Kabanata 24

3347 Words
“ Can you get my book? It's on the side table of my room.” Nagising ako mula sa pagbabalik alaala sa kahapon. Wow, ang lalim.“ Yes, sir. Right away,” sabi ko ng may kasamang pagngiti. Agad naman akong tumayo pero nang marealize ko ang pwede niyang gawin, agad akong napahinto sa paghakbang. “ Teka, teka. Baka may gagawin ka ha? Nako sinasabi ko sa'yo sir, hindi mo ako maiisahan,” agad kong tugon habang nakalagay ang mga kamay sa beywang. Nabigla lamang ako ng tumitig siya sa akin. As in, tumitig siya sa akin! Hindi iyong titig na lumalagpas lang sa akin na aakalain mong transparent ako o kaya may kung anong bagay sa likod ko ang mas gugustuhin niyang tignan. Seryoso, ako talaga ang tinitignan niya! “ Hala, true ba ito? Sa akin talaga ikaw nakatitig?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tinignan ko pa kung may tao sa likod para makasiguro na ako nga ang mahal niya. Char. Wala naman siyang reaksiyon o sinabi na. Siguro nabaliwan na siya sa akin o nairita. “ Just please get me my book,” walang ka emo-emosyong saad niya. I looked at him in the eyes for a whole minute. Just making sure na wala siyang ibang gagawin o seryoso talaga siya. Hindi ko nga siya kasi iiwan. Bilin iyon ni tita. Hangga't maari ay kailangang may mga matang nakatitig kay Zeus. Teka, oo nga pala. Umuwi si manang sa probinsya kasi moving up ng apo niya. Si tita naman, pumunta muna sa opisina para sa business nila. Si Chona naman ay nag day-off dahil may date sila ng jowa niyang si Jonel. Iyong nagdedeliver ng mineral water dito sa bahay. Edi sana all. Ayaw ko mang iwan siya—kahit pa sabihing panandalian lang, natatakot ako sa kung ano mang gagawin niya lalo na at kami lang dito. Kung sabagay, hindi naman siya makakalabas ng subdivision kaya hindi ako ganoon kung mabahala na magpapasagasa siya ng sasakyan. May nagsasabi naman sa akin habang tinititigan ko ang walang buhay niyang mga mata na wala siyang gagawin at gusto niya lang talagang magbasa ng libro. Napabuntong hininga ako bago siya binalingan ng tingin. “ Okay, sir. Kukunin ko lang po ha, as in mabilis pa sa fast. Diyan ka lang ha?” Hindi ko na siya tinignan at dali-daling tumakbo papunta sa elevator. Grabe pagkapasok ko sa elevator, medyo hiningal pa ako. Ang laki naman kasi ng bahay na'to! Nang nasa second floor na ako, which is floor ng kwarto niya at kwarto ko, agad akong pumunta sa harap ng pinto niya. Second floor lang pero ang taas naman kasi nitong bahay nila eh. Aakalain mong iisa ang architect nila at ng Robinson's Dumaguete...teka, siya ba ang architect? Bahala na kung sino basta agad kong pinihit ang pinto at nakalock ito?! Teka, asan ba iyong susi? Bakit ba ito nakalock? Ay oo nga, binigay ni tita sa akin iyong spare key. Agad ko namang kinapa ang mga bulsa ko kaso wala talaga ito. Thea, isipin mo kung nasaan iyon. May papikit pikit pa akong nalalaman para maalala iyon kung nasaan, syempre mas effective kaya ito. Oo nga! Nasa may counter sa kusina! Naiwan ko yata iyon kanina. Agad-agad akong bumalik sa elevator at sumakay pababa. Mabilis lang naman pero ang lapad naman kasi ng bahay nila at medyo malapad ang kusina. Agad kong dinampot ang bugkos ng mga susi at patakbong bumalik na naman sa elevator. Agad kong binuksan ang kwarto. Mabuti na lang at systematic sila tita at manang dahil may labels kasi ang mga susi. Buti na lang may label eh kayo?char. First time ko actually na pumasok sa kwarto ni Zeus. Grabe, ang ganda! Kung victorian era ang kalabasan ng bahay nila o di kaya ay old english houses, either of those two. Hindi kasi ako ganoon ka maalam sa designs or era. Ang alam ko lang yata ay 'ionic' na style ng parang haligi? Ewan. Napaka modern ng kwarto