chapter 63

2175 Words

Hindi na ulit inungkat ni Tita Tiara iyong tungkol sa aming dalawa ni Vaughn pero pakiramdam ko ay lagi siyang nakabantay sa kilos namin. Sobrang lasing na niya pero siya pa rin iyong isa sa pinakahuling umuwi. Si Tita Julie ang sinamahan niya, pareho silang sa Carson Hotel naka-check-in kaya pinasundo ko sila ng service dahil pareho silang nakainom. Kasama nila iyong iba kong mga tito at mga asawa ng mga ito kaya safe naman sila. Hindi nakasama iyong asawa ni Tita Julie dahil walang kasama ang mga anak nito. May pasok kasi sa school kaya hindi pwedeng sumama palipad dito sa Austramica. Parang reunion ang nangyari ngayong gabi, at kahit sa maikling oras ay kapansin-pansin ang mas tumitibay na relasyon namin sa isa't isa. Ang swerte ko dahil walang nangyayari inggitan at sapawan sa pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD