Bago pa ulit may sagutang mangyari sa pagitan ni Hansel at Tita Tiara ay may bumukas ang pintuan at iniluwa si Dax. "Good morning, Alex," bati nito sa'kin. Ako ang una nitong napansin pero agad napalitan ng pagtataka ang ngiti sa mga labi nito nang mahagip ng tingin ang mga kasama kong bisita. "Good morning," sarkastikong bati pabalik ni Tita Tiara dito. "Tita..." nanaway kong tawag sa pansin ng tiyahin kong mainit ang ulo umagang-umaga. "Bakit? Binabati ko lang ang boyfriend mo," paingos na sagot ni Tita. "Nasaan ba iyong isa?" dugtong pa nito. One momentvay nasa pintuan pa si Dax pero iglap lang ay mabilis na siyang nakalapit sa'kin. Bago pa nakahuma ang kahit na sino sa'min dahil sa pabigla-bigla niyang kilos ay mabilis na bumalot sa'kin ang isang kumot na basta na lang hinila n

