“ Thea, ano na? Wala ka bang planong umalis ha?”
Napairap ako kay Sixto. Hindi naman halatang gusto niyang isolo si Lucy. Eh kadadating ko lang naman ah? Grabe, ang sama ng ugali.
“ Alam mo, ang sama mo. Kadadating ko lang eh!” pagmamaktol ko na siyang ikinatawa lang niya. “ Edi nice,” walang pakialam na sabi lamang niya.
Sa sobrang sama niya pinagtutulakan na nga niya ako palayo. “ Lucy! J1! Kita mo 'to? Ang sama sama talaga. 'wag mo 'tong sasagu—”
Binigyan ko lang ng masamang tingin si Sixto. Iyong tipong kung nakakamatay lang ang tingin, matagal na siyang naiburol. Ayaw naman palang mabuking kay Lucy eh.
“ Where's J3?” pagtatanong ni Lucy. Dahil hindi naman alam ni Sixto ang sagot sa tanong, napilitan siyang tanggalin ang kamay niya sa bibig ko.
“ Ang baho naman,” pang-aasar niya.
Binigyan ko nga siya ng nakakalokong ngiti. 'yan ang bagay sa'yo!
“ May meeting yata sila sa council kaya hindi siya makakasabay ng lunch sa atin ngayon,” ani ko.
Tumango lang naman si J1 sa akin at saka ibinaling ang tingin kay Sixto.
Ewan ko lang sa dalawang 'to. Obvious naman na gusto nila ang isa't-isa pero parehos silang pabebe. Bakit kasi hindi siya magtanong kay Lucy kung gusto niya bang magupgrade ng relationship. Tsaka ito din namang si Lucy...ewan hindi ko maintindihan.
Edi, wow. Ako pang third wheel dito. Makaalis nga.
“ May meeting nga pala kami sa RCY ngayon kaya una na 'ko mga tsong,” paalam ko. Tinaasan lang naman ako ni Lucy ng kilay bilang tugon. Wow, ganon na ba katamad magsalita?
“ Sige salamat.'wag na ikaw bumalik,” pagtataboy ni Sixto.
“ Oo na. Aalis na nga eh 'no? Grabe naman kung makapagtaboy,” sabi ko sabay irap.
“ Bye J1!” paalam ko ulit.
Ngayon ay hindi ko na alam kung saan ako maglalunch. May paalis-alis pa kasi akong nalalaman eh ano ngayon kung third wheel? Ah, basta. Ayaw naman talaga ni Sixto na kasama ako. Ang ingay ki daw kasi...na totoo naman.
Oo na alam ko ng una silang nagkakilala ni J1 pero kahit na no, bestfriend pa rin ako ni J1 kaya may karapatan akong sumama. Charot.
Ibibigay ko na lang sa kanila ang araw na ngayon para magsolo—I mean mag double...ay ewan. Sige na nga, mag date sila. Oh ayan, date na ang sinabi ko.
Ang bobo na naman masyado kung pati tagalog eh nahihirapan na sa vocabulary at grammar.
Eh, hayaan niyo na nga.
Saan ba ako kakain ngayon? Kung sa Cups and Mugs eh panigurado namang doon sila kakain ni J1. Eh kasi naman J3 eh! Bakit kasi may meeting ka sa council? If I know, may birthday lang ng kasamahan sa council o kaya ay teacher at free lunch kayo. Ang unfair!
Ang shunga ko rin para magreklamo kay J3 sa isip ko.
Naglakad-lakad na lang ako sa may daan. Sana naman makapagdecide na ako kaagad dahil ang dami pa kayang assignments na ipapasa mamaya na hindi ko pa pala nagagawa...mangongopya na lang ako kay J3 hihi.
Ang sama lang pero ngayon lang talaga, promise! Hindi kasi ako nakagawa kagabi dahil tinapos ko iyong isang project namin.
This is life when you're in the first section.
Minsan nga eh naiinggit ako kay J1 kasi parang chill lang siya...hindi naman sa masyado siyang chill pero kasi wala kasi siyang pakialam sa grades niya. Alam niyo 'yon, iyong kaibigan na wala namang ginagawa pero malalaki pa rin ang mga grades? Siya iyon.
