Chapter 9

1917 Words
Regrets "Healing is a day to day process, you can't just forget what happened and move on in just one snap of a finger." "In order for you to heal, you should learn to forgive yourself." Sa mga buwan na lumipas ay muling nag patuloy ang aming buhay hindi kami maaring tumigil dahil tuloy tuloy ang takbo ng mundo, hindi hihinto ang mundo para sa iyo, narito pa rin ang sakit sa kaibuturan ng aming mga puso, patuloy na nananalaytay sa aming mga ugat, at kailanman ay hindi kayang kalimutan ng aming sistema, despite the fact that we lost our little angel we shouldn't give up ,we should still fight for our own good, to survive our day to day life and to fulfill our future plans, hindi pa naman huli ang lahat para sa amin pwede pa kaming sumubok ulit, mabuhay man ang takot sa aming puso at lamunin ng pangamba ang bawat katiting na kinakapitan naming pag asa, ay hindi kami padadaig sa mga ito. Bahala na kung anong mang pwedeng mangyari sa hinaharap. Ipakita ko man sa harap ng asawa kong ayos lang ang ako, ay hindi ko ma itatago sa sarili ko na naiwan pa rin ako sa anino ng nakaraan. Wala akong ibang ginawa kundi uminom ng uminom ng uminom sa bawat gabing dumadaman ay wala akong palya sa pagpapakalasing , kaya napapansin na din ng asawa ko ang ginagawa ko. Nagtatrabaho ako sa umaga ubusin ang oras ko sa loob ng opisina pagkatapos ay dederetso akong umuwi sa bahay ang gagawin ko naman pagkauwi sa bahay ay Iinom na lang ako ng iinom ng iinom, nakakain man ng hapunan o hindi, hanggang sa makatulog ako sa sobrang kalasingan Isang beses ay nag pupunta ako sa bar at doon nagpakalasing hanggang sa di na ako makatayo at makapag drive pauwi buti nalang at nanjan si andrew para lagi akong ihatid pauwi sa bahay, walang kahit isang salita akong narinig kay Jah nung araw na iyon, I expected her to get angry with me, at talakan ako pagkagising ko, pero hindi iyon ang nangyari, i woke up early the other morning na wala si Jah sa tabi ko, and when I find her, I found her cooking in the kitchen, ipinag luto niya pa ako ng sabaw para mahimasmasan daw ako sa hangover ko and handed me the medicine, for my headache. She's tough days after what happened after ng counseling niya, she fixed her self, slowly picking up her broken pieces back to its places, at unti unti na siyang nakabalik sa dati, she's so brave at hindi niya hinayaang ma lugmok siya sa mga nangyari, that's why I love her so much, alam ng mga kaibigan ko ang mga nangyari noong gabing iyon nang gabing nawala ang anak namin ni Jah, na suntok pa ako ni Geo dahil sa galit at katangahan ko punong puno sila ng panghihinayang dahil sa nawalang buhay ng anak ko, kahit ako man ay ganun din ang nararamdaman ,at paulit ulit na isinisi sa aking sarili ang mga nangyari, karma ko ito eh karama ko itong mga paghihirap ko ngayon. Ang asawa ko naman ay andito parin sa tabi ko at hindi ako kailanman iniwan, siya lang na kinapitan ko sa mga lumipas na araw laking pasasalamat ko sa kanya dahil hindi siya nagsawa na alagaan ako araw araw sa mga panahon na ihahatid ako ni andrew na halos hindi na makatayo anjan siya para bihisan ako at alagaan ako hindi siya nag sasalita hindi niya ako inaaway dahil sa pag inom ko nag tatanong lamang siya sa akin kung ano ang problema kapag wala naman akong sagot ay hindi na siya nagpupumilit pa sa akin, pero alam ko tao lang din ang misis ko at may hangganan din ang kanyang pasensya. Nagpapasalamat ako at nakayanan nya at nakabangun sya sa pagkakalugmok, pero ako sa tingin ko hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa kagaguhan at maling desisyon ko sa buhay. "Pre tama na nga yan hindi mawala ang problema mo kahit uminom ka,"pagpuna sa akin ni Geo. "Hindi mawawala pero kayang tabunan ng pait ng alak ang sakit pare!" natatawa kong sabi sa kanya "Kailan mo ba balak umusad pare? Kung wala na si Jah sa tabi mo?" napaisip ako bigla sa sinabi niya hindi ako sumagot at itinuon lang ang tingin sa baso ng alak na aking hawak, "Oo nga dude, wag mong hintayin na mupuno ang asawa mo sayo sa halip na mag iinom ka gabi gabi ay umuwi ka na lang sa inyo at ituon ang sarili mo sa asawa mo." sabi ulit ni Geo "Hindi pa huli ang lahat bro, hindi pa end of the world. " singit naman ni Andrew kahit anong sabihin nila ay tila sarado ang utak ko sa lahat inisang lagok ko ang alak na laman ng baso ko "J-just shut up! wag ninyo akong pakialaman! " "Ayan ka nanaman dude ang hirap mong kausap kaya ka ng kaka problema dahil sa katigasan niyang ulo mo!" "bahala ka sa buhay mo!" Tumayo so Geo at nauna nang umuwi sa amin , samantalang tamihik lang sa tabi ko si Andrew at hindi nag salita. "Dude i think you should listen to Geo, if you keep on doing this to your wife, you'll wake up one day na wala na siya sa tabi mo."nag init ang ulo sa narinig "Stop talking, I don't wanna hear it Drew!" madiin ang pagkasabi ko sa mga salitang yun "Hi babe!" biglang sambit ng boses sa harapan namin ng lingunin ko ito ay nakita ko si Lea na mariing naka ngiti sa akin dahil sa inis ko ky Andrew ay malandi ko naman ito sinagot. "Hi, Babe! Long time no see ah ." "Yes kakauwi ko lang, so how are you?" sabay himas niya sa braso ko. "Doing good, how about you Lea?" "I'm great! Buti nakita kita dito, wala pa kasi yung mga friends ko," tumabi siya sa akin ng upo, "You can stay here while you're waiting for them." "Really? awww you're still the same Vino back then,"malanding sabi niya sabay haplos sa buhok ko. Nakangiti pa ako pabalik sa kanya ng biglang may malakas na pag bagsak kaming narinig sa gilid ko. Malakas at padabog na ibinagsak ni Andrew ang baso sa lamesa, halatang nagpipigil ng galit ang mukha niya. "Kung hindi kapa uuwi, mauna na ako, marami pa akong gagawin!" madiin niyang sabi sa akin na hindi man lang ako sinulyapan ng tingin. "Just go!" sagot ko naman sa kanya na animoy walang paki alam marami kaming napag usapan ni Lea, uminom na rin siya kasama ko dahil natagalan ang mga kaibigan niya, kahit medyo tipsy na ako ay pansin ko ang bawat pahapyaw niyang pag haplos, at pagiging clingy sa akin, kaya ng dumating ang mga kaibigan niya ay nagpaalam na akong uuwi na ako . Lumalalim na ang gabi at may pasok pa ako bukas . "I have to go Lea.'' "Awww aalis kana, sayang naman," naka nguso niyang sabi sa akin. "Maybe next time. May trabaho pa ako bukas ." "Okay? Bye Vino ." Umalis na akoat lasing na nagmaneho ng sasakyan ko pauwi ng bahay. -Jah- Alas onse na ng gabi ng marinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay Pasuray suray siyang ng lakad papasok sa loob ng bahay. Halos magkanda dapa dapa na siya habang papasok sa loob , wala si andrew at laking pasasalamat ko naka uwi siya sa bahay ng hindi na aksidente , ngunit kahit gaano ko pa siya intindihin ay may limitasyon ang aking kabaitan tulad nga ng sabi nila, "Kapag napuno na ang salok at kailangan ng kalusin." Punong puno na ako at sagad na ang pasensya ko sa kanya mahal na mahal ko