Kinabukasan ay himalang maaga akong nagising kahit na napuyat ako kinagabihan. Pagkamulat ko ng mga mata ay hindi agad ako bumangon sa halip ay inalala ko muna ang magagandang nangyari kagabi. Wala sa sarili akong napangiti habang naglalaro sa isipan ang dahilan ng pagkapuyat ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin iyong saya nang pinagsaluhan naming tatlo. Hindi nakaapekto iyong masamang nangyari sa magandang katapusan sa pagitan namin nina Dax at Vaughn na dito naganap sa silid ko. Hindi na nga ulit iyon sumagi sa isipan ko naganap na pananambang, effective na pampawala ng trauma at anxiety ang sëx lalo na at with special feelings iyon. May malaking pagbabago na ngayon, dati ay iyong sarap lang ang nasa isip ko ngayon ay may kasama ng saya na pumupuno sa puso ko. Hindi naman ako mad

