Chapter 4
SHE IS LIKE A ROSE that I wanted to hose a water. But I can't,'cause she is young and I am older than her. Our love story is like asymptote, pinagsama lang sa iisang direksyon pero hindi pinagtagpo kahit na kailan.
Umiling-iling ako habang humihigop ng kape sa balkunahe ng mansyon namin dito sa Batangas. Nililibang ko ang aking mga mata kay Pea habang ito ay nagdidilig ng mga bulaklak sa harden sa ibaba.
Tumatama ang sinag ng araw sa kaniyang maputing braso. Idagdag pa ang pawis na pumapatak sa kaniyang noo. I wanted to help her, but I can't. Baka suwayin na naman ako ni Nanay Fee na pinapakialaman ko na naman si Pea. At baka mamaya mahalata nilang crush ko ang anak nila.
Nabubuang na siguro ako. Nagkakagusto sa isang babaeng mas bata sa akin. But, I believe that age doesn't matter if you love someone. Kaya ako? Hindi ko pinagsisisihan na magustuhan ko si Pea. She is worth it of my love. Kahit bata pa siya, wala akong pakialam. Magiging akin rin siya balang araw. Kapag nasa tamang edad na siya.
Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang isipin na ipagdamot siya sa iba. Maganda na siya, halos lahat ang meron siya ay nagustuhan ko. Maging ang ugali niya. At sigurado ako kapag nasa tamang edad na siya magiging marami akong kaagaw.
Napangisi ako, mas mabuti na ang ngayon ay itatak ko sa kaniya na pag-aari ko na talaga siya.
Tinungga ko ang kapeng natitira sa tasa saka pinagmasdan ang bulaklak na gumamela na sumasabay sa ihip ng hangin.
Masarap talaga ang hangin sa probinsya. Sariwa. Walang polusyon halos. Nakakaginhawa ang mga puno sa paligid. Idagdag pa ang maaliwalas na kapaligiran at nakakabingi na katahimikan. Ngunit, kahit na ganoon, masayang pagmasdan ang mga tao sa paligid na walang kapaguran sa pagtatrabaho buong araw.
Minsan hiniling ko na sana maging kasing sipag rin ako tulad nila. Pinangarap ko talaga iyon eh no? Pero heto ako ngayon at nakaupo lamang habang nakamasid sa kanila.
Patayo na sana ako nang biglang sumulpot si Nanay Fee sa harapan ko. Tulad na lamang dati pa dala-dala parin nito ang malawak na ngiti.
"Milo, anak, tapos na ba ang pag-inom ng kape? Akin na ang tasang ininuman mo at nang mahugasan ko na sa ibaba."
Napangiti ako, ganito talaga siya tumawag simula noon pa sa akin.
Anak.
"Naku, 'Nay Fee.." at ako naman nag-f-feeling rin na tawagin siyang Nanay. Tuald rin kay Mang Kanor. "Ako na po ang magdadala sa ibaba. Tulungan ko na rin po kayong maghugas. Wala na ako ritong ginagawa. Nakaka-inip ang magmasid na lamang sa inyo habang nakaupo."
Kunot na kunot ang noo nito habang tinitingnan ako
Nagtataka.
"Aba naman, anak, halos dati ayaw mo tumulong sa Daddy Kopiko mo, akalain mo ngayon at marunong ka nang magpahalaga at tumulong sa iba," palatak nito.
Ngumiwi na lamang ako. "Nay naman, binuboking mo pa ang dati eh. Dati na 'yon, hindi na dapat binabalikan."
"Ikaw na bata ka, ako pa ang anuhin mo sa mga uso-uso ngayon na linyahan. Halika na at tulungan mo si Mang Kanor mo sa pag-ani ng mga gulay doon sa farm niyo."
Kumibit balikat na lamang ako saka sumunod na sa likuran nito. Mukhang mahabang araw ito para sa akin.
KAHIT ANONG GAWIN ko hindi ko parin makuha-kuha ang tinuturo sa akin ni Mang Kanor. Kaya ang ending, heto na lamang ako at nakaupo lamang habang nanonood sa kanilang nagaani.
Bwiset naman kasi at bakit hindi ko makuha-kuha kung paano pumitas ng papaya. Bawal naman daw akyatin sabi ni Mang Kanor at baka mabali pa ang puno ng papaya sa bigat ko.
At naiinip na naman ako. Naisipan ko na lamang muna ang maglakad-lakad sa kabuuan ng farm. Pagsasawain ko na lamang ang mga mata ko sa mga magagandang tanawin rito sa hacienda namin.
Mga punong sumasabay sa ihip ng hangin. Mga ibong umaawit dahil sa magandang sikat ng araw sa silangan. Mga paru-paru na lumilipad sa kapaligiran at sumisipsip sa mga bulaklak na kanilang madadaanan.
Mga batang naglalaro sa kaparangan. Habang ang kanilang mga magulang ay masayang umaani ng mga gulay. Napangiti ako, kung ganito lang rin palagi ang masisilayan ko. Hindi na nakapagtataka na mawawala ang pagiging bad boy ko.
Pero ang ngiti ko kanina na malapad ay bigla na lamang nawala. Nawalang parang bula dahil sa aking nakita. Biglang kumulo ang dugo ko at na badtrip na lamang bigla.
Parang nandilim ang paningin ko at hindi na pinag-isipan pang lapitan si Pea at ang batang lalaki na kasama niya. May pahawak-hawak pa ang batang paslit sa kamay ng Pea ko!
"Pea!" Gulat na napatingin sa direksyon ko si Pea.
"K-kuya Milo?!" Halata sa boses nito ang gulat at pagtataka. Kasabay no'n ang pagkunot ng noo niya.
Ang batang lalaki namang kasama niya ay parang isang pagong na nagtago sa sariling bahay na dala nito. Natakot marahil sa presensya ko.
Hinablot ko si Pea at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"K-kuya..." tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Binalingan ko ang batang lalaki na kasama niya.
Binigyan ko ito nang masamang tingin. "Ikaw bata, ano ang pangalan mo?"
"Po?" Bingi ba ang isang 'to? Ang pinaka-ayaw ko ay ang inuulit ang mga sinabi ko.
"T-tinatanong ni Kuya Milo ang pangalan mo," ulit ni Pea.
Ngumiti ang batang lalaki sa akin, aba't— "Choco po, Choco po ang pangalan ko."
Kumunot ang noo ko. Nanadya ba ang pangalan nito? Milo sa akin, sa kanya Choco? Seryoso? "S-seryoso ka ba na Choco ang pangalan mo?"
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ibang awra pagkarinig sa pangalan ng batang lalaki na ito.
"Opo, Choco po. Choco Peralta."
Napangisi ako. "Oh, Peralta. Isa ka ba sa anak ng may-ari ng lupaing iyan?" Tanong ko rito sabay turo sa kabilang lupain kalapit ng lupain namin.
Katulad rin namin ay may farm rin ang mga Peraltang ito. Parang nakikipag-kompetensya ang mga Peralta sa mga naiisip na negosyo ni Dad. Sa maikling salita, kalaban namin sila rito pagdating sa negosyo. Mga gahaman sa lupain.
"Anak ako ni Saul Peralta," sagot nito. Sa boses pa lamang nito makikitaan na ng kayabangan.
"Pwes, kung gayon, hindi mo ba alam na nasa lupain ka ng mga Monteneille?"
Kahit na kasing edad ito ni Pea hindi ko ito papalampasin. Wala siyang karapatang hawak-hawakan ang Pea ko. Lalo na ngayon nalaman kong may masama palang budhi ang isang 'to. Nanalaytay ang dugo ng Peralta sa katawan nito.
Wala akong tiwala sa bubwit na 'to.
Sinamaan ko ito ng tingin, "hindi mo ba narinih sinabi ko? Nandito ka sa lupain ng mga Monteneille. Bawal ang mga Peralta dito. Trespassing na ang ginagawa mo, bata."
Masama ako nitong tiningnan. "Kaibigan ko naman si Pea. Kaya walang masamang pumunta rito, isa pa, nagpaalam naman kami sa bantay doon sa labas. Pinapasok naman ako! Ansama mo!"
Bata nga naman.
"Dahil sa kasama mo si Pea, kaya ka nakapasok. Pero dahil ngayong hindi mo na siya kasama. Umuwi ka na. Uwi!"
Mangiyak-ngiyak itong nagtatakbo palayo. Buti naman!
Tatawa-tawa pa ako habang pinapanood ito sa pagtakbo papalayo. Halos magkanda-dapa-dapa ito.
"K-kuya Milo, bakit mo iyon ginawa kay Choco? Kaibigan ko po siya.."
Napabaling ang tingin ko kay Pea. Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa kaniyang ulo. "Huwag na huwag mo ulit iyong kakausapin, Pea."
Takang-taka itong tumanong sa akin muli, "bakit kuya? Kaibigan ko po si Choco. Hindi ko po---"
"Masama ang kutob ko sa kaniya, Pea. Sundin mo na lamang ang Kuya Milo mo, kung ayaw mong magtampo ako sa 'yo. Di ba pinangako mo sa akin kagabi na hindi ka makikipagkaibigan o makipagkita sa mga lalaki? Dapat ako lang? Naiintindihan mo ba ako, Pea? Akin ka lang. Akin. At sa tamang panahon, aangkinin na talaga kita."
"Milo..."
Napangiti ako, "wala nang bawian Pea. Akin ka na."
...