Chapter 8

1931 Words
Karma "Having a child is one of the happiest parts of life, losing it is even more painful than the most painful you can ever experience." Wife Calling... Agad ko pinindot ang answer button na puno ng kaba ang aking dibdib, tila ba bigla akong pinagpawisan nang malapot dahil sa kaba. "H-hello L-loves " "Hello? Hello? Vino? Hello? Sunod-sunod na nagsalita ang nasa kabilang linya, boses pa lang ay nagulat na ako dahil hindi ang asawa ko ang may hawak ng kanyang cellphone . "Si John ito kapitbahay mo, kanina kapa namin tinatawagan. Asan ka ba ngayon ? Pumunta ka dito sa Howard Hospital bilisan mo." Walang preno niyang sabi sa akin, pagkarinig ko sa sinabi niya ay, tila na blanko ang utak ko sa sinabi ni john "H-hello! Vino ? Anjan ka pa ba?" "Hello!?" Na tauhan lang ako ng mag salita siya ulit na kulang na lang ay sigawan ako dahil sa inis at tawagin ang pangalan ko "H-Hello John p-papunta na ako. " Yun lang ang tanging lumabas na salita sa bibig ko , hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa sobrang pag-aalala ni hindi ko na nga na tanong kung ano ang nangyari sa aking asawa. Mas kinarera ang aking dibdib hindi lang dahil sa pag aalala kundi pati sa guilt, dali dali akong sumakay sa aking sasakyan at nag maneho papunta sa Howard hospital. Halos liparin ko na ang daan sa bilis ng aking pagpapatakbo maka rating lang agad kung nasad si Jah. Bumaba agad ako sa kotse pagkatapos kung mag park at dali daling pumasok sa loob, dumeretso ako sa Nurse station ng hospital, "Nurse kay Mrs.Haven Jah De Guzman" sambit ko sa nurse "Nasa ER po sir." Namutla ako sa aking narinig, bat nasa ER siya? Puno man ng tanong ang aking utak ay patakbo akong pumunta sa ER ng Hospital Nakita kong nan doon c Sheila at ang mister niyang si John. "Anong nangyari? " kinakabahan kong tanong sa kanila. "Dinugo ang asawa mo Vino, sinusubukan pa ng mga doktor na iligtas ang baby niyo." Hindi ako makapagsalita, nabingi ako sa narinig kong sabi ni shiela biglang may sumaksak sa puso ko sumikip ang dibdib ko, at sa sobrang sakit ay tila ng manhid ang buo kong katawan at tuloy tuloy ng tumulo ang mga luha ko. Napa upo ako sa upuan napahilamos ako sa aking mukha ni hindi ko nga alam na buntis na pala ang asawa ko, tapos ngayon magiging tatay na ako, babawiin naman agad sa akin, ang bilis ng karma nasa kalagitnaan ako ng aking pag iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng ER mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. "Are you the husband ?" deretsahang tanong ng doktor "Y-yes ,Doc kamusta po ang mag Ina ko?"umaasang tanong ko sa doctor "I'm sorry for your loss Hindi na namin naligtas ang bata if you excuse me,"at umalis na agad siya sa aking harapan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan hindi ko namalayan na tuloy tuloy ulit ang pag patak ng mga luha ko. "This is all my fault?"sumbat ko sa aking sarili. Hindi ko na napigilan, ay sinuntok ko ang pader hanggang sa dumugo ang kamay ko ngunit mas masakit ang puso ko dahil sa pagkamatay ng aking anghel. Tahimik lang naman nakatingin sa akin si Shiela at John at wala ibang magawa kundi ang nanlumo rin dahil sa sinabi ng doctor . Karma ko na siguro to dahil sa kagaguhan ko kanina sambit ko sa utak ko kailangan kong magpakatatag para sa asawa ko, kahit alam kong wala na akong lakas, kailangan kong magpanggap na malakas kahit hinanghina na ako. Nasaktan man ako mas labis na sakit ang nararamdaman ng asawa ko ngayon lalo pa at siya ang ina dinaladala niya ang aming angel sa kanyang sinapupunan. Ilang minuto pa ang lumipas at nailipat na c Jah sa ibang kwarto, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ng walang guilt na nararamdaman, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala na ang anak namin. Ngunit wala akong choice kundi harapin siya at damayan ng sabay ang problema naming mag asawa, lubos ng ulila c Jah ng magkakilala kami kaya mas kailangan niya ako ngayon at sa mga susunod pang panahon ng buhay niya bilang kanyang asawa responsibilidad ko siya. Kasalukuyan kong binabantayan c Jah dito sa kwarto niya mahimbing ang kanyang tulog, hinaplos ko ang kanyang buhok, at ang kanyang pisngi nasa simula palang kami ng pagsasama bilang mag asawa pero binabato na kami ng maraming pagsubok, sana ay hindi kaming dalawa sumuko at mas tumatag pa ang aming samahan, pero paano naman ito tatatag kung puno ako ng lihim sa kanya. Ang hirap, ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay kasama siya at ang magiging anak namin, pero bored ata ang tadhana at kami ang napiling paglaruan, ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko, ng bigla siyang nagising. Namumungay na inimulat niya ang kayang mga mata at dahan dahan na inilibot ang kanyang tingin sa paligid. "L-Loves a-asan ako?" tanong niya sabay biglang hawak sa tiyan niya. Tila bigla ay umurong ang dila ko at hindi ako naka sagot sa simpleng tanong niya sa akin. "M-magkaka anak na t-tayo Vino." kimi siyang ngumiti habang naka tingin sa akin. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko, kaya agad siyang na alarma. "S-si B-baby kamusta si baby loves? O-okay lang ba siya loves? Okay lang ba si B-baby ?" ng ibuka ko ang aking bibig ay biglang umurong ang dila ko dahilan kung bakit hindi ko siya nasagot. Dahil sa aking reaksyon at biglang nalukot ang kanyang itsura, wala pa akong sinabi ay tila alam na niya ang masamang nangyari, unti unting naglaglagan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Hindi parin ako nagsalita wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit at iparamdam sa kanyang nandito lang ako sa tabi niya panay ang hagulgul niya inalo ko siya sa kanyang pag iyak. "Ang baby natin! Bakit? Bakit Vino?? Hindi pa nga natin siya nakikita, kinuha na agad siya sa atin!" "S-shhh tama na Loves kasama na niya si mama at papa." Sa wakas nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita at aluin siya. "Masama ba ako? Bakit ako ang pinaparusahan? Bakit ako ang laging iniiwan? Si Mama si Papa si Lolo at lola , tapos ngayon ang anak na naman natin? Am I not deserving to be Happy?" "T-tahan na loves nandito lang ako para sayo. W-we can still t-try." "Baka isang araw magising nalang ako iniwan mo na ako at ipinag palit sa iba !" Nakaramdam naman ako ng awa para sa misis ko. "I was born for you Jah. Without you I will die." Mas humagulgul pa siya ng lalo pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. "Maghihilom din ang mga sugat natin loves." "No!" ang baby natin hindi pa nga natin siya na hahawakan! B-bakit? kinuha agad siya sa atin? Bakit Loves? Bakit ba ganito? Kahit kailan ay hindi maghihilom ang sugat sa puso ko dahil sa pagkawala niya." "Sshhhh tama na Loves makakasama sayo ang sobrang pag iyak ,may dahilan ang Diyos kung bakit niya kinuha ang anak natin agad magtiwala lang tayo sa kanya." gusto kong sampalin ang sarili ko ng sabihin ko ang mga katagang iyon kay Jah, dahil ako ang dahilan kung bakit nawala ang anak namin kasalanan ko ang lahat ng ito! "Hindi! Ayoko! Ayoko Tanggapin! Kahit kailan hindi ko matatanggap na wala na siya! Its easy for you to say that dahil hindi ikaw ang nabuntis, hindi ikaw! Kaya wag mo akong pilitin na kalimutan siya!" galit niyang