niya. Naglalaro lamang sa tatlong kulay. Gray, black at white. Ang dami ding eccentric designs na ayokong hawakan baka masira ko pa, mahirap na. Agad kong pinuntahan ang study table niya. Malaki din kasi ang kwarto niya. Doble pa nga sa laki ng ibinigay nilang kwarto sa akin. Pero...alin naman dito sa mga librong ito ang dadalhin ko? Ang dami naman kasi! Bahala na nga. Ayoko namang mas lalong matagalan at magpabalik-balik kaya agad akong naghanap ng mapaglalagyan. May nakita naman akong crate sa ilalim ng kama niya kaya kinuha ko muna ito at inilagay ang mga libro. Nagmamadali akong lumabas bitbit ang crate na sobrang bigat dahil may mga libro kasi na maa makapal sa all stories ni Shakespeare. Grabe! Ang dami naman ng masasabi ng author dito. Nakakabilib! Basta kung papipiliin ako kung solving math problems o write a thousand word essay, mas gugustuhin ko pa mag solve. Hindi naman sa kasing talino ako ni Suzanna sa math pero hindi din naman ako kasing galing ni Lucy sa mga salita. Sakto lang ako sa math at tinatamad akong magsulat o mag-isip ng words. Sakto lang ako academically pero umaapaw naman ako sa ganda (at confidence!) Syempre naman, we can't expect all our friends to hype us up. We should learn to be contented with ourselves. Learn to appreciate and hype yourself even without them. We all should work with that. Pagbalik ko sa garden kung saan palagi na nakatambay si Zeus. Grabe naman sa tambay,.parang kanto boy lang. Pero kasi wala naman kasi siyang palaging ginagawa kundi uminom ng tsaa o magbasa o magmuni-muni lang sa garden ayon kay tita. Ang most reliable source ko tungkol kay Zeus. Sana pala nakipagclose na ako kay Zeus noong high school noon baka kasi nabigyan ako ni tita ng mga tips kung paano mapa-ibig si Zeus noon. Charot. Wala na iyon sa akin noh, at moved on na ako. Totally. Ang tagal na naman kasi noon parang almost ten years na yata? At sa ten years na iyon, ang daming nangyari. Pagbalik ko sa pwesto ni Zeus which is doon sa may table, muntik na akong mapasigaw ng makita kong wala na siya doon. Hala... Gusto kong magmura pero bad iyon. Ang tagal kong pinag-aralan kung paano hindi magmura dahil pangit iyon sa nurse. Kahit na. Shuta asan ba siya?! *** Agad akong napabitaw sa crate na dala ko. Bahala na kung mahulog iyong mga libro. Kung si Lucy siguro ang kasama ko, for sure pinagalitan na ako nun pero mas importante kaya si Zeus para sa akin kesa sa mga librong ito. Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko eh. Baka may kung anong gawin talaga siya...at may ginawa nga! “ Sir?!” “ Sir Zeus? Asan po kayo?!” “ Sir?!” Nagsisigaw na ako para marinig niya pero sa totoo naman, kahit pa marinig ito ng tao, ayaw pa rin nilang pansinin o umaakto na hindi narinig kung ayaw talaga nilang magpakita. Napasapo ako sa noo ko. Kay bago-bago ko pa lang mukhang matatanggal ako ng wala sa oras. Eh kasi naman! Inutusan lang naman ako. Mali ko pa rin. Hinayaan ko kasi at ako ang nagpadalos-dalos. Nilibot ko ang pananaw ko. Sa paglibot nga nito aakalain mong telescope na ang mga mata ko sa paghahanap. Nagsimula akong maghanap sa mga palaso, mga tanim, kahit pa nga sa ilalim ng mesa eh wala siya. Nalibot ko na nga ang buong harapan nitong garden eh. Naalala ko na meron pa palang garden doon sa bakuran nila sa likod. Nasa loob pa naman ako ng gate nila pero hinihingal na ako. Ang lawak naman kasi. Isang hektarya yata itong buong bahay tapos may parang paakyat pa kasi elevated ang bahay nila. Eh bumaba ako sa may hagdan. Natakot tuloy ako na baka lumabas nga si sir. Sementado din kasi ang parang pavement sa kanila. Pati yata ang landscape sa labas ay si sir Zeus siguro ang nagdesign. “ Hay, sa wakas. Nakaabot din,” napahinga muna ako ng malalim bago tumayo ng tuwid. Nakahawak na kasi iyong mga kamay ko sa tuhod ko. Mukha na akong shunga sa grabeng paglilibot ng mga mata ko. Sana naman andito lang siya kasi kung wala, nako irereport ko na ito sa mga pulis at maglalahay na ako ng mga flyers sa kalsada. Teka ano iyon? May nakikita kasi akong gumagalaw sa may badang kubo. Parang...gumagapang? “ Sir Zeus!” Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya. Naabutan ko siyang sinusubukan na umakyat sa kubo...naawa ako sa kaniya. Grabe, nahihirapan ako sa kalagayan niya. “ Sir! let me help you,” agad ko siyang inalalayan para makabalik muna sa wheel chair niya. Nasira nga yata ang mukha ko sa pagbuhat sa kaniya kasi ang bigat niya kaya. Mukhang doble na nga yata sa timbang ko. Ang tangkad pa nga eh. “ 1, 2, 3, gooo,” pagbibilang ko para mas makaipon ako ng lakas para maibalik siya sa wheel chair. “ Hah...teka sir...whooo!” paghinga ko muna ng malalim. Grabe akala ko sa pagtatakbo lang ako hihingalin. Pati rin pala sa kaniya. “ Sir naman, bakit naman kayo umalis ng walang pasabi? Sana man lang nagpaalam kayo...kayong mga lalaki talaga, nang-iiwan.” pagjojoke ko. Hindi. Nagdadrama talaga ako pero ganiyan talaga ako eh. Aakalain mong nahjojoke pero seryoso ako...sa kaniya. Joke lang! “ Muntik na akong mabaliw sa kakahanap sa inyo tsaka naisip ko na masesetante talaga ako, sir.” dagdag ko pa. “ Tsaka—” napahinto ako sa pagsasalita nang nakita ko ang mga kamay niyang parang ready na akong boxing-in. Ang ibig kong sabihin, he closed his fists. Nanginginig din ang mga ito habang nakatitig lamang siya sa mga paa niya. Napakagat ako sa labi ko. Hindi niya kailangan ang sermon na naman. Gusto niyang maglakad. Iyong bumalik siya sa normal. At binibigo siya ng mga paa niya. I kneeled in front of him. “ Sir, okay lang naman na humingi ka ng tulong. Kailangan natin ng tulong kahit pa ayaw natin minsan...at nandito ako para tulungan ka,” mahinhin kong sabi. “ 'wag nating pillitin at hayaan lamang ang oras. Kahit paunti-unti basta alam nating patuloy pa rin tayo sa paggalaw sa mundong ito.” Napaangat naman siya ng tingin kaya nginitian ko siya. May isang tao akong naaalala sa kaniya. Iyong tipong gustong-gusto kong tulungan. Iyong taong gustong-gusto kong gumaling...at gagawin ko ang lahat para makita niya ang kagandahan at kahalagahan ng buhay. “ Balik na po tayo sir?dala ko na po ang mga libro niyo...hindi niyo naman po kasi sinabi kung ano kaya dinala ko na lahat.” I said while wiggling my brows. Mas lalo naman akong napangiti nang nakitad ko ang marahan niyang pagtango at nang may maliit na ngiti ang nagpakita sa labi niya. Hinawakan ko na nga ang wheelchair niya at akmang itutulak ko na siya ng may naalala ako. “ Teka, ano po bang kukunin niyo sa kubo?” baka kasi may kukunin siya at ako na lang ang kukuha. “ Nothing,” pag-iling niya. “ Sigurado ho kayo?” paninigurado ko. Baka naman kasi ayaw niya lang sabihin dahil nahihiya siya o ano. “ Yes,” maikling sagot niya. Nagkibit balikat na lang ako tutal hindi niya naman ako makikita. Dahan-dahan ko lang na itinulak ang wheelchair pabalik doon sa garden sa harap ng bahay nila. Ewan hindi ko din alam kung paano iexplain eh nakapalibot naman kasi ang mga bulaklak sa mansion nila dahil sa naggagandahang landscapes. “ Ayan sir, andito na tayo ulit!” masiglang sabi ko para naman mahawaan siya ng kahit konting kasiglaan. Inilock ko muna ang wheelchair niya kasi mahirap na at baka bigla na lamang siyang dumiretso pabangga sa gate nila. Pa downhill pa naman ang pavement nila kaya napaka accessible sa wheelchair niya. 