Monday morning maagang nagising si Sheena to cook her own adobo version. At talagang paghahandaan niya ng bongga ang pakikipag peace offering kay Keirby Dawnson kaya talagang inagahan niya ang gising para madala niya ang ulam doon ng maaga. Kinakabahan siya ng sobra dahil sa muli nilang paghaharap nito at medyo nag aalangan siya dahil baka pahiyain lang siya nito pero wala siyang choice kundi gawin ang bagay na yun para sa kalayaan ng kapatid niyang nanganganib makulong. "Oh Sheena apo, ke aga mong nagising ah, anong lulutuin mo?" Nagtatakang tanong ng lola niya ng umagang yun dahil nadatnan siya nito sa kusina,. Alas singko pa lamang kasi nun ng umaga. "Magandang umaga la, ah eto po adobo na dadalhin ko po sa isang kaibigan kaya niluto ko ng maaga para maidaan ko pagpasok ko sa opisi