sagot sa akin. Hindi na ako umiik pa baka mas lumalala lang ang depression ng asawa ko. I am guilty, kasalanan ko naman talaga ang lahat ng ito, karma ko to. Patuloy pa ang pag hagulgul niya wala akong ibang magawa kundi ang lihim na sisihin ang sarili ko sa mga nangyari kung sana hindi ako nakipag kita ky Lea at napuntahan ko c Jah agad, kung nasagot ko ang tawag niya, sana, sana buhay pa ang baby namin, ni hindi ko man lang alam na magiging tatay na pala ako, at dahil iyon sa kagaguhan ko. Niyakap ko ng mahigpit ang asawa ko at tahimik na umiyak. Hinagod ko ang kanyang likod ng kahit papaano ay maikalma niya ang kanyang sarili . Kailangan kong umaktong malakas para sa asawa ko kahit ang totoo ay gusto kung sakalin ang sarili ko dahil sa katangahan at ka tontohan ko . Ilang araw pa ang nilagi namin sa hospital upang makapag pahinga ang asawa ko, pagkatapos ng ilang araw ay nakalabas na si Jah l at maayos naman ang lagay niya. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko na gaanong nakikita siyang palaging umiiyak, unti-unti naman niyang natanggap ang pagkawala ng anak namin pinabayaan ko nalang muna siyang mag trabaho ng hindi siya mag isa sa bahay sigurado akong mas masistress siya kapag nag isa siya sa bahay at walang kausap, kahit na pumapasok siya sa trabaho at pinapakitang ayos lang siya ay di ko maiwasang mag alala , ipina schedule ko rin siya sa kakilala kong Psychiatrist upang mag under go siya ng counseling, at di siya malunod sa depression, and because of that tuluyan na siyang naka recover, wala akong magawa, hanggang ngayon ay guilty parin ako sa pagkamatay ng anak namin, isang maling galaw ko at malaki ang balik sa pamilya ko. Totoo nga ang karma at kasalukuyan ako nitong pinaparusahan ngayon sa gabi kapag tulog na tulog na si Jah ay hindi ako makatulog dahil inuusig ako ng konsensya ko, palagi kong naiisip ang anak ko, may mga panahon binabangungut ako na iyak ng baby o di naman kaya ay paulit ulit akong sinisi ni Jah galit na galit siya sa panaginip ko lagi niyang sinasabi na kasalanan ko ang pagkamatay ng anak namin, lalo na kapag hindi ako lasing na natutulog, kaya nagpapaka lulunod akong sa alak nilulunod ko ang sarili ,paraan ko ito upang kahit papaano ay naibsan ang sakit na aking nararamdaman at kahit papaano ay dalawin ako ng antok at makapag pahinga ang utak ko sa umaga naman ay maaga akong gigising na parang walang nangyari upang hindi makapagbigay ng stress sa asawa ko . Maayos na nagdaan ang mga araw at buwan ay naging maayos na din si Jah bumalik na ang dating sigla ng asawa ko, nakatulong ng malaki ang counseling niya upang mapadali ang kanyang pagtanggap sa mga pangyayari samantalang ako ay hindi pa rin makatulog sa gabi panay pa rin ang inom ko para makatulog kahit si Jah ay panay na ang tanong sa aking kung bakit ako umiinom gabi gabi, natatakot akong aminin sa kanya na ng kita kami ng ex ko dahil hindi ko kayang mawala sila sa piling ko, siya lang ang nagbibigay sa akin ngayon ng konting pag asa, baka kapag nawala siya ay hindi ko na kakayanin pang mabuhay, ang presenya niya sa aking tabi ay sapat na upang ipagpatuloy ko pa ang walang kwenta kong buhay, kahit na wala akong sinabi sa kanya ay alam ko nag aalala ang asawa ko sa akin. May mga hating gabi na nagigising siya na wala ako sa tabi niya, at naabutan niya akong umiinom parin ng mag isa o di kaya ay nakatulog na sa sofa dahil sa sobrang kalasingan. Ilang ulit niya na akong tinanong kung bakit ako umiinom ngunit sinabi ko na pampatulog lamang iyon dahil pagod ako sa trabaho. ~JeMaria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD