Chapter 20

1351 Words
What Happened to us? Habol hininga akong nagising dahil sa isang bangungot, malalaki ang namuong pawis sa aking nuo, at pinahid ko ito gamit ang aking mga palad, wala si Vino sa aking tabi, malamang ay nasa kabilang kwarto na naman iyon natulog. Napakamot ako sa aking ulo ng madama ko ang gutom sa tiyan, ng tingnan ko ang wall clock ng kwarto ay 3:30 na ng madaling araw, kahit tinatamad ay bumangon ako at ng punta sa kusina para mangalkal ng pagkain. Ng buksan ko ang ref ay laking tuwa ko dahil sa Ube cake na naroon, natakam ako agad, kaya mabilis kung inilabas ito sa ref at kumuha ng platito para maka kain, kumuha din ako ng baso at ng timpla ng gatas. Sa sobrang sarap ng ube sa panlasa ko ay naka tatlong malalaking slice ako ng cake na naubos. "Pure bliss." Tama talaga ang kasabihan ang gamot ng "STRESSED" ay ang kabaliktaran lang din nito "DESSERTS". Ng mabusog at ma kuntento na ako sa kakakain ay chineck ko si Vino kung saan siya nakatulog, when i open the other room's door, nakita ko siyang nakatulog sa kama na halos hindi pa nagbibihis, naka soot pa ito ng polo na soot niya sa cafe kanina, naka pants at naka medyas. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto, kaya naamoy ko agad ang amoy ng alak na namuo sa loob. When turn my gaze to him,and as i look at the face of my husband, naka nga nga ito at bahagyang patulo na ang laway sa kanang pisngi. I gulped while watching him, kahit naka nga nga siya,namumula ang pisngi at magulo ang buhok, ay hindi mo ma ikakaila ang kakisigan nito,i am tempted to touch him, and when i couldn't fight the urge to stop myself, I slowly touched his face, I miss my old Vino. Yung lalaking sumalo sa puso kong wasak na wasak at nag iisa. He became my knight and shining armor back then. What happened to us, My Love? Masaya naman tayo diba? Pero bakit tayo nagkaganito? I wipe the tears from my eyes. At sa maingat na pagkilos ay, unti unti kong inalis ang kanyang mga damit, leaving only nothing but his boxer shorts. "Ang sarap niya tuloy patungan." Mabilis ay inalis ko sa aking utak ang matinding kalandian, Maiinitan kasi siya kapag ganoon ang damit niya natulog, kaya hinubad ko iyon para kahit papaano ay presko ang kanyang katawan. Kinuha ko ang comforter at ibinalot iyon sa kanyang katawan, I adjust the level of the aircon ng mas maging masarap ang pagtulog niya, ng matapos ako ay dahan dahan na akong lumabas ng kwarto at pumunta sa aming silid. – Pasado alas otso na ako nagising kinaumagahan, nagpunta agad ako sa kusina, hindi ko na na pagluto si Vino dahil tinanghali na ako ng gising, pagkarating ko roon ay nakita ko sa pintuan ng refrigerator ang isang blue sticky note. "I cooked your breakfast, Kumain ka agad pagkagising mo." Napangiti naman ako, kahit simple lang ang nakasulat doon, dama ko ang paglundag ng puso ko. That made my day. Nabuo ang araw ko dahil lang sa pinag luto niya ako ng agahan. I ate breakfast happily. Busog na busog ako na may malaking ngiti sa aking labi. Alam kong maling umasa pero masama ba? Kahit ngayon lang? After that naligo na ako agad at ng bihis, papunta kasi ako ngayon sa Cafebella, i will borrow the key of the store from Dahlia, na itext ko na siya noong nakaraan at pumayag na siya sa sinabi ko, and today is our schedule, sandali ko lang hihiramin iyon at ibabalik ko agad, i will duplicate the keys para may susi din ako. I don't know pero naisip ko lang even Vino doesn't know about this. As i arrived at the cafe, sinalubong agad ako ni Dahlia at pasimpleng inabot sa aking ang mga susi. "What is he doing?" as I asked Dahlia curiously. "Nasa office lang naman siya simula pagdating niya kanina." "What about?" "Ayon, ngayon