siya, saksi ang Diyos kung paano ko pinilit lumaban sa sakit na nararamdaman ko dahil alam kong nanjan pa siya sa aking tabi, hindi pwede na lagi na lang siyang ganito lumipas na ang mga araw at ang nangyari sa nakaraan ay hindi na namin maibabalik pang muli kailangan naming umusad sa buhay dahil hindi pa ito ang katapusan ng mundo . "Ano ba Vino! Lasing ka nanaman? Wala ka nabang balak tumigil sa pag inom mo? Hindi ka naman ganyan dati ah! Ano ba talaga ang problema mo? Asawa mo ako Vino pwede mong sabihin sa akin lahat ng problema mo." Sumabog na ang ilang buwan kong tiniis na pagtitimpi sa kanya kaya wala ng preno ang bibig ko. "Pabayaan mo ako Jah, Pabayaan mo akong lunurin ang sarili ko sa alak!" "Simula ng mawala ang anak natin Wala ka ng inaatupag gabi gabi kundi ang uminom Vino ano ba! Mag move on kana! paano matatahimik ang anak natin kung ayaw mo mag move on!" "Sinabi ng pabayaan mo ako!" Galit niyang sabi at biglang binato ang florerang hinawakan niya na nakapatong sa lamesa na nasa tabi niya, umalingawngaw iyong sa buong bahayan at nagkalat ang pira pirasong basag na bubog sa sahig. Hindi pa siya na kuntento ay pinag diskitahan din niya ang iba pang nakapatong doon at isa isang binato sa loob ng bahay ang mga kalansing ng mga nababasag na gamit ay naging katakot takot sa aking pandinig dahilan kung bakit bigla napatakip ang aking palad sa aking dalawang tenga. Na tila pinipigilang marinig muli ang mga tunog nito. Nanginig ako sa kanyang ginawa kailanman ay hindi ko nakita ang ganitong side ni Vino kahit noon pa, binalot ng kaba ang aking dibdib at napaatras ako papalayo sa kanyang kinatatayuan nang muli siyang magsalita . "Dahil dito sa pag inom ko sa pag papakalasing ko, hindi ko nararamdaman ang sakit dito sa puso ko, ng dahil sa akin nawala ang anak natin. " Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinisisi ang sarili niya sa pagkawala ng anak namin, ngayong alam naman niya na mahina ang kapit ng bata, dahilan kung bakit hindi nito na kayang mag survive sa sinapupunan ko. "Vino naman wala kang kasalanan aksidente ang nangyari, mahina ang kapit ng bata. Wag ka naman ganyan asawa ko ,kailangan din naman kita Tinulungan mo akong magpakatatag sa pagka wala niya sana naman tulungan mo din yang sarili mo,nandito pa ako Vino nandito pa ako! Kailangan kita sa buhay ko Vino!" sabay hagulgol ko, hindi ko na napigilan ang pag iyak dahil ilang buwan ko na itong tinitiis at pinipigilan lumabas sa mga mata ko, nang mapatingin ako sa kanyang mga mata ay nakita kong tumulo din ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Dahan dahan ay lumapit siya akin at, hinawakan niya ang dalawang balikat ko, habang umiiyak ngayon ang mister ko sa harap ko, hinila niya ako at mahigpit akong niyakap ng kanyang mga bisig. I can feel his warm embrace hugging not only my body but also my soul. "Jah kapag nagka baby na tayo kapag naging tatay na ako pangako , ititigil ko na itong pag inom ko, itong kahibangan ko, pero sa ngayon pabayaan mo muna ako." Para akong literal na sinaksak ng marinig ko ang mga katagang yon mula sa mga labi niya i know his longing for a baby, and i'm always here to give him what he want, but i'm not yet ready, i'm scared, im scared na baka kunin nanaman siya sa akin ng hindi ko man lang nahahawakan, pero sige para sa kanya, in order to make him happy, I can try again. We can try. I will try to give him what he want.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD