Matapos ang maikling moment namin ni Dax sa labas ng bahay ni Lola Niña ay hawak-kamay kaming nakisali sa nagaganap na party sa loob. Kaliwat-kanan ang pagbating natanggap ko mula sa mga pinsan, mga tito, at mga tita ko. At syempre may kasama ring panunukso na sinagot ko lang ng ngiti. Maging sina Daddy Xander, Daddy Zach at Mommy ay nakibati rin via video call kasama ang triplets. Hindi nakasama ang mga magulang ko dahil may kailangan silang i-settle sa school ng triplets. Ilang sandali pa at naging mas sumigla na ang atmosphere ng paligid. Habang kausap ng mga pinsan ko si Dax ay nabigyan naman ako ng pagkakataong makausap si Vaughn. "Thank you, Alex," masuyo niyang pasasalamat sa'kin. Magkatabi kaming nakaharap sa iba't ibang inuming naka-display sa mini-bar na naka-set-up dito

