Isa, dalawa… apat? O baka naman lima? Limang daang damit na yata ang kanilang pinasukat sa akin sa buong linggo. At habang ako'y nagsusukat, puro mga tili at puri ang aking natatanggap mula sa kanila. Sila ay kilig na kilig(?) habang inaayusan nila ako. Ang kanilang dahilan ay ngayon lang daw sila nakakita ng katulad kong mala-Diyosa ang ganda na kung saan, ang lahat ng damit na kanilang dinala ay tunay na babagay sa akin. Bukod doon, ngayon na lang daw sila binigyan ng pagkakataong pagsilbihan ang isang katulad kong may natatanging hitsura. Hindi ko naman magawang magalit sa kanila nang dahil sa mga puri nila. Bagkus kasi na magalit sa kanila, hiya ang aking nararamdaman. Para na nga akong isang kamatis sa sobrang pula nang dahil sa mga nakakahiya nilang sinasambit sa akin. Nakiusap nam

