KABANATA XI: BANTA

1603 Words
Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang mga bulong. Hindi ko matukoy kung babae ba o lalaki ang nagsasalita, sapagkat halo-halo na ang boses na aking naririnig. "Minerva!" Nagising na lamang ako sa isang boses na tumawag sa aking ngalan. Akin siyang nilingunan. "Ano ba, hija? Kanina pa kita tinatawag. Mapuputol na ang litid ko kakatawag sa 'yo," banggit ni Nanay Rosalia sa akin. "Ano ba tinitingnan mo sa gubat at parang tulala ka?" Sabay s'yang tumingin sa direksyon kung saan ako nakatingin. "W-wala po, 'nay." "Oh, sige. Tara na. Hinahanap ka na ng hari," yaya n'ya sa akin. Sinundan ko s'ya papunta sa kanilang piging. Nang makita muli ako ng hari ay uminom siya ng alak habang nakatingin sa akin at tumayo. "Kumain at uminom na parang wala ng bukas dahil sa makalawa, tayo muli sasabak sa panibago nating pagsalakay!" sigaw n'ya. Humiyaw ang mga kawal at masayang nagdiwang. Pagkatapos ay naglakad papunta sa akin ang hayop na ito. Hinawi n'ya ang aking pisngi at sinuri. Nilapit niya ang kan'yang mukha sa akin na agad ko naman siya inatrasan. Naramdaman ko na lang na inamoy niya ako. "Amoy dugo ka," usap n'ya sa akin habang nakakunot ang noo niya. "'Wag mo sabihin, balak mo na naman patayin ang sarili mo." "Wala kang pake ro'n kung iyon ang aking nais," mariin at mabilis kong sagot. "Hindi ka talaga magtatanda?" Ramdam ko ang kaniyang gigil habang siya'y nagsasalita. Sunod n'yang hinawakan ang aking braso at umalis sa lugar na ito. Sumunod si nanay sa amin ngunit pinigilan siya ng hari. Pagkapasok sa malaking tolda ay agad n'ya ako tinulak sa kama. Ako ay napahiga sa lakas ng kaniyang tulak at saka niya ako sinakal. "Hindi ko hahayaang mamamatay ka basta-basta hanggang nananatili kang akin. Hangga't walang pahintulot ko, hindi ka mamatay. Tandaan mo iyan, Minerva," banggit n'ya, gigil na gigil at lalo niya hinihigpitan ang sakal sa akin. Sinusubukan kong alisin ang malaki niyang kamay sa aking leeg. Tinutulak at kinakalmot ko na s'ya subalit hindi pa rin niya ako binibitawan. Nahihirapan na ako huminga. Naluha na lamang ako sa sakit gano'n din sa pagiging mahina ko. Mabuti na lang ay binitawan na n'ya ako. Agad ko hinabol ang aking hininga at napayuko habang hawak sa aking leeg. "Kapag nakita ko muli na pinapatay mo ang sarili mo, baka may mangyaring masama sa taong malapit sa 'yo. Ako mismo ang papaslang sa pinakamamahal mong Rosalia, aking diwata," banta niya. Nabigla ako sa kan'yang binanggit at tiningnan siya nang masama. "Sa katunayan niyan ay ayaw talaga kita saktan, mahal ko." Saka niya pinunasan ang mga luha ko. "Hindi mo sana mararanasan ito kung magiging masunurin ka lang sa akin… Huwag mo ako subukan, Minerva, at baka kung ano pa ang gawin ko sa iyo lalo na sa mga taong malapit sa iyo. Ayaw mo naman na mangyari ang mga iyon sa kanila, 'di ba? Hindi mo hahayaang mamatay sila dahil sa iyong kahangalan?" Hindi ako makapalag sa kaniyang banta. Inaalala na baka ituloy n'ya ang binabalak na gawin kay nanay dahil sa pagmamatigas ko. Nakita ko na lang ang nakakainis niyang ngisi. "Tandaan mo kung ano ang mangyayari sa kanila sa oras na sinaway mo ulit ako. At ngayon," saka niya hinaplos ang aking pisngi, "painitin natin ang malamig nating gabi." Hinalikan n'ya ang aking labi sabay ang paghaplos sa aking pisngi at likod. Naramdaman ko na lang ang kan'yang kamay na nasa likuran na unti-unti niya tinatanggal ang tali sa aking baro. Nang matanggal niya ito ay marahal niya hinubad ang suot kong bestida. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa mga oras na ito. Hinayaan na muli n'ya ako pagsamantalahan alang-alang sa kaligtasan ni nanay. Inihiga n'ya ako at inumpisahan ang paghalik sa aking katawan — sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, at papunta sa aking mga binti. Sunod na niya hinubad ang kan'yang kasuotan at inumpisahan na niya ako babuyin. Nang kami ay matapos, sabay kaming humiga. Kasalukuyan s'yang natutulog nang mahimbing sa aking tabi na walang saplot ang buo niyang katawan, gano'n din ako, habang yakap niya ako. Samantala ako naman ay hindi makatulog. Marahal ko inalis ang kan'yang yakap sa akin. Sa una kong subok ay mabilis na binalik ng kaniyang kamay at hinigpitan pa n'ya lalo ang pagkakayakap sa akin. Ngunit sa pangalawa kong subok ay natanggal ko na rin ang kan'yang kamay na nakapulupot sa katawan ko. Bumangon ako at sinilip ang nakakainis n'yang mukha. Gustong gusto ko na s'yang sakalin hanggang sa mawalan na s'ya ng hininga. Nais ko na rin siya saksakin upang ako, kami, ay makalaya na sa kaniya. Subalit ang lahat na 'yon ay hindi ko magawa dahil sa turo ng aking ina, bukod pa ro'n ay sa takot na baka mapahamak pa si nanay sa oras na gumawa ako na hindi niya ikasasaya. "A-aw…" bulong ko nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng aking mga binti. Akin itong inipit upang maibsan kahit papaano ang kirot. Naglakad ako papunta sa isang mesa na walang saplot. Marumi naman akong babae kaya wala na akong pake kung maglakad akong hubo't hubad. Ano na lang ang itatago ko, wala na, 'di ba? Kinuha na niya. Sunod akong kumuha ng tubig at akin itong ininom, pagkatapos ay muling bumalik sa kama. Nang makita ko muli ang mukha ng hayop na ito, nakaramdam ulit ako ng galit. Hindi ko namalayan na hinawakan ko na ang leeg niya at humigpit na ang sakal ko sa kan'ya. Naramdaman ko ang bilis ng kabog ng aking puso at panginginig ng aking mga kamay. Ngunit ako ay napahinto no'ng maramdaman ang init mula sa aking likurang beywang, kung nasaan ang aking tatu. Nanghina ako at agad ko inalis ang aking mga kamay sa kan'ya. Hinawakan ko ang aking mukha at nagsisi sa aking binabalak na gawin. Nagsisisi ako? Bakit ako nagsisisi? Nagsisi ba siya nang pinatay niya ang aking pamilya, pinatay silang lahat? Bumuntong ako ng hininga. Inaamin ko na nais ko s'ya paslangin, subalit hindi kakayanin ng aking konsensya na pumatay ng isang tao. Isa rin ito sa kinaiinisan ko. Kaya nina Kitara, Liam, at mama ang pumatay, ngunit ako ay hindi. Miski hayop ay hindi ko kayang paslangin, sobra ko talagang hina. Kumuha ako ng isang maluwag na bestida at ito'y sinuot. Pagkatapos ay umupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa may lagusan. Nagmamasid-masid upang ako ay malibang sapagkat hindi na naman ako makatulog. Mga ilang saglit