Pero hindi na namin siya kaklase ngayon. Kami lang ni J3 ang nasa section 1 now. Tsaka si Suzanna ay iyong friend mo na matalino talaga. Over all achiever kasi bukod sa matalino na, masipag pa. Hindi kasi sapat ang matalino ka lang. Oo na, matalino ka na pero pabaya ka naman. Si Suzanna na ang may pinaka da best na study habit sa aming tatlo. Ako na iyong nag-aaral kapag gusto ko. Sinobra lang naman kasi ako sa ganda (at confidence!).
Gutom na talaga ako at kanina pa ako naglalakad. Mag fast food na lang kaya ako? Ang gastos naman. May pinag-iipunan pa naman ako.
May nakita naman akong isang kainan na maraming mga estudyante ang pumapasok...hindi naman siguro ito isang drug den o kung ano nag illegal diba? Nako po!
Charot lang naman kasi. Ang OA lang. Pero ayun na nga, marami kasi akong nakitang mgas estudtante na papasok sa may parang maliit na daan. Siguro na sa may loob pa ang karenderya. Ilang minuto lang naman ng paglalakad at may nakita nga akong kainan. Ang kaso...pumipila pa pala sila. Ang dami kasing kumakain! Tinignan ko nga ang parang karatula nila may nakalagay na: Unli rice every Wednesday.
Wow! Ang amazing naman tsaka makakatipid pa kasi syempre pwede namang limang piso ng pansit ang bilhin ko tsaka manghihingi lang ng sabaw diba? Nakipila nga ako para makapili ng bibilhin para sa lunch ko. Medyo mahal kasi sa Cups and Mugs syempre kasi cafè iyon. On the other hand, worth it naman kasi masarap at hindi ka naman malulugi. Kaya lang, malaki pa kasi ang pag-iipunan ko. Tsaka malapit na din ang deadline. Kaya tipid tipid muna.
Also, ayaw ko namang manghingi sa parents ko. I wouldn't really be happy thinking that it didn't came from my hardwork...as if naman hindi galing sa parents ko ang pambaon ko na iniipon ko heheh. Pero you get my point naman diba?
Habang namimili ako ng bibilhin na ulam eh iniisip ko na din kung paano ko sasabihin kay J3 na manghihingi ako ng sagot. Hindi naman siya madamot. Hindi siya ganon. Tumutulong siya sa mga nahihirapan pero nakakakonsensya naman kasi syempre effort niya iyon. Pare-pareho lang kami na estudyante kaya pareho kami ng responsibilities. Pareho din kami ng dami ng ipapasa kaya syempre dahil nagkaklase kami, magtataka siya kung bakit wala akong gawang assignments. Sasabihin ko naman na gumawa ako ng projects ahead of time...tsaka natagalan ako sa pag cacanvas ng mga damit na ibebenta.
Oo mag o-online seller ako. Wala namang masama kung gusto ko dumiskarte. Mabuti nga 'yong may isip na sa business. Business minded lang...charot!
Wala naisipan ko lang kasi feeling ko kaya ko at may mapupuntahan ang oras ko at hindi masasayang.
So ito na nga, nakapili na ako ng bibilhin.
“ Isang serve po ng pinakbet, isang chorizo at tsaka isang slice nitong watermelon,” sabi ko habang tinuturo ang mga ulam.
Inilagay naman ni manang ang mga order ko sa tray na dala-dala ko.
“ Isang buko juice din po pala...tsaka, pwede manghingi ng sabaw?”
Alam ko namang pwede pero kasi nahihiya kaya ako kahit hindi dapat.
“ Oo naman day, 50 nga pala lahat,” sabi niya sabay abot sa akin ng bowl na may sabaw.
“ Ito na po,” sabay abot ko ng fifty pesos.
“ Salamat dai, balik ka lang kung gusto mo pa ng rice. Unli tayo ngayon,” saad niya ng may kasamang pagngiti. Ngumiti na lang din ako bilang pagtugon.
Fifty pesos lang iyong nabayaran ko...tsaka kasali na doon ang unang serve ng rice. Actually, sulit na nga ito para sa akin at na-aamaze ako kasi bihira kang kaya ang mga kainan na bukod sa malinis eh budget friendly din para sa mga estudyanteng nagtitipid tulad ko.
