Keirby is in his office that morning at kasalukuyang nag- tatrabaho. Mayroon na siyang sariling law firm sa kanilang probinsya at marami na rin siyang nagiging kliyente.
Kasalukuyan siyang busy sa bago niyang kasong hina-handle ng pumasok ang secretary niyang si Mae.
"Sir, may mga pulis po sa labas gusto daw ho kayong makausap." Tugon nito na parang nataranta,.
Napakunot noo siya at tumingala dito.
"Let them in Mae." Matigas na utos niya dito.
"Okay po sir." Sagot nitong nag atubiling lumabas.
"Good morning Mr. Dawnson. Sa inyo po ba ang sasakyang nasa GL repair shop. Ito po." Tugon ng isang pulis na ipinakita ang litrato ng sasakyan niyang New model ng Toyota Corolla. Yun yung pinagawa niya ang salaming nabasag ng babaeng Sheena ang pangalan.
At halos lamukusin niya ang hawak na larawan sa nakita. May mga vandal ang sasakyan niya at mukhang pinag tripan.
"Yes that's mine! Anong nangyari? Bakit may ganyan?" Galit nang tanong niya sa mga pulis.
"Sir pinasok kasi ng mga kabataang sabog ang shop na yan kagabi at napag tripan ang sasakyan nyo. May mga bagay pa silang kinuha sa loob." Pagbibigay alam ng mga ito.
"Damn it!!! Sinong may gawa niyan, Nahuli nyo ba?" Halos mag usok ang ilong na tanong pa niya. Hindi man lang ba napansin ng may ari ng shop na napasok ang mga ito? He ask himself.
"Nasa presinto na po sila sir, at kasalukuyang iniimbestigahan. Narito po kami para ipaalam sa inyo ang nangyari." Tugon pa ng isang pulis.
Agad tumayo si Keirby at nakakuyom ang kamao na kinuha ang cellphone niya para tawagan ang ama.
He will go to the precinct para personal na makita ang mga taong pangahas na gumawa ng ganoon sa sasakyan niya.
"Susunod ako sa presinto officer, I will file a formal charge against them!" Matigas na saad pa niya at nagpaalam na ang mga ito.
Nang makaalis ang mga pulis ay galit na napasuntok pa ang kamao niya sa kawalan.
******
Kasalukuyang nagtitipa sa kanyang computer keyboard si Sheena nang mag ring ang kanyang cellphone.
Kinuha niya iyon at sinagot dahil tanging number lang ang naka register doon.
"Yes hello?" Bungad na bati niya sa kabilang linya.
"Hello mam, eto po ba si Miss Sheena Gomez?" Tanong ng boses lalaki sa kabilang linya.
"Opo., Bakit po? Sino po ba sila?" Sunod sunod na tanong niya.
"Kilala nyo po ba si Ricky Gomez?" Tanong pa ng nasa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan pagka banggit sa kapatid.
"K-kapatid ko po siya sir, b-bakit po?" Kabadong tanong niya.
"Nasa Infante police station po ang kapatid niyo. Puntahan nyo po dito." Saad ng kausap niya kaya bigla siyang natigagal.
Agad siyang nagpaalam kay Atty. Maracas at kahit panay ang kabog ng dibdib niya ay agad siyang nagtungo sa Police station.
Pagkarating doon ay nadatnan niya ang kapatid na may posas ang mga kamay at may mga kasama itong mga kaedad din nitong tatlong lalaki.
Bigla siyang napatakbo sa gawi ng kapatid at halos maloka sa nakikita.
"A-anong nangyari Ricky? Bakit may posas ka?" Gulong gulong tanong niya sa kapatid at hinawakan sa magkabilang balikat...
"A-Ate sorry.." Saad nitong biglang tumulo ang luha.
Napatingin siya dito. Bakit ito nag so-sorry ano bang ginawa nito? Tanong niya sa isip.
"Anong sorry? Bakit ka nag so-sorry? anong ginawa mo?!!" Pasigaw na niyang tanong dito.
Kanina pa talaga sinasalakay ng kaba ang dibdib niya.
Nang maya maya lang ay biglang may dumating na at doon nabaling ang tingin ng lahat.
Napatingin din siya sa direksyon na tinitignan ng mga pulis.
"Narito na po si Mr. Keirby Dawnson, yung may-ari ng sasakyang napag tripan ng grupo ng kapatid nyo mam." Tugon ng isang pulis,.
Na-estatwa bigla si Sheena sa narinig. Anong pinag tripan? She ask herself at marahas na bumaling sa kapatid.
"Anong ginawa nyo ha? Magsalita ka!! Bakit di mo sabihin ang kalokohang ginawa mo?" Galit nang tanong niya sa kapatid.
Bakit naroon ang lalaking yun anong kinalaman nito.? Halos maloka siya sa daming tanong sa isip.
"Mam ang kapatid nyo po ay kasali sa kakasuhan ni Atty. Dawnson sa Vandalism at Kasong theft." Pagbibigay alam ng isang pulis.
Halos kapusin siya ng paghinga ng marinig ang sinabi ng pulis.
Bigla siyang napasugod sa kinauupuan ng kapatid na yukong yuko at halatang kabado.
"Totoo ba ang sinasabi nila Ricky?--- Marahas na tanong niya sa kapatid at ibinaling sa kanya ang mukha nito. Hindi ito kumikibo.
"Ano?!! Magsalita ka!! ginawa mo ba yung binibintang nila sayo ha?!!!" Galit at nanggigil na tanong pa niya sa kapatid.
Nanginginig na ang kapatid niyang bumaling sa kanya.
