Chapter 4
Simula no'ng dumating ako wala pa rin akong nakikitang picture ng tatay ni Zeus o di kaya ay pinag-usapan man lang. Gusto ko nang tanungin si tita, o kaya si manang o Chona pero masyado naman yata akong chismosa kung ganoon. Still, I think I deserve to know. Charot. Akala mo naman biyenan hihi. Pero seryoso nga. Hindi ba at maganda iyong may alam ako kahit konti para man lang magkaroon ako ng caution sa mga sasabihin at gagawin ko? naiintindihan ko naman kung ayaw nilang banggitin. Syempre, nagtatarabaho lang ako dito. Hindi naman ako donya o amo na masusunod. Dapat pa rin nating bigyan ng privacy sila.
Pero kasi naman eh. Curious na curious na ako! siguro nga napaka pakialamera ko na kung ganoon diba? curiosity kills the cat...at hindi ako pusa!
Bahala na nga lang, siguro naman dadating ang pasnahon na malalaman ko na ang katotohanan...katotohanang may mahal talaga siyang iba. Charot!
Ang importanye ngayon sa akin ay si Zeus. Tama. Siya lang naman ang dapat ko na pagtuunan ng pansin. Iyong 100% attention eh nasa kaniya. Gaya ngayon.
Mataman ko siyang tinititigan habang nagdodrawing. Mabuti nga ito sabi ni tita eh. Iyong unti-unti na siyang bumabalik sa buhay niya, kesa naman palagi lang siyang nagmumukmok.
“ Quit staring at me,” iritang sabi niya sa akin.
Wow? “ Hala grabe, may ibang tono ka na po sir, bukod sa flat tone?” manghang sabi ko sa kaniya. O sige na nga, pagjojoke ko sa kaniya. Sometimes kasi, all we need in life is a little silliness. Naks!
“ Eh ayaw mo non sir? ikaw lang ang nakikita nitong mga mata ko 100%,” dagdag ko pa. Dahil doon, hindi na naman siya nagsasalita kaya napa pout na lang ako. Mukhang maghihintay na naman ako ng limang oras bago niya ako kausapin ulit...iyon ay kung mayroon siyang ipapakuha o iuutos. Pero dahil sa sinabi ni tita, iyong tungkol sa wheelchair niya, kahit pa inuutusan niya ako, nakatingin pa rin ako sa kaniya kahit pa naglalakad ako. Oo, naglalakad ako patalikod. Para lang masiguro ko na hindi talaga siya aalis o kung ano mang maisipan niyang gawin...na labag sa gusto naming mga nag-aalaga sa kaniya. Grabe lang kasi hindi ko naisip na ginawa niya na pala iyon...well attempted. But whatever was on his mind that time, it's a thought that I wouldn't want him to do.
At gagawin ko ang lahat para lamang mapigilan siya at mas pipiliin niyang mabuhay...at nang makita niya ang ganda ng buhay at kung gaano siya kaswerte sa mga taong nakapalibot sa kaniya.
Enough with the seriousness nga muna tayo kasi masyado itong intense daoat sii Suzanna na ito eh. Charot naman. Siguro nakagat na non ang dila niya sa pagkwekwento ko dito. Nailing na lang ako. I focused on Zeus instead. Grabe ang galing niya magdrawing. Ang galing lang at napaka creative niya. Kahit pa naman buntot niya ako nung high school, hindi ko naman nalaman na artist pala ito. Sikat kasi siya bilang basketball player noon. Actually, mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon at batchmate sila ni Sixto sa senior high tapos naging classmates din sila sa junior high kaya naman palagi akong binablackmail ni Sixto na sasabihan niya si Zeus na crush ko ito tuwing inaasar ko siya kay Lucy. Team mates din si DL at Zeus sa basketball. Napangiti ako ng mapakla.
