"Hey Cheena! okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kris.Tumango na lang ako sa kanya. Pwede ko ng ikalunod sa sobrang lalim ng iniisip ko.
Pero sandali, nagtatakang nilingon ko si Kris. Akala ko ba ay umalis na siya, ngunit bakit nandito na agad sya? Grabe!
Ang bilis naman niya akala ko ba may kukunin ito sa HR Department.
Siya si Kris, Isa sa mga empleyado dito sa Villaflor Corp. Sa HR department sya nakatoka kaya kami nagkakilala. Si Kris kasi ang na assign sakin para tulungan ako sa unang araw ko dito. Siya nga pala ang nagligtas sa akin kanina sa kahihiyan.
Speaking of kahihiyan.
Hinding-hindi parin talaga ako maka move on sa nangyari kanina.
Grabe lang, Nakakahiya nang bumaba sa lobby baka mamaya ay may nakakakilala parin sakin baka pag tawanan pa ako doon.
Napabuntong hininga na lang ako. Buti nalang talaga at dumating si Kris. Salamat sa tagapagligtas ko.
" Bakit yata ang bilis mo? Si Flash kaba ng cr?" tanong ko. Natawa naman sya sakin.
"Hala, masyado kang patawa, Tumakbo lang ako kaya ako mabilis. Tsaka eight minutes na kaya akong nawala. Malalim kasi ang iniisip mo siguro hindi mo namalayan ang oras," natatawa niyang sabi.
Napa pout mouth na lang ako.
Inayos ko ang aking pagkaupo noong bigla siyang may ipinatong sa lamesa ko.
"Iyan na nga pala ang schedule ni Sir Arthur para sa araw na ito at nandyan na din yung mga number na tatawagan mo para sa mga important clients. Nakasulat na din dyan yung mga appointment at meetings niya para sa mga susunod na araw," naka ngiting sabi niya.
Binuksan ko agad yung folder, Napalunok ako sa nakita.
Totoo ba ito? Halos mapuno nang mga pangalan na nakasulat sa papel sa loob ng folder. Punong puno ang schedule sheet niya oh, Tapos yung mga number ng kliyente niya sobrang dami rin ang nakalagay, Ano 'yun paghindi makontact yung isa ay may reserba for emergency purposes siguro.
Napailing ako. Grabe, sobrang haba talaga ng listahan niya.
Anak ng tipaklong! Mapapasabak yata ako ng sobra dito ah.
"Cheena," napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko.
7:58 am na e. Yan lang kasi ang pinag bilin sakin ni Sir Matthew. Bye,kita nalang tayo mamaya.
Tsaka, padating na din siguro si Sir," tumango na lang ako sa kanya at nagpasalamat.
Wala pang limang minuto nang umalis si Kris ay may bigla namang lumabas sa elevator. Naglalakad na siya papunta sa akin nang mamukhaan ko siya. Napatayo ako nang hindi oras sa kinauupuan ko noong masilayan ko ang gwapo niyang itchura.
"S-sir," nauutal na sabi ko.
Napatingin naman ito sakin kaya agad akong napalunok.
Iyong tingin niya na sobrang seryoso at nakakatunaw. Tingin na sobrang makalaglag panty at bra sa sobrang intense. Napakagat bigla ako sa labi ko.
Tuloy-tuloy lang siyang naglakad sa pintuan ng opisina niya. Hindi man lamang nito pinansin ang pagtawag ko sa kanya. Diretso lang sya na parang walang narinig.
Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ng opisina niya ay napaupo agad ako nang hindi oras. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Grabe lang ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba.
Para siyang isang mamamatay tao. Sobrang nakakatakot ang itchura nito. Pero hindi ko maipag kakaila na sobrang gwapo niya. Anggang langit ang kagwapuhan nito.
Tsaka ang napansin ko lang sa kanya ay kung bakit yata iba ang itchura niya noong nagkita kami kanina sa lobby. Maloko pa nga ang itsura niya noon. Hindi tulad ngayon na para syang mangangain ng tao. Iyong mabagsik na leon na itsura niya. Wala naman akong naramdamang ganun kanina.
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil sa pagtunog ng intercom sa tabi ko.
"Shete! Nakakagulat naman ito, baka mamaya mamatay na ko sa sobrang takot at gulat nang dahil lang sa tumutunog na ito," nanginginig ang kamay ko habang sinasagot ang tawag.
"Hello! Sino to?" nakangusong tanong ko sa kabilang linya.
"Nasaan ang schedule ko? I Need it now!" nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako.
"SHET! SHET!" andaming mga papel yung boses niya ay makalaglag panty at bra din yung boses niya it's so perfect
ang sarap sa pandinig.
"Anak ng tipaklong," napapamura tuloy ako. Sobrang gwapo at hot niya na nga tapos pati ba naman yung boses niya ay sexy din?
"S-sandali lang po sir. Dadalhin kona po sanin----" natigil ako sa pagsasalita at agad na napatingin ako sa telepono.
Binaba niya!
Grabe lang siya. Binabaan ako ng tawag.
Ni-hindi pa nga ako tapos mag salita. Grabe talaga siya, Nakakagigil! Gwapo nga ang sama naman ng ugali.
Padabog kong kinuha yung folder para sa schedule para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa aking reaksyon, nakabusangot kasi ako dahil sa inis kay Boss Arthur, dali dali akong naglakad papunta sa pinto ng opisina niya.
Kaming dalawa lang ang nandito sa floor na ito, halos buong floor ang gamit niya para maging opisina niya kaya sobrang tahimik daig pa ang lugar dasalan sa sobrang tahimik dito sa floor namin.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay iginala muna ang paningin ko sa loob ng opisina niya.
Nalaglag ang panga ko sa nakita.
Anak ng tipaklong! Sobrang lawak nito ah! malawak pa sa isang Hotel room ang opisina ni Boss, medyo madami rin s'yang mga gamit at display dito pero malawak parin ang espasyo na para bang isang mamahaling hotel na pang maharlika.
Panigurago sobrang mamahalin ng mga gamit dito.
May tatlong painting at book shelves sa isang sulok at iba pang mga pang-display na typical na makikita sa isang opisina. Mayroon ding sofa set na makikita sa kabilang bahagi.
Pero ang nagustuhan ko lamang sanopisina niya ay yung sobrang laking glass window, kitang kita dito ang magandang tanawin sa labas.
Nang napatingin ako sa pwesto ni Boss ay tsaka ko lang napansin ang kanyang malaking lamesa na kulay ginto at pati ang kaniyang pangalan na nakalagay sa ibabaw ng kanyang lamesa ay ginto din, Ano nga ang tawag doon? Plaque?
Arthur S.Villaflor
Chief Executive Officer
Namilog ang aking mga mata sa gulat.
Grabe! Totoo kayang ginto ang lamesa niya?
Tangna! Siya na ang may magandang opisina.
"Where's my schedule?" seryosong tanong niya.
Napatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang mapalunok noong nagtama ang paningin namin kung makatitig sya akala mo ay papatay s'ya sa sobrang seryoso.
Natakot ako dahil sa itsura niyang yun. Gusto kong lumabas na pero pinili ko parin dito sa loob. Walang pag aatubiling lumakad ako papalapit sa kanya.
"S-sir, heto na po yung schedule nyo." nauutal na sabi ko.
Kinuha naman niya ito nang walang pag aalinlangan.
Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay busy sa pagbabasa ng schedule.
Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. Shete! Sobrang gwapo niya sa malapitan. Kitang kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Pointed Nose,iyan ang pinakagusto ko sa lalaki. Ang ganda din ng mga mata niya dahil sa blue eyes niya. And those kissable lips na nakakaakit halikan.
Wahhhh!!!! Nababaliw na yata ako.
"Shete!" Pero ano nga kayang feeling na mahalikan ng sexy lips na 'yun. Masarap ba?
Napabalik ako sa realidad nang magsalita siya.
"Are done checking me out?" seryoso nitong sabi.
Sa sinabi niya ay napaiwas ako nang tingin.
Anak ng tipaklong! Nakakahiya,
Nahuli niya akong tinitignan siya. Nadagdagan pa naman ulit ang pagkapahiya ko sa kanya.
"Ha? S-sorry po," mahinang sabi ko.
Hindi naman siya nagsalita kaya tiningnan ko sya ulit. Napalabi naman ako nang makita ko ang ginagawa niya. Seryoso siyang nagbabasa habang nakakunot ang kanyang noo.
"Psh, ang snob." sabi ko sa sarili ko.
"Ano pa ang hinihintay mo? I thought you're done checking me out, Alis kana! Hindi kita kailangan dito!" napairap nalang ako pero syempre sinigurado kong hindi niya ito nakita.
Umalis na agad ako sa opisina niya. Baka mamaya sabihin niyang gwapong gwapo ako sa kanya. Kahit totoo naman.
Pagkasaradong pagkasarado ko agad ng pinto ay hinawakan ako ang aking dibdib pagkatapos ay pumikit ako ng mariin. Dinama ko ang mabilis na pagtibok ng puso.
"Shete, Talaga! Bakit ang lakas ng t***k nito may sakit na ba ako sa puso?"
Kailangan ko na yatang magpa-doktor pero bago iyon ay KAKAYOD MUNA AKO SA TRABAHO.