Matamlay siyang umuwi sa kanilang bahay ng hapong iyon. Namo-mroblema siya kung paano niya sasabihin sa mga abuelo niya ang tungkol sa pagkakakulong ni Ricky. Nang makarating sa kanila ay naabutan niya ang lola niyang naghahanda na ng hapunan. Nasa kusina ito kaya doon siya dumiretso. "Magandang gabi la,." Bungad niya at nagmano dito. "Kaawaan ka ng diyos apo." Tugon niya at naupo sa harap ng lamesang kainan nila. "Wala pa si Ricky. Anong oras na." Sambit ng lola niya. "Ah la, h-hindi po muna uuwi si Ricky ng mga ilang araw. K-kasi po kailangan na niyang masanay na tumira sa dorm. P-para po sa pagpasok niya sa kolehiyo sa susunod na pasukan. Dadalhan ko na lamang po siya ng mga damit niya doon." Halos di siya makahinga sa pagtatahi ng kasinungalingan. "Bakit naman agad agad.? Eh pi