'yon nga lang, pahirapan din kapag pabalik kasi paakyat na naman. “ Nagugutom po na kayo sir? O di kay ay nauuhaw?” pagtatanong ko. Pasado alas tres na kasi ng hapon at sa mga ganitong oras ay nagmemeryenda na siya. “ What would you like to have po? coffee, juice, tea?”...or me? Charot. “ I'd like to have my afternoon tea please,” Napangiti ako sa pagtugon niya. “ Right away, sir!” sabi ko habang hinawakan ang handle ng wheelchair. “ What are you doing?” Inilean ko ang ulo ko sa kaniya, 360 degrees. Joke. Hindi naman ako ganoon ka flexible noh, basta iyong sapat ang para makita niya ng malapitan ang maganda kong mukha. “I'm taking you with me, sir!” “What?” tila nagugukuhan niyang tanong. “ Anong what what? Syempre noh, hindi na ako magpapakumpiyansa. Kaya sa ayaw o gusto mo sir, kung nasaan ka do'n din ako. At kung nasaan ako, do'n ka din,” pilyang sabi ko. “I'd rather stay here...I promise I won't go.” Agad naman akong umiling. “ Na-uh, ayaw mo nito sir, joyride ka lang? Kaya halina at pumunta tayo sa kusina!” Pinaharurot ko nga ang wheelchair niya papunta sa kusina. Nakita ko naman ang paghawak niya sa gilid. Napatawa ako. Takot naman palang mahulog eh. Tinakot mo ako kanina ah, kahit dito man lang makaganti ako. Napabungisngis ako. “ Alin po ba dito sir?” pagpapakita ko sa kaniya ng dalawang tea bag na hawak ko bawat kamay. “ The chamomile, please.” Napakunot naman ang noo ko...asam ba ang chamomile dito?! Nakalimutan ko naman kasi kung anong itsura at kung saan ko kinuha ang mgfa ito. “ Paano po ba malaman kung alin ang chamomile sir?” tanong ko sabay bigay ng alanganing pagngiti. He only stared at me. Medyo naconscious tuloy ako kasi lumipas na ang ilang segundo eh nakatitig pa rin siya. “ ehem, sir?” pagtikhim ko. Napakurap naman ang mga mata niya bago siya tumingin sa nay sahig. “ Just get either from those two, I'd like to have a little surprise.” “ Ah, okay po sir!” Okay lang naman pala kung alin doon eh. Buti na lang. Next time tapaga eh magpe-pay attention na ako lalo na sa mga tsaa niya. I've learned that he's someone who prefers tea over anything else. Maganda nga iyon eh kasi mas makakatulong ang tsaa kesa sa kape o softdrinks. Mas maganda ang epektong dulot sa katawan. Kaso, ako kaai iyong hindi makukompleto ang araw kapag hindi makainom ng mainit at matapang na kape sa umaga. Coffee is life. Nilagay ko muna ang tea pot, tea cup, saucer, teaspoon, a cup of milk and sugar cubes sa tray. Sinamahan ko din ito ng cookies. Sosyal kasi dito sa kanila at ganoon kasi magserve sila tita sa kaniya. Una ko itong nilagay sa mesa bago bumalik sa kusina para sa kaniya. Tinititigan ko lang siya habang ginagawa niya ang desired tea niya. Napansin kong isang cube lamang ng asukal ang inilagay niya at kalahating gatas naman ang ibinuhos niya. I looked at how his elegant slender fingers stir his tea. Grabe, ang gwapo. Napailing ako sa naisip...pero ano bang masama?hindi naman masamang umappreciate ng gawa ni Lord diba? Kaya sige na, Ang gwapo! Parang hindi siya tumanda. Hindi naman sa totoy pa rin ang mukha niya hanggang ngayon. Ang ibig kong sabihin eh ang gwapo magmature ng mukha niya. His beard reeks manliness and his long dark hair speaks art. Overall, ang hot lang. Nako, nagaappreciate lang ako ha? Ang unfair lang naman para sa iba kasi siguro kung ibang tao lang ang may mahabang buhok at may bigote, iisipin kong dugyot at napabayaan. Pero siya kasi...iba ang dating. Iyong dating ng bad boy na action star pero soft para lang sa leading lady. Mga ganon. Pinektusan ko nga ang sarili ko mentally. Bakit naman kasi ganito iyong iniisip ko tungkol sa boss ko? Ang pangit lang. Tsaka noong high school naman ako eh ayaw ko sa may mga bad boy look kaya nga siya ang nagustuhan ko. Siya kasi ay iyong good boy next door na pala ngiti as in mabait lang na maginoo na