Pagkatapos ng office hour ay agad na naman siyang nagtungo sa bayan ng Agoncillo para maki-usap ulit kay Keirby. Talagang hindi siya susuko kahit pa pahiyain na naman siya nito. Papalabas na ang mga empleyado sa opisina at napansin niyang halos wala ng tao, bigla siyang kinabahan dahil baka nakauwi na si Keirby. Lumapit ulit siya sa guard at malayo pa lang nakilala na siya nito, bilang suhol binigay niya na lamang dito ang adobong niluto niya para sana kay Keirby. "Hi manong guard ako ulit!" Masiglang tugon niya at nakangiti pa siya dito. "Hi miss ganda, bakit ka bumalik? Crush mo ako noh?" Nakangising tanong ng guard na mas makapal pa ata ang mukha sa kalyo ng paa niya. Biglang nanindig ang balahibo niya sa tinuran nito. "Hahaha komedyante ka kuya?-- umuwi na ba si Mr. Dawson?"

