Chapter 5

1095 Words
Chapter 5 HINDI KO ALAM kung ngingiti ba ako habang nakatanaw sa malayo, hinihintay na makalapit sina Mom at Dad sa mansyon namin. Napairap ako sa hangin. Anong ginagawa ng mga ito dito? Kung saan naman naramdaman kong malaya ako ng sandali, ipagkakait naman agad ng tadhana. I only texted Mom that I am here and I am okay. Siguro hindi naman iyon malabo sa kanila na okay lang ako dito at kasama ko naman sina Nanay Fee at Mang Kanor. Pero andito sila, ang lapad ng mga ngiti sa labi habang sinasalubong sina ni Nanay Fee at Mang Kanor. I let out a deep sighed. Hell, is coming. Good luck, Milo. Hindi ka na makakagalaw ng naayon sa kagustuhan mo. Hindi ka na makakagawa ng kabalastugan. Kung minamalas ka nga naman. Paano na ako nito? Bawat galaw ko may nakabantay. Hindi ko na alam kung saan ako gagalaw na naayon sa kagustuhan nila. Wala na akong nagawa pa kundi lumapit sa kinatatayuan nila Mom at Dad nang tawagin nila ako. Agad akong pinupog ng halik ni Mommy sa pisngi na siyang ikinapula ng pisngi ko. Lalo na't nakatingin ang mga ilang tao sa mansyon sa amin. Oh, damn! "Mom! Stop kissing me, you making me like a 1 year old baby," reklamo ko na pabulong sa kaniya. Pero hindi niya manlang iyon pinansin sa halip nginitian niya ako. "We're so worried about you, kido. Mabuti na lamang at naisipan ng Daddy mo na pumunta at bumisita narin rito sa hacienda natin na matagal nang hindi nadadalaw," sa halip na sagot nito. "Thanks Mom, and Dad. But, I can take care of myself. Okay naman ako dito, hindi naman ako pinapabayaan nila Nanay Fee at Tatay Kanor." Namulsa si Dad saka tinapunan ako ng seryosong tingin, "may kasalanan ka pa sa akin, bata. Tinakas mo ang kotse ko. At isa pa hindi ka nagpaalam sa amin. Ngayon, for your penalty, you will be staying here for a month. At tutulong ka sa mga gawain rito sa hacienda." "Hon, huwag mo naman—" Agad kong inawat si Mommy sa pagkontra niya kay Daddy. Mamaya magbago pa ang isip ni Dad at iba pa ang gawing parusa sa akin. "No, Mom. It's okay, mas mabuti na ang penalty na ibinigay sa akin ni Dad. Panigurado akong mag-e-enjoy ako," ngiti ko pang litanya. "Sakto at isang buwan rin akong suspended sa Nestle University," dagdag ko pa. Huminga na lamang si Mommy saka napatango, "okay, but promise me, kung hindi mo kaya sabihin mo lang sa akin, anak." "Yes, Mom. I will. Thank you." Niyakap ako nito, sunod naman ay hinarap ko si Dad, "and thanks also, Dad." At ito naman ang binigyan ko ng yakap. "Anything just for your sake, son. Sana maintindihan mo kami kung bakit namin ito ginagawa sa iyo," madamdaming hinging paumanhin ni Dad. I chuckled, "Dad, andrama mo. Of course, you are a parents, at walang hinangad ang mga magulang kundi ang makakabuti para sa kanilang mga anak." Napanganga si Mommy dahil sa sinabi ko maging si Dad ay napanganga rin. Well, saan ko nga ba natutunan ang mga salitang 'yon? Oh, hell! Hindi ko na maalala. "Wow! Ikaw ba 'yan, 'nak?" Takang tanong ni Mom na ikinatawa naming lahat. Mukhang lunaki yata ang tainga ko, salamat sa nag-imbento ng hiwafgng salita na iyon. "Mom, of course. I am your only son, Milo Monteneille. Ang nag-iisang kakaiba sa mga kapatid ko." Pinakita ko pa rito ang balat ko sa likuran ng aking leeg. "Oh, akala ko, hindi na. Bigla ka kasing naging makata." And then again, napuno ng tawanan sa labas ng mansyon. ANG GANDANG PAGMASDAN ng araw habang papalubog sa kanluran. Ang sinag nito ay kumakalat sa buong sanlibutan. Hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang mundong ginawa ng Diyos para sa mga tao. Ang ironic lang kasi hindi iniingatan ng mga ilan ang ipinagkaloob ng Diyos. We living here, yet, we destroying it. Unti-unti. Unti-unting sinisira at binabalewala. Mga tao nga naman..kasama na ako. Bakit ngayon ko lang narealized ang mga 'to? How pathetic I am. Tss. So stupid Milo Monteneille. Tinungga ko na lamang ang kaunting laman ng beer in can na hawak ko. Medyo hindi ko na rin kaya. Bakit bakasi naisipan kong uminom kung saan pag-gabi na? Akma na sana akong tatayo para pumunta na sa kusina at kumuha ng tubig para kahit papaano mahimasmasan ang natutulog kong diwa, nang mahagip ng mga mata ko si Daddy sa ibaba habang may kausap na estranghero sa labas ng gate. Halos ka-edad naman niya ito. Pero mas matanda yata ang lalaking iyon kay Dad. Kumunot ang noo ko, curiousity kills the cat, ika nga. Kaya dali-dali akong bumaba sa aking silid at lumabas ng mansyon. Pero hindi pa ako nakakalapit kina Dad at sa matandang lalaki na estranghero nang may pumigil sa mga kamay ko. "Kuya Milo? Saan ka pupunta? Pag-gabi na." Nilingon ko si Pea saka hinila na lamang papasok ulit ng bahay. Shit na malagkit! Bakit nangugulat 'tong batang 'to? Muntik na tuloy akong mahuli ni Dad. Dinala ko siya sa silid ko at pinaupo sa bench na nasa terrace ko. Iyong pinanggalingan ko kanina. Humarap ako sa kaniya kaya natatabunan ko ang magandang tanawin sa likuran ko. "Anong ginagawa mo sa labas at bakit ka nandoon? Hindi mo ba alam na delikado nang lumbas ng mga ganitong oras, Pea?" Napakamot ito sa ulo, "Kuya Milo—" "I said, Milo. Walang 'kuya'," agad na putol ko sa sasabihin pa sana niya. "Pero—" "Just follow what I want, Pea. Kung ayaw mo na magkaroon tayo ng problema. Okay, sunshine?" Wala naman na itong magawa pa kundi ang tumango na lamang at ngumiti sa akin. Umupo ako sa upuang kaharap nito. "From now on, I will call you sunshine, Pea. Is that okay?" Tumango naman agad siya na siyang ikitalon ng puso ko, "and you can call me Milo or MM ko." Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Umalis ako sa harapan niya at lumapit sa tabi niya. "You see that, sunset, sunshine, parang tulad mo iyan. Nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa buong araw na nagdaan ko. Parang ikaw ang pinakamagandang huling tanawin sa buong hapon ko. Kaya sunshine, ang tawag ko sa iyo." Ngumiti si Pea sa akin saka ang laki ng kaniyang mga ngiti habang pinagmamasdan rin ang paglubog ng araw. "Tama ka, MM, ang ganda nang paglubog ng araw. Parang ikaw...palaging lumulubog pero bumabangon." At napatawa na lamang ako dahil sa sinabi niyang iyon. Iba kasi naisip ko 'don. Damn, Milo! ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD