Other's Side Galing sa Guidance office si Luisa nang agad siyang natigilan dahil sa narinig niyang ingay mula sa tatlong lalaki. Agad siyang napapihit pabalik nang mapansing si Edward ang isa sa mga ito-- yung lalaking ubod ng yabang pero wala namang binatbat ang mukha. "Hep hep hep!" Nagmamadali na sana siya para lang huwag siyang makita ng mga ito pero huli na, naabutan pa siya ni Edward mismo at humarang na sa lalakaran niya. Yung dalawang kasama naman nito e nasa likuran niya. Tahimik pa naman sa daanan at walang katao-tao dahil umpisa na ang klase at nasa silis-aralan ang lahat. "Long time no see, Luisa." Anito habang naka-ngising aso. Gusto niya tuloy kilabutan dahil kahit kailan talaga ay feeling gwapo ang isang 'to. "Baka gusto mong dukutin ko ng tuluyan 'yang mata mo nang hin