Grabe, namimiss ko ang dati. 'yong problema ko lang ay kung anong kulay ng headband ang isusuot ko. Iyong mga kalokohan namin ng mga kaibigan ko dati...si Sixto at Gwendi. I still get sad thinking about our yesterdays. Kahit pa ilang taon na ang lumipas, iba pa rin iyong maiisip ko na, paano kaya kung andito pa rin sila?
“ I thought your eyes should be 100% focused on me?” napaiktad ako ng narinig kong magsalita si Zeus. Hindi ko namalayan na nakatungo lang pala ako at hindi na nakatingin sa kaniya...naiiyak kasi ako. Sumasakit ang lalamunan ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Zeus ng nakangiti. “ Grabe, ito naman. Napakaseloso. Sa'yo lang naman eh,”
He only stared at me. Napangiti naman ako. Iyong ngiti na kinikilig—teka! ang aga naman para sabihin mong nafall na ako ha? aba mare hindi ako ganoon karupok. Nasasayahan lang kasi ako kasi kahit papaano, may improvement na siya sa akin at tsaka, namamangha ako sa destiny.
Akalain mo iyon? crush na crush ko 'to dati eh tapos ngayon pasyente ko na. Ako na nga yata kasi iyong pinaka annoying na babae noon. Iyong obvious na obvious na nga pero ayaw pang aminin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya ako maalala bilang adik sa kaniya noon.
***
Grabe AAAHHHH ang gwapo naman ni Ulyses! ang gwapo ng magiging future boyfriend ko! Char joke lang. Ang advance lang naman pero sisiguraduhin ko talaga na ako ang magiging asawa niya hihi. Napatayo ako nang nasa kaniya na ang bola. Naagaw kasi niya ito mula sa kalaban nilang taga ACSAT.
“ Ang galing mo #16! Ang galing mo umagaw kaya agawin mo na din ako!” sigaw ko. Syempre ako na 'to dapat lang na malaman niya kung gaano ko siya kamahal char kagusto noh. “ Hoy Thea kahiya ka naman,”
” Sixtong lolo, mabuti na nga ako at ipinagsisigawan ko pa sa lahat...eh ikaw? Ako na ba ang—” pang-aasar ko sa kaniya habang tinapunan ng tingin si Lucy. Kala niya ah? Ang torpe nitong lalaking 'to eh alam naman naming lahat...maliban siguro kay Lucy eh wala 'yang paki.
“ Thea subukan mo talaga. Magaling ka lang naman kapag maraming tao tapos 'pag andyan na si Ulyses alam kong mas gugustuhin mong maging lupa.”
Inirapan ko na lang si Sixto kasi totoo naman. Kainis lang kasi hindi ko talaga kaya. Kapag iba naman na ijojoke ko okay lang pero siguro this is when you really like the person char. Oo na ako na ang pinaka hindi maseryoso sa amin pero bakit ba? Ako naman ang pinakamaganda. Iyan. Iyan ang hindi joke.
Nagconcentrate muna ako kay fire. Fire ang codename ko sa kaniya tuwing kinekwento ko siya sa kanila kasi...basta. Medyo confidential to eh kaya just give me more time. Wow, ang arte. Pero kasi—omg na sa kaniya nga ang bola! At tumatakbo na siya papunta sa kabilang side ng court. Nakita ko din ang butihin naming rich kid na half british water na tumatakbo din.
Pasensya na DL alam kong ikaw ang team captain pero mas magchicheer ako kay Fire!
“ Royals! Royals!”
“ Go, Uly!”
“ Number 16!”
“ AAAAHHH i shoot mo na yan papa!” yaks. Sinong hampaslupa ang sumigaw non? Ang dugyot pretty sure na hindi siya titignan ni Uly. Kasi ako lang dapat ang titignan niya.
“ 'PAG NA SHOOT MO YAN, SINASAGOT NA KITA!”
“ Grabe ang confidence Thea! Ang idol!”
“ That's so embarrassing ,Thea. Hindi ka naman kilalala nung tao.”
“ Ugh, the second hand embarassment, I can't.”
“ GO BEH ISHOOT MO NA 'YAN PARA SAGUTIN KA NITONG FRIEND KO!”
Syempre, laging supportive si Gwendi sa mga kalokohan ko. Alam niyo naman siguro kung anong sinabi nila Sixto, J1 at J3 diba?
Ito na ishoshoot na niya!
At...
At...
Naagaw pa!
“ HOY PUNYETA SINO KA IBALIK MO ANG BOLA!” napapadyak ako sa inis.
“ Ooooohhh” react ng mga tao. Shoot na naman kasi dapat eh! Sino ba iyong higanteng iyon? Na block pa kasi kainis. Mukhang tsekwa naman.
“ Katakot ka naman, lods. Grabe ipinaglalaban nga,” sabi ni Sixto habang nakalagay ang isang kamay sa may dibdib niya. Wow, ang OA.
“ That's not nice. It's a sport Thea.” at senermunan na nga ako ni Lucy.
Syempre tumango naman si Suzanna sa kaniya. Kavibes ko lang talaga itong si J4 kasi syempre nasigawan niya din iyong isang player tsaka palagi niya akong kinakampihan.
“ Ano ba kayo? Dapat lang na magalit tayo no! It was a momentum na sana tapos kinuha niya pa. Aba, bastos.” akala mo nanay si Gwendi sa porma niya. Nakalagay kasi ang mga kamay niya sa beywang.
“ 'wag na kayo mag-away. Bilihan niyo na lang ako ng sandwich,” natatawang pagsesales talk ni Lyco sa amin.
“ Ang unfair mo naman, binibigyan mo lang ng libre si Cinth eh tapos sa amin mo ibebenta?” agad namang inakbayan ni Vishna si Nate. “Dalawa nga, Ico.”
Nilibre nga ni Vishna si Nate kaya natahimik ito. Libre lang naman pala ang katapat.
And yes, that Hyacinth girl is here. Don't get me wrong ha? Friendly kaya ako pero kasi naman minsan naiinis kami sa kaniya. Syempre solid LuTo to noh...kahit pa mas maganda iyong HyaSix. Pero loyal ako sa ship! Lalayag ito kahit pa ayaw ni Lucy!
Pero good lang naman kami sa kaniya.
Hindi naman sa close na close kami pero sa mga tulad nitong mga city meet games o intrams at foundation week, nakakasama kami sa kanila kahit pa hindi namin sila ka batch. Si Sixto kasi ang connecting link namin na nakaconnect din kay Lucy kaya ayun. Nasa isang private school nga pala kami ngayon kung saan iniheld ang game. Actually ang host ngayon ay nakuha na nila ang third place. Sa kanila lang iniheld kasi bukod sa napakalaki ng gym, para iwas din sa pressure at bias. Baka kasi ganon ang mangyari kapag sa home court diba? pero ganoon naman talaga dapat iyon. Ewan ko na lang kung bakit naiba ngayon.
Na ishoot nga nung tsekwa na umagaw ang bola kaya napasigaw na naman ang supporters ng school nila. Napaismid na lang ako. Isama mo pa ang mga students dito sa host school...actually kung sino naman ang makakashoot iyon naman ang sinisigawan nila. Bahala na, hindi pa naman patapos ang game noh. Makakabawi kami noh, lalo na at nandito sa team sila: Ulyses, DL, Lyle at iyong kambal.
Syempre naman noh, una kong sasabihin si Fire kasi namberwan siya sa pusoh ko eh! hihi. Tapos si DL naman ay iyong team captain at ang pinakamatangkad. Syempre advantage ang pagiging half british wotah noh! dami ngang fangirls na nagpapapicture sa kaniya tuwing tapos na ang game eh.
