Pilit kong pinapakalma ang nararamdaman habang nasa elevator pa ako. Iba na iyong pakiramdam ko sa simpleng pagkakahawak ni Dax sa baywang ko upang alalayan ako. Nang bumukas ang elevator sa mismong palapag namin ay pareho kaming walang imik na naglakad papunta sa silid ko. "Thank you," mahinhin kong pasasalamat nang nakatayo na kami sa tapat ng sarado kong silid. Parang gusto kong pektusan ang sarili dahil talo ko pa ang teenager na hinatid ng crush sa bahay. Ang tanda ko na at ilang beses na kaming nagka-anuhan pero kung makaasta ako ay talo ko pa ang first time hinatid ng lalaki! "Good night, Alex," wika ni Dax. Dumukwang ito sa'kin upang bigyan ako nang magaang halik sa noo. Ang puso ko, nag-tumbling sa sobrang saya. Nakakabitin iyong halik pero kailangan kong tiisin lalo na at