Naghanap nga ako ng mesa para pumwesto. Mukhang puno talaga pero buti na lang at may paalis na na isang college student. Agad naman akong pumunta doon sa mesa niya pagka alis niya. Nilinis muna ito ng isang staff bago ako umupo.
Hay salamat. Makakakain na rin!
I'm really gutom na!
Nagdasal muna ako kasi baka akalain ni Lord na hindi ako thankful.
Charot lang. Thankful po ako sa lahat-lahat Lord. Thank you po sa good health, sa family ko, sa mga kaibigan kong kahit sabog eh oks na naman, sa paggabay sa akin at love ones ko, tsaka sa pagbibigay mo po ng magandang mukha sa akin. Ihahabol ko din po ang pagbigay mo ho ng gwapong mukha kay Ulyses, maganda na personality at basketball skills sa kaniya kaya naging crush ko siya. Thank you po.
Excited na akong kumain at pasubo na sana ako ng may narinig ako sa likuran ko.
“ Ulyses, dito oh!”
Nahinto ako sa pagbabalak kong sumubo. Nahinto nga sa may ere ang kutsara kong punong-puno ng kanin at pinakbet...talong especially.
Shuta naman ito!
Alam kong swerte ako at nandito ang crush ko...pero kailangan bang sa harap ko pa talaga sila umupo ng mga kaibigan niya?!
Paano ako makakakain ng maayos nito?!
Ayos naman eh!
Lord, thankful po ako...pero grabe ka naman matuwa sa akin. Huhuhu nahihiya akong kumain!
Nakababa lang tuloy ang ulo ko at hindi ko nga inaangat. Nangangalay na nga ako eh pero kasi! Ang confident ko talaga 'pag nasa malayo si Ulyses pero 'pag nasa harap o malapit lang ay naeestatwa nga ako. Binaba ko nga ang nakapusod kng buhok para kahit papaano ay matabunan ang mukha ko. Alam ko namang walang effect ito kasi hindi niya naman ako kilala pero bakit ba.
Huhu ang hirap nito!
Bakit kasi sa harap ko pa siya!
Tsaka ang lapit-lapit lang eh! As in ang lapit talaga, hindi ko kayang umakto na para bang hindi ako affected na nasa may harapan siya. As in ang lapit talaga!
Kitang-kita ko ang napakakinis niyang mukha na walang ni isang pore na visible, ang matangos niyang ilong, at ang magaganda niyang mata. Isama mo pa iyong napakaganda niyang ngiiti. Parang naghahakaga ng diamond ang ngiti niya. Aakalain mong nagsuot siya ng braces ng matagal pero hindi. Stalker niya nga ako at nalaman kong hindi talaga siya nag brace at perfect na talaga ang nga ngipin niya. Syempre naman eh naisave ko na kasi yata lahat ng baby pictures at teenage photos niya sa laptop. Eh hindi nga siya dumaan sa stage kung saan awkward ang mga mukha natin.
Ganon na talaga siya since birth. Parang sculpted statue ng isang sikat na renaissance artist. Ako kasi kahit maganda na ako ngayon, dumaan kaya ako sa stage na awkward smile, awkwars pose, lahat yata.
Pero that was before. I'm a completely differenr girl now. Cute iyong mukha ko noong bata pa ako pero ngayon gumanda lang.
Charot.
“ Uy Ulyses, may ipapakilala ako sa 'yo,”
Agad na nagpanting ang tenga ko ng marinig ko iyong sinabi ng kasamahan niya.
“ Oo nga Uly, chix to pre,” segunda ng isa.
Teka, parang nabobosesan ko ang mga ito ah. Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na tumingin sa kanila.
Isa
Dalawa
Tatlo
Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang pinsan kong kambal na parehos na nakangisi.
Nanlaki nanan ang mga mata ko sa gulat.
Teka
Bakit sila nakangisi sa akin? At nakakaloko pa ang mga mukha nila ah?
Hindi ko naman sinabi sa kanila at lalong-lalo ng hindi ko kinwento.
Alam kaya nila?
“ Sino ba iyang ipapakilala niyo? Parang wala akong time mag girlfriend ngayon eh,” rinig kong sabi ni Ulyses.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Totoo ba? Hindi ka ba talaga handa para sa akin? Charot.
