Ayradel's Side Sa kakaisip ko, at kaka-recall sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, namalayan ko na lang yung sarili kong nasa tapat na pala ng isang Ice Cream Stall. Malapit lang ito sa amin, at talagang gusto ko lang magpalamig. Pumunta ako sa stall at umupo sa high chair para hintayin yung ice cream mixins na inorder ko kani-kanina lang. Tinignan ko muna yung mga taong nagdadaan sa harapan ko habang naghihintay. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. "Tita Vivian!" tawag ko at agad na ngumiti nung tumigil at lumingon naman siya. Bumaba ako sa high chair bago pumunta sa direksyon niya. "Hm, ikaw ba yung classmate ng anak kong si Jayvee? Ayra?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti ulit ng matamis. "Opo. Saan po kayo papunta?" "Dyan lang sa palengke. Ikaw? Sa