Sunod naman ay si Lyle. Magkabatch kami at nasa athlete section siya. Hindi kami close, katakot siya eh. Basta bad boy vibes siya at ayoko sa ganon. Hindi ako kasali sa federasyon ng 'bad boys like good girls' trope noh. Tsaka, I've always preferred 'Watcheley' than 'Daomingsi' noh. Girls thing for toxic relationships started when they preferred Dao Ming Si charot. Joke lang. Anyway, magaling talaga siya. Siya nga ang tinaguriang ace at rumored din na siya na ang magiging captain next year. Magaling kasi talaga siya lalo na sa pag shoot ng malalayo. For three points si kuya kaso may Ulyses na ako eh. Huli eh 'yong kambal. Pinsan ko sila actually. Grade 11 na sila tapos combo talaga ang dalawa. Ewan ko na lang kung hindi mahihilo ang kalaban sa mga mukha nila.
Grabe ang cheer ng mga tao nang na kay DL na ang bola. Syempre nakicheer na lang kami kasi bakit naman hindi? 'pag nanalo 'to for sure manglilibre 'to.
“ D, kaya mo 'yan! Mahal ka namin!” natawa na lang kami kay Sixto.
“ Iw you sounded like my mom cheering for my dad,” sabi ni J1 habang nakataas ang isang kilay.
“ Salamat lucky me ha? Support 'yon oy!”
“ O kaya naman ay nanay na nagchicheer sa anak,” segunda ni J4. Tumatawa lang naman si J3.
“ I think your call sign is cute!”
Napatingin kami kay Hyacinth na nakangiti. Nagkatinginan tuloy kaming mga J except kay Lucy. Sa mga ganito, kj talaga siya. Umaakto lang siyang walang pakialam pero alam kong nag-iisip na siya ng mga linyahang,
' D? Cute? What are they... a couple? I mean it's their choice and it's her preference. If she finds it cute, I respect that....still, iw.'
Ganon! Hindi siya nag-iinvalidate pero iniinsist niya ang gusto at paniniwala niya. If you know what I mean.
“Thanks, Cinth!” ngumiti lang naman si that-Hyacinth-girl. Napasipol tuloy si Nate habang napailing si Vishna. Nagfocus naman sa pagbibilang ng kita si Lyco.
“ Go, Royals!”
“WHOOOH!”
“ GO, De Loughrey!”
Oo nga pala. Ngayon ko lang napansin ang nickname ni DL. Akala ko naman talaga tinatawag siyang 'DL' eh dahil sa initials ng apilyedo niya. Hindi pala. Sa pangalan niya pala talaga. Buti na lang sinabi ni Lucy. Balak ko kasing makipagclose sa kaniya para matulungan niya ako kay Ulyses. Hihi.
Oo na. User na. But haven't you heard about ' when there's opportunity, grab it?' ito na 'to. Kaya gora na.
And shoot!
“ Yes!”
“ Royals! Royals!”
Grabe ang ingay kasi mukhang nagiging intense na ang game eh. Todo na din sa pagbibigay ng score sila DL, Lyle, Fire at ang kambal tuko kong mga pinsan. Championship na kasi ito, fighting for the first and second place.
Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako magpapatulong sa mga pinsan ko noh? Ayoko nga. Basta nakakainis sila.
Pero teka, na kay Fire na ang bola!
“ AAAHHHH GO, ULY!” sigaw ko. Kasabay ng pagsigaw ng iba pa niyang fangirls.
“ Go, Ulyses!”
Tumingin naman siya sa akin. Omg tumingin siya sa akin! AAAHHHHH
“ s**t! Tumingin siya sa'kin!” pagsisigaw ko habang niyuyugyug si Gwendi. Buti na lang supportive siya sa akin at niyugyug din ako.
Tumatakbo naman siya papunta sa ring ng kalaban tapos...
Ayan na naman iyong tsekwa!
“HOY TANTANAN MO NGA SIYA BAKA IKAW ANG ISHOOT KO!”
Parang ayaw niya kasi.si Fire. Siya kasi lagi niyang binabantayan. Oo na mas matangkad siya kay Fire eh syempre mukhang foreigner siya eh. Eh di dapat do'n siya kay DL!
Kainis!
Pinaupo naman ako nila J1 at J3.
“ Hoy grabe kahiya ka. Bagay ka nga bilang Buttercup sa PPG,”
“ Tumahimik ka, Mojojo.” inirapan lang naman ako ni Sixto.
