"Apo!! May bisita ka. Bumaba ka muna dine." Tawag ng lola niya ng gabing iyon, kasalukuyan na siyang nasa loob ng kanyang silid at magpapahinga na sana.
Sino naman kayang bibisita ng ganitong oras?, Tanong niya sa sarili at naghanda na para bumaba.
Nagulat siya ng makilala ang unexpected visitor niya. Nalukot bigla ang mukha niya nang madatnan sa munti nilang sala ang lalaking hindi na niya kailanman nais pa sanang makita.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya sa bisita.
"Sheena, kumusta ka na? Gusto kasi kitang makita kaya ako dumalaw dito." Tugon ni Robin.
Robin is her ex-boyfriend, tumagal din ang relasyon nila ng lalaki ng dalawang taon bago niya ito nahuling nagloloko at isinasabay siya sa ibang babae.
He met him during her college days. Engineering student ito noon sa university nila at ahead ito sa kanya ng tatlong taon, graduating na si Robin noon samantalang first year college pa lamang siya. At dahil matyaga itong manligaw sa kanya dati at halos ay araw arawin siyang dinadalhan ng bulaklak at talaga nga namang pinursige siya ng todo ay bumigay siya sa karisma nito at naging sila nga.
Naging maayos naman sa unang taon ang naging relasyon nila although madalas din silang nagkakatampuhan nito pero at the end of the day ay naayos naman.
Si Robin yung klase ng lalaking clingy at gusto ay lagi silang magkadikit pero siya steady lang ang importante sa kanya ay naipapadama niya in her own simple way ang kanyang pagmamahal dito.
Isang pagkakataon noon na hindi niya makakalimutan na nag away sila ng matindi nito. Robin is asking her to have s*x with him. Nagalit siya dito ng matindi sa dahilang akala niya noon ay naintindihan siya nito sa stand niya about engaging herself into pre-marital s*x. Ipinakiuna na niya dito noon na hindi pa siya handa sa bagay na iyon dahil ang priority niya ay ang pag-aaral niya dahil alam naman nito ang sitwasyon nila sa buhay at ang pangarap niyang mapagtapos din ng pag-aaral ang kapatid niyang si Ricky. But it seems na hindi siya nito nauunawaan. Matagal sila noon na hindi nag imikan sa sobrang sama ng loob niya dito ,pero sinuyo siya nito at hindi sinukuan kaya naman bumigay na naman ulit siya dito.
Ang akala niya ay okay na sila na nagbago na ito at hindi na ito tulad ng dati na may pagka stubborn but she was wrong dahil nalaman niyang niloloko siya nito. At first hindi siya naniwala at ipinagkibit balikat lamang ang mga tsismis na naririnig tungkol dito pero napapansin niyang nagbabago na ang pakikitungo nito sa kanya until one day she caught him in her two eyes na nakikipaghalikan sa ibang babae. At doon na niya tinapos ang kahibangan niya para sa lalaki.
Nakipag break siya agad agad sa mismong lugar kung saan niya ito nahuli. Hindi siya umiyak sa harap nito noon kahit sobrang sakit nun para sa kanya. Basta ang sabi niya dito ayaw na niya itong makita pa.
Robin still tried to win her back pero ayaw na niya itong harapin at ayaw na niyang magpaloko pa dito.
And now after two years buhat ng maghiwalay sila ay heto na naman ito at ang kapal ng mukhang pumunta pa sa bahay nila. Akala siguro nito ay napatawad na niya sa pang-gagago nito sa kanya noon.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya at binalingan ito.
"Ang kapal naman ng mukha mo Robin na magpakita pa sa akin pagkatapos mo akong lokohin noon!" Matigas na saad niya dito and gave him a nasty look.
"Sweetheart hindi ko na kaya, na realize kong ikaw ang mahal ko at hindi kita makalimutan. Please naman Sheen patawarin mo na ako." Nagsusumamong saad pa nito na halos maiyak na.
Nakaramdam siya ng pagkairita sa drama nito. Akala mo kung totoong hirap na hirap eh samantalang kailan lang niya nabalitaang nakipag break na naman dito ang girlfriend nito dahil sa pambabae nito. At kaya malamang nandoon ngayon sa kanila para utuin na naman siya nito.
At kung akala nito ay mauuto siya nito ay nagkakamali ang kumag na ito. Piksi ng isip niya.
"At sa akala mo mauuto mo pa ako?---Umalis ka na, wala kang mapapala sa akin. Tapos na tayo at nakapag move on na ako kaya sana ikaw din.
Wag kung hihiwalayan ka ng jowa mo ay sa akin ang punta mo na akala mo ay handa pa kitang saluhin,. Para sabihin ko sayo Robin hindi ako ganun ka- cheap para saluhin ang tinapon na ng iba!" Matapang pa niyang turan dito at tinalikuran na ito para pumasok ulit sa kanyang silid.
"Patawarin mo na sana ako Sheena, kahit hindi na tayo magkabalikan. Hinihiling ko lang na sana ay mawala na ang galit mo sa akin." Pahabol pa nito na ikinalingon niya dito.
She smirked at him pero hindi na siya nagsalita. Namataan niyang lulugo lugo itong lumabas ng bahay nila.
Nang makapasok sa silid ay pinakiramdaman niya ang sarili kung may nararamdaman pa siya para kay Robin ngunit wala na siyang makapa doon bukod sa sama ng loob pa rin sa ginawa nitong panloloko sa kanya noon.
********
Paglipas ng ilang araw ay naging smooth sailing naman ang buhay nila Sheena kahit na medyo hirap sila sa buhay.
Nang hapong iyon pagka uwi niya galing trabaho ay nadatnan niya ang lolo at lola niyang matamang nag uusap sa kusina. Napasukan niya ang mga ito roon dahil iinom sana siya ng tubig.
"Oh apo narito ka na pala." Saad ng lola niya.
"Opo la, mano po." Sagot niya at nagmano sa dalawa subalit napansin niyang matamlay ang lolo niya.
"Ayos lang ho ba kayo lo? Para pong matamlay kayo?" Tanong niyang matamang pinagmasdan ang lolo niya.
Narinig niyang bumuntong hininga ito at malungkot na bumaling sa kanya.
"A-apo, may problema tayo." Saad nito at mataman siyang tinitigan.
"Ano yun lolo?" Tanong niyang biglang nabahala.
"Y-yung sakahan kasi--- g-gusto nang kuhanin ng may ari ng lupa." Malungkot na tugon nito. Kita sa mukha ng lolo niya ang labis na pagkabalisa.
Bigla siyang natigilan at nakaramdam ng simpatya sa kanyang abuelo.
"Lo, B-bakit naman po biglang kukunin nila samantalang matagal nyo namang sinasaka iyon.?" Tanong niyang biglang naawa sa matanda.
"Kasi balak atang patayuan ng bahay. P-pero may ibinigay silang kundisyon kung gusto ko daw ay bilhin ko na lamang ang lupa mula sa kanila." Saad ng lolo niya.
"Ano ho? Ibebenta po sa inyo? Magkano daw ho?" Tanong niya. Matamang nakatitig dito.
"Kalahating milyon apo." Mahinang turan nito. Pero halatang nalaglag ang balikat dahil sa iniisip niya kung saan namang kamay ng hudas sila kukuha ng kalahating milyong piso.
"S-saan naman tayo kukuha ng halagang yun lo?" Mabigat ang loob na tanong niya.
Namroblema na naman siya. Alam niyang napakahalaga ng lupang iyon sa lolo niya dahil dito ito kumukuha ng kakainin nila at inilaan nito ang buong buhay sa pagsasaka at yun lamang ang alam nitong trabaho. Kaya labis din siyang nalunglungkot sa nangyayari.
"Panahon na siguro apo na pakawalan ko na ang sakahang iyon." Biglang saad nito at lulugo lulugong tumayo na.
Nakasunod ang tingin niya sa lolo niya na papasok na sa silid ng mga ito.
"La, ano hong gagawin natin?" Malungkot na baling niya sa lola niya na naiwan sa tabi niya.
"Hindi ko alam apo. Alam mo namang sobrang halaga ng sakahang iyon sa lolo mo. Pero wala na tayong magagawa pa." Sambit ng lola niya at nagpaalam na rin sa kanya para sundan ang lolo niya,.
Naiwan siyang naguguluhan, bigla siyang nanlumo dahil sa nalaman. Paano na ngayon ang lolo niya. She knows na masasaktan ang lolo niya pag nawala ang sakahan nito.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi mawala ang sakahan ng lolo niya. Pero paano? Tanong niya sa isip na gulong gulo.
*****
"Uy Sheena ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah?" Tanong ng kaibigan niyang si Sassy, kasalukuyan kasi siyang nasa parlor nito nang tanghaling yun.
"H-ha? Pasensya na bakla, medyo may naiisip lang ako." Sagot niya at malungkot na tumingin dito.
"May problema ba beshie?" Tanong nitong itinigil ang ginagawa.
"K-kasi si lolo, namomroblema ngayon.--- At ikinwento niya dito ang problema ng lolo niya na bumabagabag din sa kanya.
"Sus maryosep beshie-- malaking problema nga yan. Saan ka naman kukuha ng ganyang kalaking datung.?" Saad ni Sassy na napatampal pa sa noo nito.
"Ewan ko besh. Gulong gulo na nga ako. Tapos nakikita ko pa si lolo na sobrang problemado." Buntong hininga pa niya at nangalumbaba.
"Wag kang mag alaala besh i-push na lang natin yung pag momodel mo ng lengerie, yung offer sayo nung nanalo ka sa bikini open. Naalala mo?" Tanong nito.
At napakunot noo siyang tumingin dito.
"Di ba sabi ko sayo besh na hindi ako papatol sa ganung trabaho, tama na sa akin na minsan kong ginawa ang rumampa ng naka bikini lang. Ayoko nang ibilad ang katawan ko sa madlang pipol, never!" Iritadong tugon niya.
"Ayy grabe siya! Wala namang masama girl kung mag mo-model ka ng underwear." Pangungumbinsi pa nito.
"Anong walang masama? Baka imbes na matuwa ang lolo ko ay atakihin pa yun sa puso pag nakita niya akong ganun lang ang saplot!" Namimilog ang matang tugon pa niya.
"Eh kung di mo bet ano na naman ang gagawin mo para tulungan ang lolo mo aber?" Tanong pa nitong nakatikwas ang kilay.
"Ah ewan bakla, bahala na." Saad niya at nagpaalam na dito para bumalik sa trabaho, tapos na ang lunch break niya.
*Next Page*