Napasinghap ako nang walang babalang lumuhod sa harapan ko si Dax. Nagtitili ako sa isipan ko habang nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi ako makakilos ni makapagsalita, pati paghinga ay bigla kong nqhigit dahil sa sobrang gulat. "Alam kong masyado pang maaga, pero ayaw ko nang maghintay pa nang matagal bago itanong sa'yo 'to," seryoso niyang panimula. Mula sa bulsa niya ay naglabas siya ng isang kahita, binuksan ito at inilahad sa harapan ko. Parang gustong tumalon ng puso ko at dinig na dinig ko ang malakas nitong tïbök. "Alexandra Carson, will you marry us?" Para akong mabingi sa tanong ni Dax. Sa mukha niya ako nakatingin sa halip na sa mamahaling singsing na nasa harapan ko. Hinahanap ko ang kahit na katiting na indikasyon na maaring prank lang itong lahat. Inihand