"A-Ate ayokong makulong---tulungan mo ako ate. H-hindi ko naman sinasadya---
Hikbing turan ng kapatid,. Napatigagal siya sa pag amin nito. Hindi niya akalaing napapabarkada ito sa mga ganoong uri ng kabataan.
Dahil sa tingin naman niya ay hindi siya nagkulang ng paalala dito. Bakit nito iyon nagawa?
Vandalism and theft is such a serious crime at maari nga itong makulong kahit pa maituturing na menor de edad pa lamang ito.
His brother is turning 18 two months from now at kapag tumuntong ito sa edad na labing walo ay maari na itong makulong lalo pag napatunayang may kasalanan nga ito.
Napag alaman niya mula sa mga alagad ng batas na ang grupo ng kapatid niya ay pinasok ang isang car repair shop kagabi at pinag tripan ang sasakyang naroon na nagkataong pag aari ni Keirby Dawnson at kung mag biro nga naman ang tadhana ay nakakaloka dahil ang sasakyang napag tripan ng grupo ng kapatid niyang si Ricky ay ang mismong sasakyang nabato niya nung nagka engkwentro sila nung nakaraang araw.
Dobleng kasalanan agad ang kakaharapin niya sa mayabang na lalaking iyon, at sigurado siya na mas ididiin nito ang kapatid niya pag nalaman ang kaugnayan nila.
Pagkalipas ng ilang sandali....
"So your here? What a small world-- oh is he your brother?"
Patuyang tanong ni Keirby kay Sheena ng makalapit ito sa kinaroroonan nila, katatapos nitong makipag usap sa mga pulis.
Napaangat ang tingin niya sa lalaki at tinignan ito ng masama.
"Menor de edad pa ang kapatid ko, You cannot put him in jail!!" Matapang niyang tugon sa lalaki at nakipag sukatan ng tingin dito.
"Really? But I guess your brother will be turning 18 two months from now. So pwede na siyang makulong by that time." He uttered mockingly. And even smirked.
Biglang naging demonyo ang tingin niya sa lalaki. Wala itong awa pati ba naman mga kabataan masisikmura nitong ipakulong? Paano na ang pag aaral ng mga ito? Samo't saring tanong niya sa sarili. Naisip niyang maki usap dito ng maayos. Kahit pa magmukha na siyang tanga.
"P-pero b-baka pwede na lang natin pag usapan o pabayaran mo na lang ang danyos at pagpapagawa ulit sa sasakyan mo. p-please naman sir, Maawa ka sa mga batang 'to, mga nag-aaral pa ang mga ito eh." Pagmamakaawa na niya dito baka sakaling mahabag ito at iurong na ang kaso.
"Haha.. Are you kidding me miss? Remember you still owe me sa pagbato mo sa sasakyang vinandall naman ng grupo ng kapatid mo.! Di ba sinabi ko sayong bayaran mo ang pagpapagawa sa sasakyan kong binato mo?-- But what did you do? Di ba tinakbuhan mo din? Keirby started...
"So tell me why should I give your brother a consideration? hmmnn? Ikaw nga mismo hindi marunong mag take ng responsibility sa actions mo right miss 'single but not ready to mingle'?."
Nakangising tugon pa nito na ang tinutukoy ay ang pagtakbo niya dito noon matapos niyang mabato ang sasakyan nito.
Napalunok si Sheena sa tinuran nito at para siyang tinamaan ng matindi sa sinabi nito.
Napatingin siya dito ng masama. Grabe ang ugali nito pambihira sa tigas ng puso. Sa isip niya.
Pero wala siyang nagawa kundi isuko sa batas ang kapatid kahit pa labag sa loob niya.
Ipinasa sa custody ng DSWD ang pangangalaga sa kapatid niya at sa mga kasama nito since they were all minors.
Sumama pa siya hanggang sa shelter na pinagdalhan sa mga ito. Masamang masama ang loob niya sa kapatid at talagang ngali ngali niya itong batukan sa ginawa nito.
"Aalis na ako Ricky, Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kina lolo itong problemang ginawa mo. Alam mo bang halos lahat ng raket ginawa ko para makapag ipon lang ng pang enroll mo sa pag pasok mo sa kolehiyo ha?--- Pero ikaw eto ka at nakipag barkada sa mga taong magdadala sayo sa kapahamakan. Hindi ako nagkulang sa paalala sayo Ricky-- Nakakasama ka ng loob." Mangiyak ngiyak niyang tugon sa kapatid.
Ginawa niya ang lahat para dito, sukdulang maghubad na siya sa harap ng karamihang tao para lang makuha ang premyo sa contest na sinasalihan niya--tapos eto ang malalaman niyang ginagawa ng magaling niyang kapatid.
"Sorry talaga ate.. Patawarin mo na ako. Promise pag nakalabas ako dito magtitino na ako-- Ayaw ko dito ate." Umiiyak at nagmamakaawang turan nito at pilit siyang hinahawakan.
"Wala akong magagawa ngayon Ricky. Ipagdasal na lang natin na sana ay mahabag ang lalaking yun sa inyo.---- magpakabait ka dito." She told his brother habang walang tigil ang pagtulo ng luha niya dahil sobra siyang nalulungkot sa kinahantungan ng kapatid.
Ang pangarap niya dito ay makapag tapos ng pag aaral pero paano yun mangyayari kung makukulong ito?
Para siyang mababaliw dahil sa patong patong na problema.
Una ang sakahan ng lolo niya na hindi pa niya nabibigyan ng solusyon tapos eto na naman ang pangalawa, ang kaisa isa niyang kapatid ay makukulong..
Ang saklap naman ano bang gagawin niya ngayon.' Himutok ng isip niya.

Vote for more updates❤❤❤