Nadadala ako sa lungkot at pagsisisi na nakikita sa mukha niya kaya pilit kong inaalala ang tungkol sa bangkang laruan. At agad na namilog ang mga mata ko nang bumalik sa balintataw ko ang isang eksena malapit sa talon noong bata pa lang ako. Malungkot ako ng mga panahong ’yon dahil nagtrabaho si Mama sa ibang bansa. Ayaw ko siyang umalis kaya lumayas ako sa bahay at napadpad ako sa talon. Doon ay umiyak ako nang umiyak. Nahinto lang ako nang may dumaang bangkang laruan sa harapan ko. Napangiti ako at agad na dinampot ang laruan. “Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka. Huwag ka nang umiyak, ha? Sa ’yo na ’yang laruan. Kapag malungkot ka isipin mo lang na namamasyal ka at nakasakay sa bangkang ’yan.” Matamis na ngumiti sa akin ang isang batang lalaki. Nakipaglaro siya sa akin kaya pans
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


