Ayradel's Side Nakatingin ako sa daan habang pinapatakbo ng Lee-ntik ang sasakyan niya. Bumuntong-hininga ako at hinawakan yung pisngi ko. "Palagi kang magseatbelt, okay?" Umiling-iling ako sa iniisip ko. Hays nakakainis naman! Hinawakan ko ulit yung pisngi ko at ang init talaga. "Baichi!" "Ay! Huh?" napaayos ako ng upo nang tinawag niya ako. Nakita kong tumigil na pala yung sasakyan tapos nakababa na siya ng sasakyan. "Ay sorry. Bababa na pala." Bumaba na ako ng kotse at lamig ng hangin agad yung sumalubong sakin. Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga puno, damuhan, at naglalarong mga bata. 3PM na, kaya siguro madami nang batang naglalaro dito sa park. "O anong meron dito bakit mo ako dito dinala?" tanong ko habang naglalakad kami. "Wala lang. Wala akong kasama eh. Hahaha." sa