cute? Siya iyon...kaso kumpara sa ngayon, ibang-iba na siya. Buhok pa lang eh halata na. Kung gaano ka clean cut ng buhok niya noon, siya namang pagiging endorser ng shampoo niya ngayon. “ Aren't you going to have a drink?” Agad akong napabalik sa realidad ng nagsalita siya. “Siguro mamaya na po, sir. Baka dumating na iyon si Chona eh,” sabi ko naman. Ayoko kasing iwan siya tsaka okay lang naman ako. Hindi pa naman ako gutom. Speaking of the devil ( in the tone of Princess' mother from Four Sisters and a wedding) eh nakita ko na may pumasok sa loob ng gate. Si Chona na nga at ang boyfriend niyang Jonel daw ang pangalan. Mukhang hinatid siya. Binigyan ko nga siya ng nakakalokong ngiti na kapalit ay pinandilatan niya ng mga mata. “ Kamusta ang date?” pang-aasar ko. Namula naman si Chona bago bumaling kay Zeus para bumati. “ Good afternoon po sir! Kilala niyo naman po si Jonel kasi napakilala ko na siya noon sa'yo...” Bumati din sa amin si Jonel. “ Ah, Beh si Thea nga pala. Nurse ni sir. Thea, si Jonel nga pala,” pagpapakilala ni Chona. “Nice meeting you Beh,” pang-aasar ko kay Chona na pinamulahan lang ng mukha. Hindi naman nagtagal.at nagpaalam na din si Jonel dahil may delivery pa siya. Nagpatuloy naman si Zeus sa pag-inom ng tsaa. “ Hoy, seryoso ka ba na delivery boy lang iyon? Ang gwapo ha?” pagtatanong ko kay Chona. Narinig ko naman ang pagtikhim ni sir Zeus. “ Oo nga kasi tsaka higit isang taon na din kami noh,” Eh kasi naman, ang kinis ng kutis, mataas ang ilong, chinito, tsaka matangkad. Nakita ko din ang suot niyang sapatos. Kahit pa naman hindi ako mayaman, alam ko ang ganoong sapatos. Mamahalin iyon...tsaka kung ukay man aba ang swerte naman. Napatingin naman kami sa kotseng pumasok. Si tita na pala. May tiningnan lang lasi siya sa opisina at inasikaso. Sabi naman niya unti-unti na siyang babalik doon. Nandito na kasi ako para magbantay kay Zeus...na naiwala ko kanina. “ Goof afternoon po, tita!” “Good afternoon, ma-'am!” Pagbati namin na siyang sinuklian niya naman. “ Kamusta ang date, Chona?” “ Okay naman po, madam!” Agad naman siyang pumunta sa anak niya at hinalikan ang mga pisngi. Napa-atras pa si tita ng bumati si Zeus. “ Good afternoon,” mahinang bati nito. Maluha-luha naman si titang tumingin sa amin. “ Ipagtimpla ka muna namin ng kape, tita.”sabi ko habang isinama si Chona para maiwan muna namin silang mag-ina. “ Kilala pala ni sir Zeus si Jonel?” tanong ko habang tinitimpla ang kape ni tita. “ Oo kasi palangiti kaya 'yan si sir tsaka jinojoke pa ngas niya ako na nakajackpot daw ako kay bebeh,” napatango na lang ako. Iba nga siya noon. “ Naalala ko pa nga na sabi niya ' ang swerte mo kay bebeh, ' wag mo nang pakawalan Chona,” natatawang kwento ni Chona. So pati pala si Zeus inaasar siya sa 'bebeh' niya. Bumalik na nga ako sa kanila tita habang dala ang mga kape namin. Pagkalapag ko ng tray ay nagulat naman ako ng hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi ng, ' mau ipapakita akong halaman, Thea.” Lumayo lang naman kami ng konti kay Zeus pero nakatingin lang naman kami sa kaniya. “ Thea, thank you so much. Napakalaking tulong mo,” sabay pagpisil ni tita sa kamay ko. “ Wala naman akong ginagawa tita,” nahihiyang tugon ko. Umiling naman siya. “ There's something about you that plays a big part of his improvement...ngayon lang siya nagimprove Thea kahit ginawa na namin ang lahat.” “ Choice din po kasi natin tita na magbago o magimprove...siguryo ho ay gusto na niyang bumalik sa dati.” “ Tama ka, Thea. Sana nga. Gusto ko ng bumalik siya sa dating siya.” Sabay kaming napatingin kay Zeus at sabay na tinahak ang daan pabalik sa nakaraan. Pabalik sa Ulyses na kilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD