Ayradel's Side "Grabe first time mag-cut ng class si Ayradel." "Oo nga e." "Grabe grabe~ Gusto pa rin kita kahit grabe~ grabe~" "Baka naman may importante lang ginawa?" "Kasama si Richard Lee?" Nakatungo lang ako habang pinapakinggan ang mga komento ng mga kaklase ko habang pumapasok na ako ng classroom. Hindi ko nasabi ang tunay na dahilan... alangan naman sabihin kong 'Si Richard Lee-ntik po kasi sinabing walang klase! Grrrr!' "N-Nagpunta lang po akong Science Department, Ma'am." sabi ko. Hays. Napatingin ako sa pwesto ni Lee-ntik na nakatingin rin sa akin ngayon. Umiwas ako ng tingin at yumuko sa harapan ni Ma'am. "It's okay, next time try to balance things okay? Hindi puro extra-curricular lang. May klase rin na dapat attend-an." Kainis. Nagmukha pa tuloy akong pala-cutting.