“ Sus, basta boyfriend ka ng kilala namin, kahit hindi ka pa magpakita basta alam niyang girlfriend mo siya, okay na 'yon,” sabi ni Hugo.
Ang asungot sa kambal kong pinsan.
“ Tama, tama. Ano g ba?” segunda naman ni Miguel, ang asungot din sa kambal.
Wala, puro kasi sila asungot. Wala kang mapipili. Sinamaan ko nga silang dalawa ng tingin. Buti na lang talaga at silang tatlo lang ang nandoon.
Ang sama-sama ng tingin ko sa kanila. Wala na nga akong pakialan kung anong itsura ko habang kumakain na naka tingin ng masama sa kanila. Siguro mukhang mangkukulam. Syempre, isang magandang mangkukulam.
“ 'wag naman ganon. Kung magkakagirlfriend ako, hindi man lahat ng oras ko sa kaniya pero I'll make sure to give her the time she deserves,” pagsagot ni Ulyses.
Ang ganda ng speaking voice! Nakakainlove talaga. Teka naman, sir! Hulog na hulog na ako!
“ Iyon oh!” pang-aasar ni Hugo.
Hindi ko naman mapigilang hindi ngumiti. Ang ideal niya lang. Hay, ano kaya ang feeling 'pag siya ang boyfriend ko?
Alam mo 'yong seryosong-seryoso ka na talaga sa isang tao na pakiramdam mo siya na talaga? Alam kong bata pa kami pero hindi ba ako pwedeng magmahal?
Wow, mahal. Big word. Grabe naman kung iyon na nga talaga ang nararamdaman ko...pero kasi ang lakas ng t***k ng puso ko sa t'wing nakikita ko siya, tsaka sa simpleng pagnakaw ko ng tingin sa kaniya ay buo na ang araw ko.
“ Ikaw na talaga ang ideal boyfriend pre. Pero ayaw mo bang malaman kung sino ang tinutukoy namin?” tanong ni Miguel.
Jusko!
Nagsisimula na ako sa paghahyperventilate kasi baka sabihin nga nila na ako!
I'm not yet ready to be his wife!
Wow, advance.
Pero ganon dapat no, kapag may gusto may paraan. Kapag may crush dapat pangmatagalan.
Binigyan naman ni Ulyses ng nagtatakang tingin si Miguel.
“ Sino?”
Sabay na napabungisngis ang kambal. Tumungo na lang ako sa kaba. Bahala na. Hindi ko pa rin ipapakita ang mukha ko sa kaniya. Kahit nakatungo alam na alam ko ang mapang-asar na mukha ng kambal. Kainis!
Pinagpapawisan na tuloy ang kamay ko at nanginginig pero pinilit ko pa ring sumubo at kumain kasi bakit naman hindi. Sayang naman ang binili kong tanghalian.
Ang hirap palang ngumuya at lumunok sa sobrang kaba.
“ Si Jane,” sagot ni Hugo.
Shutangina! Ayan na nga ba eh. Si Jane!
Jane...
Jane?
Edi Jane nga!
Ako pa rin 'yon eh!
Gusto ko talagabg murahin ang mga kumag na 'to eh.
“ Jane? Sinong Jane...madami akong kilalang Jane,” natatawang saad ni Ulyses.
“ Si Jane na nakilala namin sa may kalsada lang,”
Gago talaga 'tong kambal na 'to ah!
Gaganti talaga ako makikita niyo!
“ Talaga? Sinabi niya sa inyo? Ang weird naman kung nakiilala niyo lang sa kalsada tapos nagshare na,” sabay subo niya ng binili niyang fried chicken.
Napatingin tukoy ako sa pinakbet na binili ko. Konting tiis na lang, Thea!
“ Ganito kasi...nahulog niya ang diary niya tapos alam mo ba na halos pangalan mo ang nakasulat?”
Diary? 'yong nawawala kong diary!
Mga sinungaling! Hindi iyon nahulog sa kalsada, kinuha niyo sa kwarto kong mga kupal kayo!
“ Invasion of privacy kayo ah? Sure ba kayo na ako? Baka ibang Ulyses pala.”
Nawala tuloy ang galit ko kasi si Ulyses ba naman ang magsalita ng malumanay, lalo kang akong naiinlove. Umirap naman si Hugo sa narinig. Kalalaking tao eh umiirap. Tsk.
