ng trabaho nagdadaldalan kayo?” Gulat na napatingin kami ni Ate Wena kay Donya Clara nang bigla na lang siyang sumulpot sa likuran namin. “P-Pasensiya na po, Donya Clara,” halos magkasabay na hinging paumanhin namin ni Ate Wena. Napayuko kami pareho. Lumapit sa akin si Donya Clara at dinuro-duro ako. “Ikaw na malanding ambisyosa ka, hinahawaan mo pa talaga ang mga matitinong kasambahay ko na gumawa ng mga kalokohan. Unang kita ko pa lang sa ’yo hindi na talaga kita gusto, eh. Kaya naman pala dahil masamang impluwensiya ka sa mga matitinong trabahador ko!” Hindi pa siya nakuntento sa panduduro sa akin, hinila pa niya ang buhok ko. Hindi ako nagsalita. Tahimik lang akong umiiyak habang tinatanggap ang mga masasakit na salitang sinasabi niya tungkol sa akin. “D-Donya Clara, tama na po. M-May kasalanan din po ako. Ako ang unang nakipag-usap sa kaniya. Huwag n’yo na po siyang saktan.” Awat ni Ate Wena kay Donya Clara. “At sino ka naman para utusan ako? Umalis ka sa harapan ko, Rowena! Baka ikaw pa ang mapagbuntunan ko! Ganiyan pala ang gawain ninyo kapag may mga ganiyang pangyayari sa buhay ng pamilya namin. Kami ang ginagawa n’yong pulutan! ” nandidilat ang mga matang sigaw niya kay Ate Wena. Walang kibo na umalis si Ate Wena sa kusina. Bumangga pa siya sa kanto ng lamesa sa kamamadaling makalayo sa amin. “Nang dahil sa ’yo kaya hihiwalayan na ngayon ni Lufer ang girlfriend niya. Mukha ka lang palang inosente pero nuknukan ka ng kati.” “W-Wala po kaming relasyon ni Senyorito Lufer. Wala pong katotohanan ’yong mga sinabi niya kahapon,” pagkakaila ko. “Wala kayong relasyon pero nakikipagt*lik ka sa kaniya? Aba! Ibang klase ka din pala talaga!” “Hindi ko po ginusto ang nangyari sa amin. Pinipilit niya lang po ako. Dahil kung hindi ko siya susundin, kapatid ko ho ang mapapahamak.” Lakas-loob na ipinaalam ko sa kaniya ang kahay*pan ng kaniyang anak. “Anak ko pa talaga ang namimilit sa ’yo? Ang galing mo naman, siniraan mo pa talaga ang anak ko!” “N-Nagsasabi po ako ng totoo. Ilang beses na din po niya akong ginawan ng masama. Wala po akong kamalay-malay na ginag*hasa na pala niya ako.” Umigkas ang kamay niya at dumapo sa pisngi ko. “Ang lakas din talaga ng loob mong siraan ang anak ko! Heto ang tatandaan mo, hinding-hindi ako papayag na ikaw ang maging asawa ng anak ko. Marami siyang kakilala na nagmula sa mayaman at kilalang pamilya sa maynila! Isa sa kanila ang gusto kong pakasalan niya at hindi ang kagaya mo lang!” Namumula na ang mukha niya sa galit. “H-Hindi ko din naman po gustong magpakasal sa kaniya. Mas matutuwa po ako kung mapipigilan n’yo siya sa gusto niya. Hindi ko po gugustuhing magkaroon ng anak sa isang kagaya lamang ng anak mo,” sabi ko at agad na tumalikod. Hindi na ako nagpaalam pa sa kaniya. Mas lalo lang hahaba ang usapan kung hindi ko pa siya iiwan. “Hoy! Huwag mo akong talikuran, kinakausap pa kita! Walang modo!” dinig kong sigaw niya. Dali-dali akong pumasok sa aking kwarto. Umiyak ako nang umiyak upang ilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Makaraan ang ilang minuto ay may kumatok sa pinto. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at inayos ang buhok saka ko pinagbuksan ang kumakatok. “Hi! I’ve been looking for you. Nandito ka lang pala,” nakangiting sambit ni Ma’am Celestine. Namumula ang mga mata niya senyales na kagagaling niya lang sa pag-iyak. “Pasok po kayo.” Tipid akong ngumiti sa kaniya. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang makapasok siya. “Bakit n’yo po ako hinahanap?” tanong ko matapos isara ang pinto. “Aalis na ako, Angeli. Pinuntahan kita dito para magpaalam.” “Mag-iingat po kayo sa pag-uwi, Ma’am Celestine. Salamat po sa pagiging mabuti n’yo sa akin kahit na isa lamang akong kasambahay.” “Ikaw din, mag-iingat ka dito parati. May aasikasuhin lang ako pero babalikan kita upang tulungan kang makaalis dito.” “Ma’am Celestine . . .” naluluhang sambit ko. “Oo, Angeli. Alam ko ang ginagawa niya sa ’yo. Sa ngayon wala pa akong magagawa upang tulungan kang makalayo dito kasama ang pamilya mo. Pero oras na maayos ko ang problema sa amin, babalikan kita at ililigtas.” Tuluyan akong napahagulgol nang yakapin niya ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang ginagawa sa akin ni Senyorito Lufer, pero nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. “Maraming salamat po. Hihintayin ko po ang pagbabalik mo.” “Sige na, aalis na ako. Tatagan mo lang ang loob mo. Balang araw, pagbabayarin natin siya sa mga kahayupan niya.” .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD