Chapter 10

1605 Words
Betrayal "There are times in your life when you are smiling in front of everybody, but you know in yourself there is something missing in your life" . "Betrayal is one of the worst things a wife could ever experience." Sa loob ng apat na taon ang pasasama namin ni vino ay masasabi ko namang masaya pero hindi ma ikakailang, "MAY KULANG" May mga panahon na nararamdaman kung hindi siya masaya kahit ako man nakakaramdam din ng lungkot at pangungulila. Kahit hindi niya sabihin alam kong na iinggit siya sa mga kuya niyang may anak na. Ibang iba ang tawa niya kapag may mga salo-salo ang pamilya at anjan ang mga pamangkin nya . Panay pa rin naman ang pagiging lasinggero niya ngunit hindi na tulad ng dati dahil kahit pa umiinom siya ay hindi naman siya nagkukulang sa akin ginagampanan naman niya ng maayos ang kanyang mga responsibilidad bilang isang asawa, Nagtatrabaho padin ako kasi ayokong ma stress sa bahay dahil palagi akong mag isa, nawawala ang stress ko kapag marami akong ginagawa sa trabaho, na wiwili ako sa mga ka trabaho ko lalo na't mga bibo din ito habang nagtatrabaho. Wala akong pasok ngayon, day off ko sa trabaho, wala akong magawa sa bahay dahil tapos na akong mag linis, napangiti ako ng may na isipan akong gawin, since wala naman akong magawa magandang ideya ito, tiningnan ko ang aking pambisig na relo 10:00 am pa pala ng umaga. Napangiti ako dahil sa namuong idea sa aking utak. Naisipan kong ipaghanda ang aking mister ng lunch ihahatid ko ito sa Cafebella, Pochero lang ang niluto ko at Buttered chicken, gusto ko siyang surpresahin ngayon . Pangiti ngiti pa ako habang inihahanda ang kanyang tanghalian sigurado akong magugustuhan niya ito, matapos kong tingnan na luto na ang huling putahe na niluluto ko ay ini-off ko na ang stove, at nilagay sa lalagyan ang niluto ko , saktong sakto para sa tanghalian, mainit init pa ito pagdating ko sa Cafebella 11:10. Ng matapos aking magbalot ng lahat ng aking dadalhin nag shower at nagbihis lang ako ng simpleng white knee length off shoulder dress bitbit ko ang pananghalian ni Vino at naglakad na ako palabas ng bahay, nagmadali akong pumara ng taxi papunta sa Cafebella 12nn ang lunch break ni mister. Pagkarating ko sa cafe kaka baba ko lamang sa taxi na aking sinakyan at gagawin pa lang ang isa kong hakbang ng mapatingin ako sa aking harapan, tila nanigas ako sa aking kinatatayuan mariing bumigat ang aking dibdib kasabay ng aking mga paa, sanhi kung bakit hindi ko ito gawang maihakbang ulit papasok sa loob ng cafe, nakatutok ang aking buong atensyon sa kabilang bahagi ng salamin sa loob ng cafebella, nakita ko ang dalawang pigura ng babae at lalaki. Ang lalaki ay nakaakbay ang kanyang isang braso sa balikat babae at ang babae naman ay nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang ng lalaki papasok na sila sa staff room ng maabutan ng mga mata ko ang landian nilang dalawa. "Vino !" mahina kong sambit ng pangalan niya dama ko na tila may bumara sa aking lalamunan iniyukom ko ang aking kamay, namumutawi ang galit sa aking buong systema. Tila gusto kong ihambalos sa pag mumukha ng dalawa ang dala kong lunch box sakto at mainit init pa ang laman nito. Nais ko man murahiin at sigawan silang dalawa ay hindi ko ginawa ikinalma ko ang aking sarili. Nanginginig sa inis ang katawan ko. Hindi ako ng papa daig sa galit, kailangan kong ma kumpirma kung tama ba ang aking hinala. Huminga ako ng maluwag at nakangiting pumasok sa cafe, yeah magaling naman ako sa actingan nung collage kaya try kong e apply ngayon. Nakita ako ni Dahlia isa sa mga kaibigan ko manager na Cafebella kumaway ako sa kanya, tila na bigla siya sa aking pag dating ngunit hindi niya ito ipinapakita at mabilis na napalis ang emosyong namumutawi sa kanyang mata kani kanina lang, lumapit siya akin. " Jah !" nakangiti niyang bati sa akin "Buti at napadaan ka." Ang pagbati niya sa akin ngayon at taliwas sa expression nakita ko sa kanya kanina, na tila may kabang namumutawi sa kanyang katawan. ngumiti ako ulit ng matamis " Ah oo hahatid ko sana itong lunch sa mister ko." Nangungusap ang kanyang mga mata na may gusto sabihin ngunit di niya masabi. Bigla niya hinawakan ang isa kong kamay at pinisil ito na parang may nais sabihin nabigla ako ngunit hindi ko ipinahalata . Sandali lang tatawagin ko lang si Vino. sambit niya at dali daling umalis si Dahlia, ipinamana sa amin ang cafe ng yumaong lolo ni Vino gustong gusto ako ng matanda para sa apo niya unang kita palang niya sa akin ay welcome na welcome ako sa kanilang bahay, tinanong panga nito kung kelan ba namin balak