“ Zephy Ulyses Garces. Hindi ba ikaw 'yan?”
Napapikit ako ng marinig ko iyon kasi tandang-tanda ko talaga na sinulat ko sa first page ang full name niya.
“ Talaga? Mabuti pa ibalik niyo na ang diary niya. She might be looking for it,” ang bait!
“ Hindi pa naman namin nabasa lahat eh, isasauli naman namin 'pag tapos na,” giit ni Miguel na mukhang beagle.
“ Isauli niyo na. It's not yours...at wala kayong consent para basahin iyon,” seryosong sabi ni Ulyses.
“ Teka, tapusin lang namin,” nanlaki ang mga mata ko ng kinuha niya mula sa bag ni Hugo ang diary ko. Dala-dala pala nila!
Mga gago talaga oh! Gustong-gusto ko na talagang kunin sa kanila kaso malalaman naman ni Ulyses na sa akin iyon.
“ Ibalik niyo na Miguel. Hindi 'yan nakakatuwa,” matigas na sabi ni Ulyses na maski ako eh natakot. Ano kayi ngayon!
“Oo na ibabalik na. Ang kj naman,” pagmamaktol ni Hugo.
Napailing lang si Ulyses sa kanila. “ Samahan ko na kayo sa pagsauli,”
Ano?
Isauli? Sa akin?!
Agad naman na nagbago ang mujha ng kambal. Kung kanina asy naiirita ngayon eh parang nanalo sa isang raffle.
“ Sasamahan mo kami? Bakit?” pang-aasar ni Miguel kay Ulyses.
“ Para masiguro kong isasauli niyo.”
“ Talaga lang ha? Gusto mo lang makilala kung sino eh,” sabay bunggo niya sa balikat ni Ulyses bago nagbigay ng nakakalokong tingin sa akin.
Nagdali-dali naman ako sa pagkain. Wala na akong pakialam kung mabulunan ang importante eh makaalis ako dito. Nanghihinayang ako dahil hindi ko masusulit ang unli rice pero hayaan na. Dito na lang ako kakain tuwing Wednesday.
Ininom ko ang buko juice na binili ko kanina.
“ Nandito naman siya. Si Jane,”
Napaubo ako sa sinabi ni Hugo. Natapon pa nga ang juice sa ilalim at nahulog ko ang kutsara sa sobrang taranta.
Narinig ko namang tumawa ang kambal na siyang sinaway ni Ulyses.
Ginamit ko nga ang panyo ko para punasan ang damit kong nabasa. Masakit nga ang ilong ko kasi pumasok ang juice. Nakatungo ako at pinupunasana ang palda ko na nabasa din at may nga maliliit na scraped buko. Nabigla na lang ako ng may pares ng sapatos na huminto sa harap ako.
Dahan-dahan akong napatingin. Iyong t***k ng puso ko ay doble pa sa kanina. Natatakot tuloy ako na baka atakehin ako sa puso. Parang gusto na niyang kumawala at sumabog.
Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Ulyses na may malumanay na ngiti sa kaniyang mga labi.
“ Nahulog sa may paanan ko itong kutsara mo miss.”
Nakatulala lang naman ako sa kaniya. s**t, totoo ba 'to? Kinausap na ako ni Ulyses!
First time!
“ Miss?” pagtawag niya sa akin. Nangalay na siguro ang balikat niya.
“ Ah..o-oo. Salamat,” nauutal kong sagot habang kinuha ng mga nanginginig kong kamay ang kutsara na akala mo naman mamahalin at babasagin sa sobrang ingat ko.
Napatingin naman siya sa damit ko. “I don't think that handkerchief is enough to dry you up,”
Napatingin naman ako sa panyong hawak ko. Basang-basa na nga din. Naibuga ko naman kasi lahat ng buko juice yata dito.
“ Here,” sabay abot niya sa panyo niya.
“ Thank...you..iba-ibabalik k-ko lang bu-bukas,” bakit naman ang pangit ko magsalita ngayon! Hindi ba ako maruning magsalita ha?!
“ No worries, you can keep it,” he said while smiling.
I smiled back at him.
At ang ngiting iyon ay sumasalamin kung gaano ako hulog na hulog na nga sa kaniya.
Gwapo na, mabait, tsaka talented. Sino ba'ng hindi?