lang pumasok nagkasakit daw, ng pakita pa nga ng medical certificate." bulong niya sa tenga ko. hindi na ako ng salita pa ng kahit ano, "Sige na alis na ako, thanks dito, babalik ko agad to mamaya." i waved my hands at her at mabilis na naglakad pabas ng cafe. Nasa taxi na ako, sampung minuto makalipas ang pag alis ko sa cafe ay biglang tumunog ang cellphone ko. *toot toot* I heard my phone vibrate. Kaya mabilis ko iyong kinuha mula sa shoulder bag na bitbit ko. 1 message received Dahlia Kaka pasok lang ni girl sa office ni Boy, inantay ka lang talaga maka alis. My heart sank because of Dahlia's message. Gusto kong ma iyak pero mariin kong pinigilan ang sarili, parte na ito ng mga bagay bagay, na hindi ko kayang iwasan, kung pwede ko lang putulan si Lea ng paa para di maka lapit ky Vino matagal ko na sana ginawa. Hindi ako ng reply ky Dahlia ano naman sasabihin ko? na " Sunugin niya ang buong cafe ng hindi na sila makalabas ng buhay?" bahagya akong napatawa at dinama ko na lang sa sistema ng buong katawan ko ang sakit. Papunta na ako ngayon sa "Double Me " isang shop dito sa amin na nag duduplicate ng susi, mabilis lang naman ang serbisyo nila kaya wala akong magiging problema mamaya, maibabalik ko agad ang mga ito ky Dahlia. Pag katapos ko dito sa Double Me ay balak kong mag grocery naubusan na kasi kami ng stock sa bahay, since hindi na ako pumapasok ngayon ay weekly na ako kung mag grocery, dahil maliban sa Cafebellah ay wala naman akong ibang ginagawa kundi ang problemahin ang mga problema ko, ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng huli akong mag grocery. Ayoko din isubsub ang sarili ko sa Cafebellah, ayokong araw-araw makita ang pagmumukha ni Lea, dahil baka linti ako makapag pigil ay mabuhusan ko ang mukha niya ng mainit na kape, mas masaya sana kung sabay kaming dalawa ni Vino na mag grocery. Pero alam kong malabong mangyari iyon, okay na din iyon, kahit hindi naman okay talaga, mas nakakapag isip kasi ako ng maayos kapag ako nalang ang mag isa, nakakapag isip ako ng plano ang mga dapat kong sunod na gagawin. As I entered Double me i handed the key to one of their staff and she told me to wait for 30 minutes. Nakaupo lang ako sa sofa at napa iisip sa kawalan pero wala naman lumalabas sa utak ko. My mind is blank. "Eto na po Mrs. De Guzman Thank you po." sambit ng babae pagka abot niya ng susi sa akin "Thank you miss " inabot ko naman agad iyon at binayaran ko agad ito, lumabas na agad ako sa shop nila, pumara ako ng taxi papunta sa Mall,buti na lamang at may napadaan sa gawi ko kaya nakasakay ako agad. Ng nasa Grocery na ako ay Kumuha lang ako ng sakto lang para sa isang linggo na pangangailangan namin, ayos lang na pa konti konti lang ang bilhin ko . Jah !! tawag ng boses lalaki sa akin agad ko hinanap kung saan nanggaling ang boses, at nakita ko ang bestfriend kong may kasamang maganda at sexy na babae. "Hoy! Lance! Aba binata na talaga ang bestfriend ko ah. Napakamot na lang siya sa ulo dahil sa sinabi ko. Tila nahiya ata ang mokong. "Shut up! Pinapahiya mo naman ko eh!" "Anyway Jah, si Hanna workmate ko, Hanna si Jah bff ko." "Hi nice to meet you hanna." inabot ko ang palad ko para makipag kamay sa kanya mukhang mabait naman itong si Hanna. "Nice to meet you din Jah." at ngumiti ito sa akin, kaya kita ko ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. "Sumama kana sa amin Jah, my treat mag mi meryenda kami." "Sure basta ba mabubusog ako," pagbibiro ko sa kanilang dalawa kaya napatawa si Lance ng malakas. "Takaw talaga!" "Shut up!" napangiti naman si Hanna dahil sa sinabi ko, at sabay sabay na kami na naglakad para mag merienda. ~JeMaria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD