"Saan kita ihahatid my loves?" Nakangisi at nang aasar na tanong ni Keirby kay Sheena while driving, umuulan pa rin ng malakas sa labas. Marahas na bumaling ng tingin si Sheena sa lalaking ngising ngisi pa. Aba't masaya ka ngayong animal ka.' Nakaismid na tugon niya sa sarili patungkol dito. "Taga Infante ako. Dun na lang sa bayan." Inis na sagot niya dito at ni hindi ito tinitignan. "No, ihahatid kita sa mismong bahay niyo. I want to meet your family as well, kailangang maging good future husband ako para sayo." Nang uuyam na saad pa nito na para bang kapani-paniwala. "Mahigpit ang lolo ko at ang alam nun ay wala akong jowa kaya magtataka yun pag binitbit kita pauwi." Mataray pa niyang tugon dito. "Hmmn so, kailangan kitang ligawan?" Tanong nito at tinapunan siya ng tingin. Jusko

