Insecurities
"Losing My Knight."
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng Z bar ay ang malakas ang tugtug ng maingay na musika sa loob ng bar ang bumungad sa akin ibat ibang ilaw masakit sa mata, nakakahilo at nakakaduling ang ibat ibang kulay ng ilaw na patay sinding lumulukob sa paligid.
Mula sa bungad ng pinto ay mabilis akong nag lakad papasok sa loob at dali daling naghanap ng pinaka magandang pwesto na malinaw kong matatanaw kung paano sila mag landian dalawa, umupo ako sa pinaka magandang pwesto na sa tingin ko ay hindi nila ako mapapansin.
Parang tanga ako dito na mag isang naka upo at unti unting pinapatay ang aking sarili.
Ngayon ko lamang din nalaman sa aking sarili na isa pala akong malaking masokista.
Nilibot ko ang aking paningin, at doon ko napansin na karamihan sa mga tao sa loob ng bar ay may kanya kanya ding mundo, ang iba ay hatala namang balak ubusin ang buong oras ng gabi nila sa pagsasaya at may iba naman na katulad ko ring mag isang umiinom na tila may problema din dala dala.
Ilang minuto ko ng pinagmamasdan ang ginagawa nila sa sofa na kanilang inukopa, tila napakasaya nilang dalawa tingnan na animoy walang nagtataksil sa kanila at wala silang mga kasalanan, kung iisipin mo nga kapag pinagmasdan mo silang dalawa ay para silang bagong kasal na eneenjoy ang bawat sandali na sila ay magkasama.
Panay tawanan at landian, napangiwi na lamang ako sa aking nakikita, ramdan ko ulit ang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan, at ang literal na pag piga sa aking puso, ang saya, ang saya saya nila, kung isa lang akong normal na tipikal na babae, o sabihin na nating kung ako lang yung Jah noon ay sigurado akong kanina ko pa dapat sinugod ang dalawa at iningudngud sa semento ang mukha ng babaeng kanina pa kumakandong sa mister ko.
Pero hindi na ako ganun, hindi na ako ang dating Jah, simula ng dumating si Vino sa buhay ko ay pinaramdam niya sa akin, na di ko na kailangan makipag away o ipagtanggol ang sarili ko dahil nandyan siya para ipagtanggol ako, nandyan siya para protektahan ako sa mga taong balak manakit sa akin, pero ngayon asan na? Asan na ang tagapagtanggol ko?
I never thought in my entire married life na magagawa niya ito sa akin, dahil naniwala ako na siya na iyon siya na iyong hiniling ko sa itaas.
Isa pa ay ayokong kong bahidan ang maganda at malinis kong mga kamay ng ruming taglay nila, ayokong matalo ng harap harapan sa laban na hindi ko alam kung kaya kong ipanalo, kung tutuusin nga pwede ko na silang kunan ng litrato ngayon at sampahan ng kaso para makulong sila, sigurado akong malaki ang laban ko doon pero di ko yung gagawin, hindi ako susuko at lalaban ako sa paraang alam ko, ako ang original kaya hindi pwedeng hindi ako lumaban hindi man ng harap harapan, pero si siguraduhin kong mababawi ko ang mister ko, hindi ko bibigyan ang babaeng yan ng prebeleheyong makita ang inis kong mukha dahil sa inagaw niya sa aking ang aking asawa, siguro nga ay totoong nagkakaubusan na ng lalaki kasi yung iba nakikisawsaw na sa ibang alam nilang mayroon ng nag mamayari.
Maliban sa dalawa ay may iba pa silang mga kasama na nakaupo din sa table na kanilang inukupa pero hindi ko na kilala ang mga iyon, panay din ang mga ngiti ng mga ito mukhang mayroon silang pinag uusapang nakakatuwa sa kanila.
"Hi miss, can I join you?"
tanong ng kakalapit lang na matipunong lalaki sa aking harapan singkit ang mga mata nito at maputing kutis, mga tipong pang modelo ang itsura, na hindi makuntento sa isang babae.
"No."
mabilis kong sagot sa kanya,
tila naman na dismaya siya sa aking sinabi at napa tiim bagang pa ng umalis sa aking harapan, dahil kanina pa ako ng iisa dito ay hindi rin maiiwasan may mga lumalapit at sinusubukan na makipag flirt sa akin, ang iba ay gustong kunin ang aking number pero, agad na sinasabihan ko silang wala akong cellphone at hindi ako interesado, kapag mahangin naman ang kumausap sa akin ay tinatarayan ko naman agad upang tumigil agad sa kagaguhan nila at layuan ako,
ang tingin ng mga mata ko ay naka focus lang sa taksil kong mister.
Ng makadama silang dalawa ng pagkabagot ay sabay silang tumayo at nag sayaw sa dance floor, panay ang giling ng linta sa harap ng aking mister tila ng aakit pa ng lalo, ang mister ko naman ay gustong gusto din ang kanyang ginagawa, mas idinikit pa tuloy ng linta ang kanyang katawan sa katawan ng aking mister, naikinangisi naman ng mister kong hayop, tila ng ngitngit ako sa galit konti nalang ata at mag didilim na ang aking paningin sa kanilang dalawa, baka makapatay ako ngayong gabi, pero hindi ito maaari diretso kong itinungga ang isang shot ng aking inumin upang maibaling sa iba ang aking atensyon, napangiwi ako ng dumaloy ang init sa aking lalamunan at mas na lasahan ko ngayon ang pait nito sa aking labi, ng mapagod sila at sabay din silang bumalik sa upuan na kanilang inukupa. Umupo ang mister ko sa coach at
kumalong sa kanya ang malanding babaeng linta, halatang tinamaan na ng espiritu ng alak ang dalawa dahil mas
lumala pa ang harutan nila sa isat isa kaysa kanina. Napuno ng galit ang katawan ko, iniyukom ko ang aking mga palad at pigil na kinagat ang aking labi upang hindi ako maiyak.
Ganito lang ba kadali niya sayangin ang mga pinagsamahan naming mag asawa sa ilang taon?
Lahat ng pangako niya sa akin ay siya lang din ang nag pako.
Nakita kong hinalikan siya ng babae at sarap na sarap naman siya sa mga halik nito, mariing hinawakan niya pa ito sa magkabilang pisngi upang mas lalong lumalim ang halikan nilang dalawa.
Tawagin na akong masokista pero tila blangko ang utak kong nakatingin sa kanila nanigas ako at hindi ako maka kilos sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Literal kong dama ang pag saksak sa puso ko yung tipong ginutay gutay ito sa sakit.
Nang hindi na sila makapag pigil ay magkasabay na tumayo ang dalawa at pumasok sa isang private room na may kulay pulang pintuan.
Mukhang alam ko na ang gagawin nila doon.
Iniyukom kong muli ang palad ko umaasang hindi ko mararamdaman ang sakit sa puso ko.
Ngayon ko tinanong ang sarili ko.
Saan ba ako nagkulang?
Mahal niya pa kaya ako?
o baka,
hindi na niya ako mahal?
Hindi na ba siya masaya sa piling ko?
Ang pangit ko naba?
Hindi ba ako sexy sa paningin niya?
Hindi ba ako magaling sa kama?
Paano ba maging magaling?
Hindi pa ba ako sapat?
Baka tinotoo niya na ang sabi niyang noon na naghahanap siya ng ibang maaanakan?
Dahil sa apat na taon na at wala parin kaming na bubuo. Pero hindi ko naman kasalanan ang nangyari.
Parang maluluha na ako sa kakaisip Napuno na ata ako ng insecurities sa katawan dahil sa mga nangyayari ngayon.
Napuno ako ng mga tanong na walang kasagutan.
Tinungga ko ang Bote ng alak na malapit ng maubos, kanina ko pa dito tinutuon ang aking atensyon sa sobrang frustration nababaliw na ata ako.
Ng naubos ko ang iniinom ko ay
dali dali akong tumayo para makalabas ng bar, gusto ko munang mag isip, mahal na mahal ko si Vino ayoko mawala siya sa akin magpapakamartir muna ako kahit ngayon lang.
Wala namang masama diba?
Wala namang masama kung subukan ko muna?
Bago ko, sukuan?
May na isip na akong plano, i will try to win him back ang kailangan ko lang talaga ngayon ay ang hugutin lahat ng pasensya na mahuhugot ko upang hindi sya tuluyang mawala sa akin.
Ako pa rin ang legal wife!
Bali baliktarin man sa mata ng tao at mata ng Diyos ako lang ang asawa at ako lang ang tunay na asawa!
Hindi pwedeng sumuko ako agad.
Babawiin ko ang dapat ay sa akin.
Tumayo ako dahil napagpasyahan ko na umuwi nalang,
kailangan ko ng umuwi sa bahay bago makauwi ang asawa ko, pero baka nga hindi siya umuwi ngayong gabi dahil mukhang mas masaya naman siya sa kasama niya kaysa makasama ako na misis niya binilisan ko ang lakad papunta sa labas ng bar.
Sa pagmamadali kong makalabas ay marami akong na bangga, pero wala akong pakialam, malapit na akong makalabas sa impyernong lugar na iyon ng biglang may humila sa akin at kinaladkad ako nito papunta sa isang private room,
hindi ko na natingnan ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at mabilis ang kanyang pag lalakad kaya kailangan ko ring bilisan kung ayaw kong madapa dahil sa pag hila niya sa akin pag pasok sa loob ng isang kwarto ay pabalya niya akong binitiwan at inalis ang kamay niya na nakahawak sa aking braso.
"SINO KA B!"
Galit ko ng sigaw lahat ng sakit at galit na kanina ko pa pinipigilan lumabas ay tila sumabay sa sigaw kong iyon napa hinga ako ng malalim at nakakunot ang noo ng napatingin sa kanya, pinipilit na maikalma ko ang aking sarili.
"L-Lance?"
~JeMaria