KABANATA IX: KARWAHE

1124 Words
Nagising na lamang ako nang maramdaman ang malakas na pag-uga ng aking hinihigaan. Pagkagising, saka ko na lang napagtanto na nasa loob ako ng kayumangging karwahe. Tanging ako lang ang nandito. Hinawi ko ang kurtinang humaharang sa bintana, sa aking kanan, at sinilip kung ano ang nangyayari. Nakita ko ang mga ilang kawal na naglalakad. Wala akong ideya kung saan kami patungo. Bago sa akin ang lahat ng natatanaw ko — mga bundok, daanan, at ilog. Habang nakamasid, bigla ko na lang naalala si Nanay Rosalia at akin s'yang hinanap. Hindi ko s'ya masilip sa bintanang ito kaya minabuti ko na isunod ko s'yang hanapin sa kabilang bintana. Katulad din sa kabila ay puro mga kawal lang ang aking natatanaw hanggang sa magkrus ang mga mata namin ng isang naglalakad na kawal. Nakita ko ang gulat nitong mukha at tila ba nailang na makita ako. Napansin ko rin ang pagkabalisa n'ya at patakbo ito pumunta sa unahan. Hindi ko na inalam pa kung saan s'ya tutungo. Sa mga oras din iyon ay biglang kumirot ang aking kaliwang pulso. Bumalik ako sa dating p'westo at napahawak dito. May puting tela ang nakapulot dito at nakita ko na unti-unti nagkakaroon ng pula. Siguro dahil sa ginawa kong kilos ay bumuka ang aking sugat. Muling bumalik sa aking isipan ang ginawa ko sa sarili. Kahit kailan ay hindi ako nagsisi na akin itong ginawa, nais ko na tapusin ang kalungkutan aking nadarama. Napahawak ako rito at hinaplos habang inaalala iyon. Sabay ang pagbigat ng aking damdamin, naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking luha. Naalala ko na lang ang maaaring mangyari sa akin sa oras na tuluyan akong namatay. Baka sakaling kasama ko na ang pamilya ko sa langit at payapang namumuhay sa malalambot na mga ulap. Sunod-sunod na ang pagbagsak ng aking mga luha. Mga ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng isang pinto ng karwahe. Mabilis ako napatingin sa aking kaliwa at nakita ang taong pumatay sa aking pamilya. Nakita ko na nakakunot ang kan'yang noo ngunit bigla na lang ito napawi. Pumasok s'ya sa loob, sabay ang paglayo ko sa kan'ya at saka tumingin ako sa aking kanan. Agad ko rin pinunasan ang mga luha ko at naramdaman ang paghawak ng hayop na ito sa aking kaliwang pulso. "Kailangan na ito palitan," mahina at malumanay n'yang usap. Napatingin ako sa gulat dahil sa biglaang pagbago ng kan'yang boses. Naging malambot ang kan'yang boses at tingin. Nakita ko naman na binigyan niya ng senyales ang isang kawal na nasa labas, tumakbo naman paalis ang kawal. Habang hinihintay ay maingat n'ya hinahaplos ang aking kaliwang kamay at nananatiling nakatitig dito. Sobra-sobra ang pagtataka ko sa lalaking ito na hindi ko matukoy kung ang lalaking kaharap ko ay ang haring pumatay sa aking pamilya o ibang tao na kamukha lamang n'ya. Pagkatapos ay tumingin s'ya sa akin, pinunasan ang mga luha ko, at saka niya nilapit ang mukha niya. Napaatras ako sa kan'yang binabalak. Nagulat naman ako na hindi niya tinuloy kung ano man ang naisin niyang gawin sa akin. Inatras n'ya ang mukha at binalin ang tuon sa aking kamay. Mga ilang sandali pa ay bumalik na ang kawal na may puting tela, bimpo, at isang mangkok na may tubig. Inilagay niya ito sa upuang nasa harapan namin at saka umalis, sabay ang pagsara n'ya ng pinto. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang lalaking ito. Dahan-dahan niya tinatanggal ang gamit na tela sa aking pulso at saka niya ito inilapag. Binasa n'ya ang isang malinis na bimpo at saka niya dinampian ang paligid ng aking sugat. Ako'y nasaktan dahil sa kirot. Naramdaman ko na lang na binagalan n'ya ang pagdampi ng bimpo sa aking kamay. "Tiisin mo ang sakit tutal kasalanan mo kung bakit ka nasasaktan," wika n'ya sa akin. "Daplis lang ito. Mas masakit pa ang sugat na binigay mo sa akin no'ng pinatay mo ang aking pamilya na kahit kailan... hindi mo ito magagamot ano man ang gawin mo. Tuluyan lang maghihilom ang sugat ko sa oras na nawala ka na sa mundo," inis na tugon ko sa kan'ya. Diniinan n'ya ang pagdampi sa aking sugat at tinapat pa niya sa mismong hiwa. Pinigilan ko ang sakit upang hindi magmukhang mahina sa harap niya. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo. Isa lang nama akong hari, munting diwata. Ang lahat ng iyong winika laban sa akin ay magdadala sa iyo ng agarang kamatayan," seryoso niyang tugon. Ngumisi ako at akin siyang sinagot, "Gawin mo. Sa tingin mo ba ay natatakot ako mamatay?" Hindi agad s'ya nakapagsalita. Lalo pa niya diniinan ang aking sugat, sa pagkakataong ito ay napasigaw ako sa sakit. Tiningnan siya nang masama sabay ang pagtulo ng aking mga mata. "Mamamatay tao! Mas masahol ka pa sa hayop! Napakasama mo! Ang dapat sa mga katulad niyo ay sinusunog sa impyerno! Mamatay ka na, halimaw ka!" singhal ko habang pinipigilan ang sakit. Ngumiti ang hayop na ito sa akin at tumawa, sunod niya nilapit ang mukha sa akin. "Minerva, Minerva, Minerva… Aking pinakamamahal na Minerva. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa iyo. Sa mga araw na nagdaan, palagi mo na lang ako pinapahanga at ginugulat. Lalo mo ako pinapaibig, aking diwata," masaya n'yang banggit sa akin. "Huwag ka mag-alala, hindi kita papatayin. Papahirapan lang kita hanggang sa tumigil ka na sa kagustuhan mong mamatay." Mukhang nahihibang na ang hayop na 'to. Pagkatapos ay hinila niya ang aking kaliwang kamay at tinapos ang paglilinis dito. Saka niya binalutan ng isang malinis at puting tela. Nang matapos ay hinalikan n'ya ang aking pulso at tumingin sa akin habang nakangisi. Tunay na nakakaasar ang kan'yang ngisi. Gustong gusto ko saksakin ang mukha niya nang sa gano'n ay hindi ko na makita pa ang kaniyang mga ngiti. Maya-maya pa ay binuksan na n'ya ang pinto at aakmang aalis, subalit agad ko siya pinigilan. Kahit ayaw na ayaw at nandidiri ako sa kan'ya ay hinawakan ko ang braso niya upang huminto. "S-sandali lang…" pigil ko. "Nasaan si nanay? K-kasama ba natin siya? Maayos ba ang kalagayan n'ya?" Kahit ayaw ko rin siyang kausapin ay ginawa ko para malaman ang kalagayan ni Nanay Rosalia. Tiningnan n'ya ang aking kamay na nakakapit sa kaniyang braso at tumingin sa akin. Tila ba nag-isip nang malalim bago n'ya ako sagutin. "Nandito s'ya, kasama natin. Maayos ang kalagayan n'ya. Utos ko naman na mananatili siya sa iyong tabi upang pagsilbihan ka," sagot niya at saka lumabas. Wala akong emosyon na nakita sa kan'ya. Pagkalabas niya ay kinuha naman ng isang kawal ang mga kagamitan na ginamit sa 'kin at sinara ang pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig iyon sa kan'ya. Mabuti na lamang ay ligtas si nanay at may makakasama ako sa paglalakbay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD