"Teka ano nga pala ang pangalan mo ulit iho?" Narinig niyang tanong ng lolo niya kay Keirby. Matamang nag-uusap ang mga ito habang siya ay nasa isang side ng upuan. Pinag gitnaan nila ni Keirby sa upuan ang lolo niya. Para talagang old version ng panliligaw ang peg. "Ako po si Halderson Keirby Dawnson, lolo." Nakangiting pakilala nito sa sarili patungkol sa kanyang abuelo. "Dawnson?-- Kaano ano mo ang gobernador na Dawnson ang apelyido?" Tanong ulit ni lolo Tasyo. "Father ko po siya lo." Sagot nito ulit at nakita niyang tinapunan siya nito ng tingin. Sheena rolled her eyes dahil sa mga tinatanong ng lolo niya sa lalaki. "Abah talaga bah? Nakow iho, sigurado ka ba na ang apo ko ang gusto mong ligawan,? kow eh--- mahirap lang kasi ang buhay namin samantalang ang pamilya mo ay kilala

