Habang abala ang mga humahabol sa'min sa mga nagsulputang humarang sa kanila ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong numero ni Tito Felan ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot. "Status?" bungad agad nito sa'kin. Kapansin-pansin ang tensiyon sa tono nito. Sigurado akong hindi na naman ito mapakaling nagpalakad-lakad. Habang tumatanda ay nagiging nerbyoso na ang tito kong ito. "Heto maganda pa rin, walang galos, kahit medyo naalog ang utak," pabiro kong sagot. Gusto kong mabawasan ang pag-alala nito sa kalagayan ko. Buong buhay ko, umabot na ako ng thirty pero unang beses kong nagamit ang distress signal. Narinig ko ang paghinga nito nang malalim sa kabilang linya na para bang nabunutan ng tinik. Sa kabila nang naranasan kong gitgitan at habulan kasama ang ilang beses na pag-alog-

