"At sa papaano mo naman nalaman ang mga aswang at kakaibang nilalang na iyan?" tanong ng hari sa akin. Nakataas pa ang isa nitong kilay.
"Isa sa hanap-buhay ng aming bayan ay ang pangangaso at ang pagtanggap ng mga misyon mula sa mga maharlika. Ang ningangaso nila ay hindi lang basta-basta hayop na makikita mo lang sa kagubatan kun'di ang mga ganito klaseng halimaw. Kung kaya 'wag ka na magtaka pa kung bakit alam ko ang ilang mga bagay-bagay kumpara sa iyo," sagot ko habang ako ay nakangisi. "Hindi ba dapat alam niyo ang mga bagay na ito sapagkat may kakayahan kayong bumili ng kahit na anong libro lalo na't isa kang hari? At isa pa, isa kang pinuno, dapat alam mo ang mga masasamang impluwensya na makasisira sa iyong nasasakupan."
"Mukhang hindi mo nauunawaan ang lugar na magiging tahanan mo, mahal kong diwata. Masyadong malayo ang kaharian ko sa inyong lugar, kaya marahil ang mga nilalang na iyong binigkas ay bago lang sa aming pandinig. Ngunit dahil na rin sa iyong kaalaman, malaki ang maitutulong mo sa amin. Nang dahil sa 'yo, may kakayahan na kami maghanda sa oras na mangyari ulit ito. Sa susunod, makikinig na ako sa iyo." Binigyan n'ya ako ng matamis na ngiti na nagpagaan sa aking damdamin.
Ako'y nabigla sa aking naramdaman. Akin namang tinago ang nararamdaman ko nang hindi niya ako mahuli.
Tumayo ako at naglakad palabas, bago pa ako lalayo sa kan'ya ay pinigilan na niya ako.
"At saan mo naman nais pumunta?" mabilis niyang tanong.
Nilingunan ko siya at sinagot, "Maliligo? 'Wag ka mag-alala, dito ako maliligo upang ika'y maaliw habang ikaw ay nagpapahinga." Saka ako ngumisi at naglakad palabas.
Sinabi ko lang iyon upang manahimik s'ya subalit ang totoo niyan ay sa ilog ako maliligo.
Sabay sa paglabas ko sa tolda ay ang dalawang kawal na bumubuntot sa akin, pinuntahan ko si nanay ngunit dahil sa kan'yang natamo kanina ay hindi ko na s'ya inabala pa. Nakiusap ako sa isang babae na mas bata pa sa akin na ako ay samahan sa paliligo. Nakita ko ang pagkamula ng kaniyang mga pisngi at agad naman siyang tumango. Pagkatapos ay nagmadali siyang umalis para kumuha ng aming gagamitin.
Nang makarating sa ilog ay nilubog ko ang aking isang paa sa tubig upang matukoy kung ano ang temperatura nito. Ako ay nalamigan ngunit sapat na ang lamig na iyon para magising ang aking diwa at mawala ang kabahuan na nakuha ko sa halimaw. Agad ko rin tinanggal ang marumi kong baro at saka ko nilublob ang katawan sa malamig na tubig.
Sa hindi naman kalayuan ng aming puwesto, nakatayo ang dalawang kawal at tahimik na binabantayan kami.
Habang ako ay naliligo ay napatingin ako sa batang babaeng kasama ko. Nakita ko kung paano n'ya ako titigan, nanlalaki ang mga mata niya at pulang pula ang mga pisngi. Napalingon ako sa aking likuran subalit wala naman akong kakaibang nakita.
Minabuti ko na tanungin siya habang binabanlawan ang aking buhok. "May problema ba? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin? May dumi ba sa aking mukha?" natatawa kong tanong sa kaniya.
Nabigla s'ya na akin siyang kinausap. "P-pasensiya na ho, binibini. T-tunay nga na ikaw ay kaakit-akit. Para ho kasi kayo isang diyosa lalo na ngayon. Ang liwanag ng buwan na tumatama sa iyong katawan ay lalong nagpapaganda sa iyo," nahihiya niyang sagot.
Bahagya ako nasiyahan sa kaniyang sinabi. Hindi ko na siguro mabilang ang mga nagsasabi nito. Sa katunayan niyan ay nakakasawa na makarinig ng papuri ngunit kung galing naman ito sa mga batang katulad n'ya, hindi ko mapigilang matuwa.
"Maraming salamat," masaya kong tugon. "Halika, samahan mo ako sa paliligo."
"H-huwag na ho. Ayoko ho maistorbo kayo sa iyong paliligo at baka sa oras na ako ay tumapak sa ilog, b-baka dumumi pa ang tubig, baka m-marumihan ko ho kayo," mabilis niyang pagtanggi. Bakas sa kan'ya ang pagkabalisa at pag-aalala.
"'Wag ka mangamba, marumi rin akong babae. 'Di hamak na mas malinis at dalisay ka kumpara sa akin. Ang dahilan naman kaya tayo naliligo upang matanggal ang dumi sa ating katawan. Kahit papaano ay mabawasan ang kadumihan sa aking katawan," buntong hininga kong tugon.
Nakita ko ang pagtataka sa munti niyang mukha. Ningitian ko s'ya at nilapitan. Akin naman siya hinila papuntang ilog. Dahil sa pagiging makulit ko, kami ay nagkasabay.
Nang matapos kami ay bumalik na kami. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko roon si Haring Ezekiel na nakaupo sa gilid ng kama habang siya ay nakayuko. 'Di ko matukoy kung ano ang nararamdaman niya spagkat 'di ko rin masilayan ang kaniyang mukha.
"Mukhang tapos ka na maligo. Naghintay ako nang matagal ngunit hindi ka dumating," bulong niya, bakas sa kaniyang tono ng pananalita na pinipigilan n'ya ang sariling 'wag magalit.
"Mukhang," huminto ako ng saglit, "nagsinungaling ako sa iyo kanina," natatawa kong sambit, saka ako naglakad papunta sa isang upuan.
Naramdaman ko na lang ang isang kamay na dumapo sa aking tiyan pataas sa aking leeg. Napatingala ako at napalunok sa kan'yang ginagawa, 'tsaka niya iniharap ang mukha ko sa kaniyang mukha na nasa likuran ko.
"Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko. Mag-ingat ka at baka malumpo ka kinabukasan sa oras na inulit mo muli ang panunukso mo sa akin, aking mahal," bulong niya. "Pasalamat ka at kailangan ko pa magpahinga kung hindi, malilintikan ka talaga sa akin. At dahil diyan, ngayong gabi, isang parusa ang ibibigay ko na tiyak hahanap-hanapin mo lalo na ang maganda mong katawan."
Naramdaman ko na lang ang isa n'yang kamay na dumulas papasok sa aking suot na bestida. Naramdaman ko rin ang kan'yang malaki at makapal na daliring dumampi sa aking maselang bahagi ng aking katawan, sabay niya itong minasahe.
Umungol ako sa kaniyang ginagawa at napahawak sa braso n'ya.
"S-sandali lang… H-hmm…"
Subalit hindi niya ako pinakinggan. Inamoy niya ang aking leeg at saka niya kinagat ang balikat ko. Malalim ang nagawa kong ungol dahil sa sakit gawa ng pagkagat niya. Naramdaman ko na lang ang pagpasok ng isa niyang daliri sa aking loob.
Tumingkayad ako upang hindi ito nakabaon masyado subalit hindi pa rin ito sapat. Napakapit ako nang husto sa kaniyang braso at nilingunan.
"Pakiusap… Haah… Itigil mo na ito…"
"Hm? Talaga lang? Sigurado ka ba sa mga binitawan mong salita?" At saka niya lalong binilisan ang pagtaas-baba ng daliri niya sa aking loob.
Agad ako tumango habang ako ay nakakagat-labi. "Ayoko na… Pakiusap lang, itigil mo na ito, E… Ezekiel… Hmf!"
Naramdaman ko na lang na huminto s'ya sa kaniyang ginagawa at tinanggal ang daliri sa loob ko. Nakahinga ako nang maluwag nang siya ay huminto ngunit, wala akong kamalay-malay na nagsisimula pa lang siya.
Hinawakan niya ang aking beywang at sunod niyang iniharap ako sa kaniya. Pagkaharap ko ay muli niya ako hinalikan. Marahal niya ako hinalikan na hindi rin nagtagal. Inalis din niya ang kan'yang labi sa akin.
Napatili na lamang ako nang binuhat niya ako paharap at agad ko naman siya nayakap.
"S-sandali… Ang mga sugat mo," taranta kong usap.
"Mas importante sa ngayon ang ginising mong halimaw kumpara sa sugat ko, Minerva," sagot niya habang siya ay naglalakad, pagkatapos ay inihiga n'ya ako sa kama.
"A-anong ginising? May halimaw na malapit sa atin?" Agad ko sinuri ang paligid upang makita ang halimaw na tinutukoy niya.
Pumatong siya sa akin at saka ngumisi. "Malalaman mo rin." At muli niya ako hinalikan. "Tawagin mo ulit ako sa aking pangalan, mahal ko," malambing niyang bulong.
Hindi ko maunawaan kung bakit nais niya tawagin ko s'ya sa kaniyang ngalan.
"E-ezekiel?"
Nakita ko ang paglambot ng kan'yang mga titig. Muli niya ako hinalikan.
Sa pagkakataong iyon, natukoy ko kung ano ang pinupunto niya. Dapat pala hindi ko na binanggit ang kan'yang ngalan.