lang ay naramdaman ko na lang ang pagbigat ng aking mga talukap. Dalawang beses ko pinikit ang aking mga mata at sa pangatlong pikit ay laking gulat ko na nasa gilid na ako ng matarik na bangin. Sa dilim at lalim ay hindi ko tanaw ang dulo nito, ngunit sigurado ako na kamatayan ang nag-aabang sa akin sa oras na ako'y nahulog. Sa sobrang lapit ko rin ay kaunting usod na lang ay maaari ko na ikahulog at ikamatay. Agad ako napaatras at tumakbo paalis sa lugar na ito. Hindi ko alam kung nasaan na ako at ako ay takot na takot. Hingal na hingal, gulong gulo dahil sa mabilisang pangyayari. Tumatakbo upang makaalis sa nakakatakot na lugar na ito hanggang sa may nabunggo ako na isang tao. "Minerva! Ano ba ginagawa mo sa lugar na ito!?" sigaw ng hari sa 'kin. Kita ko sa kan'yang mukha ang kaniyang galit. Sa sobra kong takot ay agad ko s'ya niyakap nang napakahigpit. Ako'y gulong gulo sa nangyayari. Hindi ko matukoy kung paano ako napadpad sa gubat. Pakiwari ko'y nasa kalagitnaan kami ng kagubatan. "Shh… Huminga ka nang malalim. Hinga nang malalim… Ayos na ang lahat, mahal ko," pagpapakalma n'ya sa akin habang hinihimas ang aking likuran. Nananatili pa rin ang panginginig ng aking katawan at ang mga hikbi ko. Lalo ko siya niyayakap nang mahigpit sa sobra kong takot — takot na baka sa oras na bitawan n'ya ako ay baka kasabay no'n ang biglaang pagpadpad muli sa isang nakakatakot na lugar kagaya nito. "'W-wag mo akong b-bitawan. P-pakiusap lang…" nanginginig kong pakiusap. "'Wag ka mag-alala, nandito lang ako… Ligtas ka na, mahal kong diwata," malambing n'yang sambit, sunod no'n ay may naramdaman na lang akong isang halik sa aking ulo. "Tara na. Umalis na tayo rito." Pagkasabi ay binuhat n'ya ako na nananatili pa ring nakayakap sa akin. Pagkabalik namin ay nasaksihan ko ang kaguluhan mula sa mga kawal. Nananatili pa rin akong nanginginig at humihikbi. Nakita ko naman si nanay na sobra ang pag-alala n'ya sa akin. "Heneral Osis," tawag ng hari. Agad na lumapit ang punong heneral sa amin at sabay s'yang yumuko. "Ano ho ang ipaglilingkod ko, kamahalan?" "Ikaw at ang ilan mong kasamahan ay maghanap ng babaylan at dalhin agad s'ya sa akin. Siguraduhin mo na babalik ka bago magtanghalian dala ang isang babaylan kung hindi, wala ka ng bansang babalikan," mabilis n'yang utos. "Masusunod ho, kamahalan!" agad niyang tugon at patakbo s'yang umalis. Agad kami pumasok sa aming tinutulugan. Umupo s'ya sa gilid ng kama habang buhat-buhat ako. Nakayakap sa akin at hinihimas ang aking katawan para humupa ang aking takot. Nang dahil sa kan'yang mga haplos ay unti-unti nawawala ang aking panginginig, ngunit hindi ito sapat upang ako ay kumalma. "Ipapangako ko sa iyo na mananatili ako sa iyong tabi, aking mahal," bulong niya sa akin. Sa mga oras na ito, tila ba nakalimutan namin ang aming malaking alitan — ang aming pag-aaway. Gumaan ang aking pakiramdam sa mga yakap at bulong n'ya sa akin na mananatili siya sa aking tabi hanggang naisin ko. Ang nakakainis sa parteng iyon ay hindi ko siya magawang paalisin. Kahit hindi pinapaalam, kailangan ko s'ya ngayon — ang kan'yang presensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD