Panay ang pagpaparactice ko sa sasabihin kay Mama habang nasa kotse. Biglaan naman kasing sinabi ni Third na sa ibang bansa pala ako magtatrabaho at hindi sa kompanya nya. Hindi ko alam kung paanong matatanggap nya ang ibabalita ko sa kanya. Alam ko kasing magiging mahirap kay Mama kapag sinabi kong aalis ako sa bansa nang biglaan lalo't kakalampas ko lang sa problema na naranasan ko. “Okay ka lang?” Tanong ni Third nang iparada ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay. Masama ang tingin na nilingon ko sya pero agad din iyong nawala nang makita ko ang mugto nyang mga mata. Hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko maisip kung paanong nakaya ni Third na sarilinin ang lahat ng pinagdaanan nya, samantalang ako ay halos mamatay na noong masaktan. “Hoy, ayos ka

