Kung hindi dahil sa kapatid kong si Kate ay baka matagal na akong sumuko matapos akong paulit-ulit na pagsam*ntalahan noon ni Lufer. Hindi ko sana makakasama ulit ngayon si Tony kung hindi dahil kay sa kaniya. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari kahit anim na taon na ang nakararaan... “Kanina ka pa panay halik, naghihintay na sina Orson sa ’yo,” nakangusong sambit ko. Pilit kong inilalayo ang sarili kay Tony na nakasubsob sa aking leeg. “Huwag na kaya akong umalis, magkulong na lang tayo maghapon?” bulong niya sa akin. Gumapang ang isa niyang kamay sa binti ko. “Hindi puwede, magwawala si Tine. Kita mong naglilihi ’yung tao. Sige ka, mahirap kaaway ang buntis na naglilihi.” Kunwa’y pananakot ko sa kaniya. Pupunta sila sa bukid upang mamitas ng bayabas na pinag

