Napailing at halos matawa si Keirby nang marinig ang pagpapakilala ng babaeng nakaaway niya kanina at Sheena pala ang pangalan.
Nice name., He thought.
That woman had a humor he assumed dahil parang bubbly ang personality nito at may pagkasuplada din.
"f**k pare, imagine that,-- single daw siya but not ready to mingle. Hmmn she seems to be interesting huh." Saad ni Henry na mukhang nagka crush ata sa babaeng yun.
"Seriously, Henry? Ngayon ko lang ata narinig from you that you commented about a woman again." Amused na tugon niya sa kaibigan.
"It's been 3 years bro that Im single so I think there's nothing wrong with trying to date a girl again." Nakangiting sagot pa nito.
Bigla siyang natigilan, at pinakatitigan si Henry tsaka siya umiling iling.
*****
Naka ilang rampa pa sila Sheena bago ang announcement ng winner. At nang dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat ay tinawag na ang mga kandidata.
Nasa gitna silang lahat ng stage at hinihintay ang pag aanunsyo ng mananalo, naririnig pa niya ang malakas na tili ng mga kaibigan na todo ang pag che-cheer sa kanya.
She's feeling nervous at nagdasal na sana ay siya ang manalo para makuha niya ang 50k. She crossed her fingers ng magsimula nang magsalita ang host.
"AND NOW LADIES AND GENTLEMEN IM NOW HOLDING THE RESULT OF THE WINNER OF MISS AGUSTIN BIKINI OPEN---
AND THE WINNER IS-‐----- pambibitin ng host. Dumadagundong ang dibdib niya sa kaba...
MISS SHEENA GOMEZ!!!"
Napanga-nga siya sa gulat ng marinig ang pangalan niya, totoo ba yun? Is she realy won?' Sunod sunod na tanong niya sa sarili.
Nagising lang siya nang igawad sa kanya ang sash at umakyat yung katabing lalaki ng anak ni Gov. na nakaaway niya kanina at ito ang nagsuot ng sash sa kanya. Gwapo din ang lalaki siguro ay ka edad ito nung Keirby na yun but he seems to be much kinder than him. Saad ng isip ni Sheena.
"Congrats miss, you deserve it. You're really pretty up close." Bulong ng lalaki,. Tinignan niya ito at nginitian bahagya pa siyang nailang the way he look at her.
"Thank you sir." Tipid na sagot niya.
"Im Henry Gascon, Im the mayor of this town." Saad nito bago bumaba ng stage, she even saw him wink.
Bigla tuloy siyang kinilabutan at natulala, yun pala ang mayor dito. Sa isip niya. Nakaramdam siya ng bahagyang hiya.
Hindi naman siya man-hater at nagkaroon na din naman siya dati ng boyfriend but she wasn't just the type of girl na madaling maniwala sa matatamis na dila ng mga lalaki. Dahil para sa kanya ang pag ibig ay pinag hihirapang makuha hindi basta basta. Yun ang paniniwala niya.
"Ayyyy!!! Besh ang galing galing mo talaga, panalo tayo!." Tiling lapit ni Gracia sa kanya sabay yakap na halatang tuwang tuwa sa panalo niya.
"Salamat sa inyong dalawa besh sa un-ending support. Basta may bahagi kayo dito sa panalo ko.-- at makakapag enroll na si Ricky next month besh." Masayang saad niya at umabot hanggang sa mata ang pagkakangiti.
Habang nag uusap sila ng kaibigan ay biglang may tumikhim sa likuran nila. Sabay pa silang lumingon ng kaibigan niyang si Gracia.
"Ehemm.. Excuse me, Hey--- miss do you remember me?" Tanong ng lalaking nakaaway niya kanina sa kalsada, matiim itong nakatingin sa kanya.
Nagulat ng todo si Sheena dahil hindi niya akalaing lalapitan siya ng lalaki.
"Oh bakit? Anong problema mister?" Nakataas kilay na tanong niya sa walang modong lalaki.
"What the f**k--- ikaw pa ang may ganang mag suplada ha. Well Do you remember the damage you've done to my car?" Madiing tugon nitong ngumisi pa ng sarcastic.
Bigla siyang nawindang.
Naku eto na naman baka maningil na ang kumag. She thought at biglang natigilan.
"H-ha? Ano ngayon kung na damage yung sasakyan mo? Kasalanan mo naman di ba? Kung di dahil sa pagiging reckless driver mo e di sana hindi ko iyon ginawa.!" Mataray niyang tugon sa lalaki tsaka ito tinikwasan ng kilay.
Siniko siya ni Gracia at pinandilatan. Para pa nga itong namalikmata nang masilayan si Keirby kanina. She knows why, crush na crush daw kasi nito ang Keirby Dawnson na yun.
"Ano ka ba besh, umayos ka si Keirby yan " Narinig pa niyang bulong ni Gracia.
Hindi niya ito pinansin at nakipaglaban ng titigan kay Keirby Dawnson.
"Damn! I tell you lady, you need to pay the charge of my car repair okay? Here this is the address of the shop. Puntahan mo yan at bayaran mo! Do you understand?"
Galit na saad nito tsaka naglakad paalis.
Gigil na gigil naman si Sheena pagtalikod ng lalaki at halos ibato dito ang trophy na hawak niya.
"Arrgghhhh bwisit talaga yung lalaking yun!!!" Hiyaw pa niya nang makabawi sa pagkabigla.
"Oh-my-God beshie s-si Keirby Dawnson ba yun girl? f**k---- ang gwapo niya teh!!!" Kinikilig at namimilog ang matang sambit ni Gracia ng makabawi sa pagka shocked nang makita si Keirby.
"Tumigil ka nga diyan Gracia. Di mo ba alam na sobrang yabang nung lalaking yun!. Kainis siya bwisit talaga eh!!" Gigil na litanya pa niya at nagpapadyak pa ng paa dahil sa sobrang inis sa lalaki.
"Uyy umayos ka nga girl, Kasalanan mo naman. Bakit mo kasi binato yung sasakyan niya,?." Saad ni Gracia na pinaikot pa ang mga mata.
"Teka nga? Isa ka din eh kinakampihan mo din yung unggoy na yun.?" Inis na tanong niya na pinandilatan ng mata si Gracia.
Nakasunod ito sa kanya patungong dressing room, habang si Sassy ay kausap si Rica tungkol sa pagkuha ng kanyang napanalunang premyo.
"Eh kasi naman ikaw eh bakit mo ba kasi tinarayan,?
---Pero besh sobrang gwapo talaga niya." Hirit pa nitong parang nagpipigil ng ihi at halos tumirik na ang mata sa kilig.
Napailing iling na lamang si Sheena sa inaasal ng kaibigan.
"Ewan ko sayo Gracia, ano bang meron sa hudyong yun? Oo gwapo nga siya pero ubod naman ng yabang at walang modo!" Gigil pa ring turan niya bago pumasok sa dressing room para makapagbihis na at kanina pa siya naalibaadbaran sa suot niyang tanging bikini lamang.
Mag aalas dos na ng madaling araw ng maka uwi sila at umarkila ng masasakyang tricycle si Sassy dahil wala ng jeep na bumibyahe sa mga oras na iyon.
Nang makababa sa tricycle ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan siya ang unang hinatid ng mga ito.
"Oh siya mga bakla, good night ha at ingat kayo, bukas na lang yung parte nyo." Saad niyang nakipag beso sa mga ito.
"Hoy besh remember yung atraso mo kay Keirby ha, panagutan mo yun." Natatawang hirit pa ni Sassy.
She rolled her eyes at iniwan na ang mga ito.
Hindi niya babayaran ang pagpapagawa ng sasakyan ng hambog na yun, bahala siya sa buhay niya tutal mayaman naman ito, so bakit pa niya ipapabayad sa kanya eh kayang kaya naman nito iyong bayaran.-- Inis pa ding tugon niya sa sarili. Habang naglalakad papasok ng kanilang munting bahay.
Kinabukasan ay maaga pa rin siyang pumasok sa trabaho at napakasaya niya dahil sa panalo niya ng nakaraang gabi.
Idineposit nga niya agad sa kanyang bank account ang napanalunan pagkatapos niyang hatiin para sa mga kaibigan lalo na kay Sassy na siyang nag atubiling bumili ng ginamit niya sa naturang patimpalak.
Kasama niya ang mga ito ng hapon na yun after her work niyaya niya ang mga itong magmiryenda at inilibre pa niya ang mga ito bilang celebration ng pagkapanalo niya sa bikini open kagabi.
"Anong gusto nyong kainin mga besh, sige na order na habang nakaka LL pa ako. Minsan lang 'to ah." Nakangiting tanong niya sa dalawa nang maka-upo sila sa mesa ng isang fast food restaurant na pinagdalhan niya sa mga ito.
"Echosera kang babaita ka, akala pa naman namin dun mo kami dadalhin sa class na restaurant, tapos ditey lang pala sa julibee. Nagbihis pa naman ako ng bonggang bongga.!" Natatawang hayag ng kaibigan niyang si Sassy sabay pilantik ng mga daliri.
Sabay pa silang nagkatawanan ni Gracia sa itsura nito. Paano ba naman ay nagsuot pa talaga ito ng magarang damit na parang aatend ng party. Naka fitted black jeans kasi ito at tinernuhan ng butterfly style na blouse at ang bruha naglagay pa ng lipstick at make up sa mukha and there's more naka close shoes pa ito at talagang pinaghandaan ang pagmemeryenda nila.
"Grabe ka Sassy bakit naman kasi uma-awra ka ng ganyan para kang mag nininang sa binyag hahaha..." Hagalpak pa niyang sambit dito.
"Oo nga eh ewan ko ba diyan sa baklang yan kaninang daanan ko sa parlor ganyan na ang ayos niya,." Segunda pa ni Gracia na tawang tawa din.
"Bruha ka! Sabi mo kasi ililibre tayo nitong si Sheena sa class na restaurant abah syempre kailangang havey ang outfitan kapag sa ganoong lugar. Hmp!! Ikaw nga diyan Gracia yang outfit mo ay para ka lang maglalaba sa sapa bwahahaha." Ganting pang aasar pa nito kay Gracia na ikinataas naman nito ng kilay.
"Tawang tawa teh? Eh okay lang na mukhang maglalaba kesa naman magmukhang tiktik na may pakpak." Biro din nito kay Sassy na tinawanan nilang tatlo.
Pag kasama niya ang dalawa niyang kaibigan ay sobrang gaan ng pakiramdam niya, ang sabi nga no dull moments puro lang sila biruan at tawanan. At ang dalawa ay sobrang maasahan sa lahat oras at sa lahat ng bagay. Kaya sobrang nagpapa-salamat siya na hanggang ngayon ay kasama pa din niya ang mga ito.
Thank you so much for reading and for supporting..
Abangan nyo po ang pagpapatuloy ng kwento nila yorme at ang Sexy-tary na si Sheena.❤❤❤❤