Bumalik naman ako sa panonood kay Fire at nagdasal talaga ako na maishoot niya para panalo na!
“ Go, Ulyses!”
“Go, G!”
“ Royals!”
Pagchicheer ng mga tao at,
napahinga ako ng malalim. Pinaliit ko pa ang mga mata ko kasi natatakot akong tumingin pero gusto ko.ding tignan ito.
1
2
3
Score!
BZZZ
AAAAAAAHHHHHH OMG PANALO!
“WHOOOO!”
“ROYALS! ROYALS!”
“Ours is the crown, Royals!”
“Blue and White, we fight! Blue and white, we win!”
“ I LOVE YOU ULYSES! AAAAHHHHHH” sigaw ko nga habang sinasaktan si Gwendi.
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti?!
Ngumiti siya!
AAAAHHH HE SMILED AT ME!
Napasigaw din tuloy si Gwendi. Naiiling lang naman ang dalawang serious type na J.
Agad akong bumaba sa bleacher at tumakbo papunta kay DL na nagpupunas ng pawis.
“ DL, congrats!”
“ Thank you, Thea.”
Mukhang naguluhan pa.siya kasi wala naman sila sa likod ko, nasa may bleachers pa rin ang mga kaibigan ko.
Binigay ko nga sa kaniya ang pocari sweat.na binili ko. “ Pakibigay kay Ulyses, please.”
Tumaas naman ang isa niyang kilay tsaka ngumiti, “Okay, pero hindi lang naman siya ang royals ah? ang unfair mi naman.” pang-aasar niya.
“ Hindi naman kita crush,” pang-aasar ko din.
Natawa lang naman siya. Nakita ko namang papalapit si Ulyses kasama ang iba pang mga players kaya agas kong ibinilin kay DL na ibigay kay Ulyses at tsaka dali-daling tumakbo pabalik sa bleachers.
“ Grabe, ikaw na talaga J2! I like your spirit!” nakipag apir pa ako kay Gwendi.
Tinignan ko naman sina J1 at J3 kumg ano naman ang sasabihin nila. Surprisingly, wala akong natanggap ma sermon kaya naman ngingiti lang ako. Minsan lang kaya 'to!
“ Thea, Thea, Thea, apaka—”
“ Sixto, Sixto, Sixto apaka—”
Inismiran niya lang naman ako habang ngumiti lang sila Vishna, Hyacinth, at Nate. Si Lyco naman,
“Binilhan mo sana ng sandwich, Thea. Para mas sweet.”
“Nagbebenta ka lang eh! Pero sige na nga, bilhan na din kita,” natatawang saad ko.
Nagsimula na akong kumain habang tinitignan sila Ulyses. Nasamid ako ng nakita kong inabot na ni DL kay Fire ang pocari sweat. Ngumiti naman si Fire...kahit pa palangiti siyang tao iisipin ko pa rin na dahil iyon sa natouch siya sa akin. Nag-usap sila tapos mayamaya lamang ay binuksan niya ang pocari...
AAAHH iinumin niya! Sana pala uminom ako kanina para may indirect kiss kami!
Malapit na sanang dumampi sa labi niya kaso tinawag sila ng coach. Binalik niya ang takip saka inilagay sa may bench at pumunta sa coach nila.
“Ano ba 'yan! Iimumin ma eh!” pagmamaktol ko.
“ Bakit? May gayuma ba iyon?” binigyan ko lang ng masamang tingin si Sixto.
“ Kasi naman eh! Baka nauuhaw siya!”
“ He already drank a blue gatorade. May naunang magbigay ng personal sa kaniya,” sabi ni J1.
“ Bakit hindi ko alam?!”
She only gave me a bored look. Si J3 na ang sumagot sa akin. “ While you were talking with DL, may nagbigay na eh.”
“Tsk.”
Ilang minuto pa ay naglakad na siya papunta sa amin?!
Omg magpapasalamat ba siya ng personal?
May tumawag naman sa kaniyang isang team mate niya.
“ Zeus, akin na tong pocari?!”
“ Yeah, sure!”
Napatingin naman si DL sa akin na para bang nagsosorry. Hindi naman niya kasalanan kaya ngumiti lang ako. Ang importante ay magpapasalamat siya ng personal sa akin!
Ramdam ko ang titig nila J1 sa akin pero hindi ko pinansin. Nakasubaybay lang ako kay Ulyses na papalapit habang may dalang gatorade.
Nasa may gilid kasi ako kaya alam kong mapapalapit siya sa akin. Tumayo na ako, dahil Aaaahhh nasa harap ko na siya. Napakagat na lang ako sa pang-ibaba kong labi sa kaba.
“ Congrats, Ulyses!”
“ Thank you,” he smiled at me and then walked past me. Napakunot ako ng noo habang tinitignan ang likod niyang papunta sa mga tao sa may unahan namin. One line away pero since umalis na iyong mga nasa likod namin, rinig na rinig namin sila.
“ You should drink more gatorade. Baka madehydrate ka,”sabi ng babaeng boses anghel...sa lupa.
“ Thanks for this, love.”
Shutangina. Girlfriend?!
Agad akong tumingin sa kanila at nanlumo.
Girlfriend niya si Venus? Shuta naman anong laban ko sa isang diyosa?!
Maganda ako pero iba siya eh! Ang dyosa lang!
Walang laban ang pure and innocent face ko sa mala sculpture na mukha niya. s**t naman 'to oh, bakit ba naman Kaia Gerber pa?!
“ I heard you scream 'I love you' earlier,” sabi niya ng may pang-aasar sa boses.
“ Well, maybe I did. In my mind,” that voice! ugh!
Hoy gago, ako 'yong sumigaw ng ' I love you!'
Shutangina lang. Hindi para sa akin iyong ngiti kanina.
“ Let's go?”
Pinanuod ko silang umalis nang magkahawak-kamay.
Gago. Sakit.
“ Venus? Siya pala ang girlfriend niya?”
“ Obvious na naman, tinatanong mo pa,” pagsasaway ni Nate kay Vishna.
“ Thea, buy one take one 'yong kanina, oh” pag-abot ni Lyco ng sandwich. Umiling lang ako at ngumiti.
“ Thea, okay lang 'yan. Importante mas mahal 'yong binili mong inumin. Wala siyang taste.” pagpapagaan ni Sixto sa pakiramdam ko. First time niya nga eh na hindi ako barahin.
“ Magbibreak naman kaagad ang may mga call sign ng 'love' oks lang yan, J2!”
Ngumiti lang ako kay Gwendi. May sasabihin sana si Lucy kaso pinigilan siya ni Suzanna. Sigurado naman ako na ganito iyon,
' You're too young to be hurt in love. Ego mo lang siguro ang nasaktan. Hayaan mo na, don't let it dwell on you.'
Ganiyan. Ganiyan na ganiyan ang sasabihin niya.
Pero paano niya naman 'yon masasabi?
Ramdam ko ang sakit.
Shit, broken hearted nga ako.
***
Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng tumikhim si Fire...I mean Zeus.
“ Natapon ang eraser. Pakikuha,” he said without looking at me. Hinanap ko naman ang eraser na sinasabi niya at nasa may paanan ko nga. Inabot ko ito sa kaniya. Napatitig ako sa mukha niya. I actually cannot believe he was the same man I really liked back in high school. The man who had a lot of fan girls, the man who was always seen smiling. I showed a faint smile when I remembered the very reason I have liked Ulyses or Fire.
This Zeus doesn't appear to me as someone who've given me excitement, thrill and joy for being a typical teenage high school student. But—this is actually that man. The same man I had been playing tag and seek for four years. The very same man who gave me my very first heartbreak. The scene of my first heartbreak came rushing to me. My smile faded at how I was being the annoying notice me senpai type of girl.
In fact, I did everything for him just to notice me...and he never did.