magpakasal. Ng mag desisyon kaming mag pakasal ng aking asawa ay ipinama ni Lolo Jose ang Cafe na ito at ipinagbilin sa asawa ko na huwag na huwag akong sasaktan at mahalin ako ng lubos katulad ng pag mamahal ni lolo ky Lola Rita maraming masasayang alala ang cafe na ito sa pag buo nito ay kasabay ang love story ni lolo at lola kay a importante para sa amin ang cafe na ito. "My loves, kanina kapa?"nabalik ako sa aking kaisipan ng tawagin ako ng mister ko. "hindi naman sakto lang ang pagdating ko." (Sakto lang na masaksihan ko ang kalandian mong punyeta ka) sabat ng isip ko. "Dinalhan kita ng lunch," nakangiti kong saad. (Araw araw kitang dadalhan makita mo !?) Tara sa office tayo at hinawakan niya ang kamay ko, napasulyap pa ako sa kamay naming magkahawak, ito din yung kamay niyang iniakbay niya sa kalandian niya kanina, gustong gusto kong hilain ang kamay ko pabalik pero hindi ko ginawa dahil alam kong magtataka siya, bago ako nakapasok sa opisina niya ay nakita kong nakatitig sa amin ang kabit niya kung tama ang hinala ko, pakunwariy wala akong nakita at di ko siya tiningnan hindi sila pwedeng mag hinala sa akin na may alam na ako kailangan ko muna makasiguro bago ko siya komprontahin. Maayos naming natapos ang lunch ng hindi nag aaway panay ang ngiti niya sa akin na animoy walang ginawang kasalanan nagkwentuhan pa kami habang kumakain, "Late na ako makakauwi mamaya Loves, "sambit nya "bakit? " mariing akong napatingin deretka sa kanyang mga mata, habang seryoso kong siyang tinanong. "M-may tatapusin lang ako dito sa office." utal niyang saad "Okay mag iingat ka hah i love you my loves," at ngitian ko siya ng pagka tamis tamis. "Sige aalis na ako baka marami kapang gagawin,"at hinalikan ko sya sa labi bago umalis. Nandito ako ngayon sa bahay naka upo sa sofa dito sa sala 4pm na hindi ako mapakali sa gagawin ko iba ang kutob ko, women instinct ata to, ng hindi ko na talaga natiis ay dali-dali akong nag bihis ng damit, nag madali ako magpunta sa bahay ni Shiela "Oh Jah! ano naman masamang hangin ang nadala sayo dito?natawa ako sa sinabi niya at siya naman ay napahalakhak. "Tarantada ka talaga! Pahiram muna ng kotse mo, may importante lang akong lalakarin." Shiela is my second cousin . "Bumili ka na kasi ng sasakyan bebe gurl!" "Peste to hindi mo ako bebe gurl! " napa buhakhak naman siya pagkasabi ko noon "Catch! Dahan dahan sa pagmamaneho !" "Thank you Keroppi!" "Sigaw ko sabay labas ng gate nila " "Ampota! Wag ka nang humiram ulit Peppa pig!" galit na galit niyang sigaw sa akin mula sa loob ng kanila bahay. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ni Shiela at nagmaneho papunta sa pupuntahan ko, 4:30 na ng dumating ako sa lugar hindi ako nag park sa harapan o parking area ng Cafebella, hiniram ko ang kotse ni Shiela upang mas madali para sa akin na sundan ang mister ko kung saan man siya pupunta ngayon, buti nalang at walang lakad ang aking kaibigan kaya na ipahiram niya sa akin ang kanilang sasakyan andito ako ngayon naka parada sa may gilid ng kalsada di kalayuan sa may Cafebella inaabangan kong lumabas ang mister ko. Lihim na nananalangin na sana ay mali ang aking kutob sa dalawa. Pagkatapos ng 30 minutos ay nakita ko na ang asawa ko na papalabas na sa cafe, sumakay agad siya sa kotse at sumunod namang lumabas sa pintuan ng Cafebellah ang manlandi niyang kabit . Mahigpit akong napahawak sa manibela ng sasakyang hiniram ko, para akong literal na sinaksak ng makita ko ang kabit niyang sumakay sa kotse namin, biglang sumikip ang aking paghinga at ramdam kong parang pinipiga ang aking puso, ramdam ko ang pagbara sa aking lalamunan, ngunit pinigilan kong maiyak dahil kailangan ko pa silang masundan, masakit man isipin mukhang tama ang hinala ko, ikinalma ko ang aking sarili dahil kung hindi ko iyon gagawin ay baka maibangga ko itong sasakyan sa kanilang sinasakyang kotse. Umandar ang kanilang sasakyan at mabilis na umalis sa parking lot ng Cafebellah ako naman ay dali dali kong pinaandar ang kotse, sinundan ko sila at ilang minuto pa ay, nag park sila sa Z bar, isa sa mga sikat na bar dito sa Polomolok City magka sabay silang pumasok sa loob ng bar inakay ng mister ko ang kabit niya, naka akbay pa ang isang kamay nito habang papasok sila sa loob ng bar. Aba! kung hindi alam ng nakatingin sa kanila na may asawa na ang mister ko siguradong napagkakamalan silang mag kasintahan, sa sobrang kasweetan sa isa't isa, Dali-dali akong bumaba upang sundan silang dalawa at halos madapa na ako masundan lang sila na nauna ng pumasok sa loob ng bar. ~JeMaria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD