CHAPTER 2

1427 Words
CHEENA POINT OF VIEW Hindi parin ako makapaniwalang tanggap na ako sa i-naplayan kong trabaho nang ganoon lang kadali, pero hindi ko maitatangging na masaya ako kasi naman may pambili na ako ng nilalagay ko sa private ko hindi na colgate ginagamit ko may pambili na akong feminine wash. Jusk kidding aside. Nakauwi na ako sa bahay para maghanda nang isusuot kong damit para sa trabaho. Buti nalang nalang may nahiram akong pag office attire sa tabing bahay kong mabait kung hindi wala akong ma i-su-suot. Poor lang kasi ako. Kaya wala akong pambili ng damit. Tsaka na ako bibili pag nag kasahod na ako. Napatulis ang nguso ko habang umupo sa kama. Hinihintay ko na lang talaga ang tawag mula sa kompanya.Para masiguro ko na talagang totoo ata natanggap talaga ako sa trabaho na inaplayan ko. Nag unat muna ko bago ako humiga sa kama ko. Napabuntong hininga ako sa sobrang pagod. Matutulog na sana ako nang bigla akong napabalikwas nang bangon dahil tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at walang dalawang isio na sinagot. "Hello! Sino to?" kinabahan kong tanong. "Pwedi ko bang kausapin si Ms.Cheena Mendoza?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya.Napalunok ako, Hindi ko maiwasang kabahan. Natanggap na ba talaga ako sa trabaho o tumawag lang sila para sabihin binabawi na nila ang pag hi-hire sakin? Tumikhim muna ako bago siya sinagot. "Ako ito, Ano pong kailangan niyo?" nangangatal ang labing tanong ko, mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa pinaghalong excitement at kaba. "I'm Lyka Gomez from HR department of Villaflor Corp. I want to inform you that you can start you job tomorrow. Congrats!" napatalon agad ako at napasigaw sa sinabi niya. Oh my god! It's real! May trabaho na talaga ako.Yes! Hindi na colgate ang gagamitin ko sa akin private part ng body kundi may pambili na talaga ako ng feminine wash. "Lubos ang sayang nararamdaman ko kaya naman nawala na sa aking isipan na may kausap pa pala ako sa cellphone," nahihiyang tumikhim ako. Shete! Nakakahiya! Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha ko, masyado akong nadala sa bugso ng damdamin ko. "Uhmmm, Ms.Cheena? Nandyan kapa ba?" mahinahong tanong ni Lyka. "Y-yes, Sorry na excite lang ako," nahihiya kong paghingi ng tawad. Tumawa lang ito sa kabilang linya. "Yeah! Okay lang. Normal na yan. Ganyan din ang reaksyon ng iba kong natatawagan. Siya nga pla, I have to go, Congrats ulit!" pag papaalam niya. Pag kasabing-pagkasabi ko ng bye ay naputol na agad ang linya. Sa sobrang saya ang nadarama ko ay hindi ko na naiwasang pagtalon talon ko sa kama para bata ang pagtatalon ko. "Yes! May trabaho na ko sa wakas ay may pambili na ako ng panghugas ng maselan ko, thanks talaga kay Lord kasi natupad niya ang dasal ko." masayang sigaw ko. Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok sa trabaho. Sa sobrang excited ko ay hindi ako matulog nang maayos kagabi. Kaya ang resulta? Ang laki ng mga eyebags ko, pero nagpasalamat ako sa concealer dahil paano ay natabunan ang mga eyebags ko. Kumikislap ang aking mga mata nang matanaw kong ang malaking building na papasukan ko, napaayos ako nang pag-upo sa loob ng taxi. "Eto na to, Cheena! First day of your work, kailangang walang kapalpakan na mangyayari para sa araw na ito, dapat maging maayos ang pagtatrabaho mo para hindi ka agad mawalan ng trabaho," positive mind sabi ko sa'kin sarili. Napatingin naman si Manong driver na para bang nahihiwagahan sakin, Iyong bang tinggin na may sira ba to? Pati sarili ay kinakausap. Unti-unting napataas ang kilay ko. Bakit? Ngayon lang ba sya nakakita ng babaeng maganda na kinakausap ang sarili. Sa sobrang taas tuloy ng kilay ko ay bigla naman siyang nag iwas nang tingin. Siguro ay napahiya. Mamaya pa'y tumigil na ang taxi sa harap ng building at dahil nga excited ako ay dali dali akong lumalabas sa taxi, Pero agad naman akong pinigil ni Manong driver. "Neng! nakalimutan mo ang bayad mo, two hundred fourteen lang naman ang pasahe mo," nahihiya akong humingi ng paumanhin dito. Anak ng tipaklong! Nakalimutan ko yun ah, Sa sobrang pag ka excited ko pati pag babayad sa taxi ay naka-limutan ko, Kinuha ko agad ang pitaka ko para magbayad sa kanya. "Sayo na ang sukli, Manong!" sabi ko sabay bigay ng 215 peso, Aalis na sana ako pero narinig ko ang pag reklamo niya. "Sus, Binigay mo pa ang sukli! Piso lang naman ang sukli," naiinis nitong sabi. Hindi ko nalang ito sinagot dahil belat at sabay talikod ko sa kanya. Ayokong mabeast mode ngayon noh. Unang araw ng trabaho kailangan positive vibes ang daka ko. Tsaka baka mamaya ma-late ako pa ako pag pulinatulan ko siya. Tumingin ako pataas sa Building at binasa ang nasa itaas. Villaflor Corp. Grabe! Ang taas at ang ganda talaga ng building na ito. Kahit naka-punta na ako dito kahapon ay namamangha parin ako sa laki at ganda ng building. Halatang sobrang yaman at kagalang galang ang may ari. Hay! Asawain ko kaya ang may ari nito. Napaismid ako sa naisip. Ayon nga pala kay internet na si Google ay gwapong masungit daw ang may ari nito. Kaya wag nalang thanks! Ayokong makapag asawa ng snob at masungit no. Kahit na gwapo siya,Wala akong pakialam. Inayos ko agad ang office attire ko na suot ko. Tiningnan ko na rin ang mukha ko sa salamin. Ayos maganda parin naman. Baka mamaya mukha na pala akong pagod tapos hindi ko pa alam. Mabuti ng yung sigurado no. Tinignan ko narin ang relo sa kamay na suot ko. 7:30 a.m Ang laki ng ngiti ko sa aking mukha, ang aga ko pala nang pumasok sa trabaho 8:00 a.m kasi ang simula ng oras ng pagtatrabaho. May oras pa ako para kumain ng almusal, Sa pagmamadali ko kasi kanina ay nakalimutan ko narin pati ang pag-kain ng almusal. Natatakot kasi ako dahil baka mamaya ay malate ako dahil sa traffic. Pagpasok na pagpasok ko sa loob at sinalubong ko nang ngiti ang mga taong nakakasalubong ko, binabati ko rin sila ng "goodmorning," kahit hindi ko sila kilala. Feeling friendly ako ngayon. Malawak ang pagkakangiti ko nahalos umabot na aking tengga. Pasakay na sana ako ng elevator nang bigla akong nabangga sa isang matigas na pader este matigas na katawan. Hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot nito dahil sa bilis nang pangyayari. Nakayuko ako kaya hindi ko kita ang kanyang mukha. Hindi ko inaasahan na nakahawak na pala ako sa kanyang abs para kumuha ng suporta. Biglang nanlaki ang aking mga mata. "Shete!" ngayon lang ako nakahawak ng abs at sobrang tigas, Grabe! First Day ko palang ang swerte swerte ko na, Ipopost ko talaga mamaya sa social media ko ang nangyari sakin ngayon. #Sarap ng Abs #MyFirstDay Tapos may Caption pa na May dalawang uri ng pandesal. "Ang una ay malambot na pwedeng kainin at pangalawa ay matigas na pwedi din namang kainin pero mas masarap himurin then insert emoji na nakanguso na may heart heart sa dulo," Napahagikhik ako nang mahina, Yun kalandian ko ay lumabas . Pero agad kong pinilig ang aking ulo para mawala ang kaladiang iniisip ko. Namula naman ang mukha ko nung narinig kong tumikhim yung lalaking nabungo ko. Ngayon ko lang na pagtanto na nakahawak pa pala ako sa abs niya. "Shete! Bakit hindi ko agad tinanggal? Lalo akong namula dahil sa sobrang hiya ko, bumitaw agad ako sa kanya at lumayo. Iniiwasan ko talagang mapatingin sa mukha niya, Nakakahiya!" Hindi ko siya tinitingnan sa mukha kaya ang napapansin ko lang tuloy ay ang porma niya. Naka-tshirt lang ng simple at naka pantalon na maong. Kung tutuusin yung suot niya lang ang naiiba sa lahat ng taong nandito. Para bang naligaw lang siya dito sa opisina. Tumingin ako sa paligid, maraming mga tao ang naka tingin sa amin mapa-babae man o lalaki. May nakita pa nga akong mga babae na sobrang sama ng tingin sakin tapos yung iba parang na-i-ingit, Iyong ibang lalaki naman ay natatawa lang. ''Ahhhhh, sobrang nakakahiya talaga!" sigaw ko sa isip ko. Napatingala naman ako doon sa lalaki nang tumikhim ito muli. Nung makita ko ang mukha niya namutla agad ako. Shete! si Boss! Mawawalan na yata ako ng trabaho ngayon. Mangangatog na sana ako sa kahihiyan nang bigla itong ngumiti. Iyong ngiting nakakaloko. "Miss, Ayos lang naman sa akin na hawakan mo ang abs ko, pero dapat nasa kwarto tayo para may privacy man lang. Masyado kasing maraming tao dito," nakakalokong bulong nito. Nalaglag ang panga ko. Shet! talaga! Lamunin na sana ako ng lupa ngayon din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD