"To fight is to accept the reality that you might get hurt in the near future."
---
Gulat akong nakita ang mukha ni Lance habang punong puno ng luha ang aking mata, maya-maya pa ay unti-unti ng nagdilim ang aking paningin at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.
---
Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Vino upang pigilan siyang umalis, dala-dala niya ang kanyang maleta na naglalaman ng ilan niyang mga damit,
"V-vino? S-saan ka pupunta?
"I'm sorry Jah but I can't be with you anymore."
"A-ano ba ang pinagsasabi mo? This is not a good joke."
"I'm not joking, I'm serious here Jah, I don't love you anymore."
"What the f**k are you saying!"
malakas kong sigaw sa kanya.
"Hindi mo ba narinig? Hindi na kita mahal! Makikipag hiwalay na ako sayo!"galit niyang sabi sa mukha ko na tila nagpipigil sa pag sigaw.
"S-sino? Sino ang malanding babaeng pinalit mo sa akin? You can't leave me like this! Hindi mo ako pwedeng iwan Vino I-im your wife!
"Don't call her that! Just wait for the annulment papers, I'll send it to you tomorrow."
asik niya sa harap ko, dama.ko ang pagbara ng kung anonsa aking lalamunan namuo ang luha sa mga mata ko, hindi ko inakalang makikipag hiwalay siya sa akin ng ganito lang kadali, h-hindi ko kaya.
"No."
Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit umaasang mabalik ng yakap ko ang pagmamahal niya.
"V-vino please d-don't leave, I-i can't lose you My loves, m-mababaliw ako kapag nawala ka sa akin please, mahal na mahal kita, p-please w-wag mo kong iwan."
Pagmamakaawa ko sa kanya, ngunit mas lalong na wasak ang puso ko nang alisin niya ang yakap ng mga bisig ko at tuluyan ng naglakad papunta sa pintuan, mabilis ko siyang hinabol lumuhod ako at niyakap ang mga binti niya upang mapigilan siyang umalis
"N-no, No p-please V-vino don't leave me, please I beg you My loves."
"Goodbye Jah."
"No!"
Habol hininga akong nagising mula sa isang bangungot, animoy mga kabayong nag kakarera ang bilis ng t***k ng puso ko, kaya bumuga ako ng isang malalim na hininga upang maikalma ang aking sarili, ng itaas ko ang aking paningin at nilibot ang aking mga mata sa silid kung nasaan ako ay batid ko agad na wala ako sa aking kwarto, bigla akong nataranta at dali-daling tiningnan ang damit na suot ko, nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na katulad pa rin ito ng suot ko kanina, walang nagbago at hindi ako hubot hubad, akmang tatayo na sana ako ng biglang pumasok sa loob ng silid ang kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita.
"L-lance?"
"I'm glad you're finally awake Jah!"
bulalas niya sa akin na may bahid ng pag aalala sa kanyang mukha.
"How are you? Ano ang nararamdaman mo? Ano bang nasa isip mo hah! Iinom ka tapos di mo pala kaya! Buti na lang nakita kita doon!"
Sermon niya habang nakaharap sa akin
nakatingin lang ako sa kanya habang panay ang dada niya sa harapan ko hanggan sa bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi.
"W-what's wrong Jah?"
Naguluhan pa ako sa kanyang tanong sa akin,
"H-huh?" nagtatakang tanong ko pabalik sa kanya.
"Why are you crying?" napahawak ako sa aking magkabilang pisngi at pinahid ang mga luhang duloy doon galing sa aking mga mata.
Ganito na ba ako ka manhid at hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako?
Walang sagot siyang narinig mula sa aking mga bibig pinunasan ko ulit gamit ang aking mga kamay ang mga luhang walang tigil ang pag agod mula sa aking mga mata. Pinilit kong pigilin ang aking pag iyak, ngunit mas naging dahilan pa ito ng aking pag hagulgol,hindi ko na kaya pa ang bigat ng aking nararamdaman kaya mas pinili kong iiyak na ang lahat lahat na parang walang bukas hanggang sa ma ubos lahat ng sakit dito sa puso ko.
Hindi na siya nagsalita pa ulit bahagya niya akong niyakap at inalo na parang sinasabing, "magiging ayos rin ang lahat"
iba parin talaga kapag may kaibigan kang maari mong hiramin ang balikat para iyakan.
"Shh it's ok, I'm always here Jah."
Sa loob ng ilang oras ay iyak lang ako ng iyak . Ng maka dama ako ng pagod ay tumigil na ako at unti unting pinunasan gamit ng aking mga palad ang mga natirang luha sa aking pisngi, pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay muli akong tumingin kay lance ngumiti ako sa kanya na tila ikinagulat niya.
"Tama na, pagod na ako."
Alanganin siyang napangiti sa akin, halatang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha, hinimas niya ang aking buhok.
"Be strong Jah, wala akong ex girlfriend na weak."
Pabiro niyang sambit sa akin na naging dahilan kung bakit ako
napa halakhak sa sinabi niya.
"Ikaw talaga! Sabay suntok ko sa braso niya."
Lance is my ex boyfriend before, highschool days, nag hiwalay kami kasi nag transfer siya ng school kaya ng decide na lang kaming maging best friends nalang. Ang sabi niya pa nga noon "Kapag nagkita tayo ulit at parehas parin tayong single, pakakasalan talaga kita."
"Mukhang mas lalo ata gumanda ang Bebs ko ah."
Sabi niya sa akin habang iginagalaw galaw pa ang dalawa niyang kilay ng pataas at pababa
"Bolero!"
"Payakap nga namiss kita!" sabay hila at yakap niya sa akin ng mahigpit, na nagpa-gaan naman sa aking mabigat na kalooban.
"Hmm chansing!" biro ko sa kanya ng kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, biglang sumeryoso ang kanyang kanina ay maamong mukha.
"Bat ka umiyak?" seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin ng bigla niya akong tinanong.
"Love life."
Walang pag dadalawang isip kong sagot sa kanya sabay pakita ko ng wedding ring ko na nakasuot sa aking ring finger.
"Ay deputah! ganyan ang nangyayari kapag di nag iinvite sa kasal! Sino naman ang gagong nag pa iyak sayo ng masapak ko?"
Seryoso pa rin ang kanyang mukha ng sabihin niya sa aking ang mga katagang iyon napangiti naman ako dahil sa kanyang inasta, hindi pa rin nagbabago ang lance na bestfriend ko, protective as ever parin.
"No need, I can handle this."
"Basta if ever you need my help,"
inabot niya sa akin ang calling card niya.
I'm glad he respect my decision na hindi sabihin sa kanya, tulad ng dati. He will ask me is something is wrong at kapag hindi ko sinagot, he will just wait kung kailan handa na akong sabihin sa kanya.
"Aba level up na ah may pa calling card kana ngayon."
"Syempre naman ako pa ba?"
sabay ngiti niya ng malawak .
"Hatid na kita." offer niya sa akin
"May dala akong sasakyan beb."
"Ako na ang magmamaneho!"
Wala na akong nagawa kundi ang mag pahatid sa kanya kina Sheila ako dumeretso para ibalik ang sasakyan na hiniram ko naglalakad na lang kami pa punta sa bahay.
"Hindi mo naman sinabi di pala sa iyo yung sasakyan na dala mo, edi sana ng convoy nalang ako say," nakangiwi niyang saad.
"Nasira kasi yung huli kong kotse, hindi na ako bumili ng bago kasi hatid sundo naman ako."
"Hindi mo naman kasi ako hinintay nag asawa ka agad." sabay tawa niya ng malakas.
"Baliw !"
Panay ang tawanan namin hindi ko namalayan nasa may gate ng bahay na pala kami.
"Dito na ako mag ingat ka sa pag uwi Lance."
Hinawakan niya ang balikat ko
"Basta if you need my help don't hesitate na tawagan ako."
Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Sige na bye na papasok na ako, akmang maglalakad na ako papunta sa gate ng bahay ng biglang may mag salita
"Ganitong oras ba ang uwi ng matinong babae?" pa bulyaw na sabi ni Vino.
Sabay kaming napatingin ni lance sa kanya blanko ang expression ng mukha ko at isang matalim na titig naman ang galing sa mata ni lance ang iginawad niya kay vino, galit ang expression ng mukha na Vino na mariing nakatutok sa akin ngunit inignora ko lang ang kanyang tingin.
"Sige na lance umuwi kana."
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko tango lang ang sinagot ko, at tumalikod na siya at naglakad pa layo.
Mabilis na lumapit si Vino sa aking kinatatayuan at mariin niya akong kinaladkad papasok sa loob ng bahay, halos mag kanda dapa ako dahil sa paghila niya sa akin, pagdating sa may sala ay pabalya niya akong binitiwan dahilan para mapaupo ako sa sofa.
"Sino iyon? Hah! Lalaki mo?" galit na galit na sigaw niya sa pagmumukha ko.
"Ex boyfriend ko." walang gana kong sagot sa kanya na animoy hindi interesado sa inaakto niya ngayon.
Tumalim ang tingin ng mga mata niya sa akin.
Natawa ako ng malakas na parang baliw.
Takang taka ang mukha niya kung bakit ko ginawa iyon.
"Ikaw! Mahal kong mister baka naman may gusto kang sabihin sa akin?!"
Biglang mutla ang kanyang mukha halatang halata naman ata siya.
Tiningnan ko siya ng matalim walang sagot na lumabas sa bibig niya, ilang minuto pa akong nakatingin sa kanyang mga mata blankong expression lang ang pinakita ko sa kanya, matapos kong sabihin iyon ay wala na siyang narinig ni isang salita na galing sa labi ko.
Umalis ako sa harapan niya at pa bagsak na isinarado ang pintuan dumeretso ako sa banyo, plano kong mag shower upang mahismasmasan ang utak ko sa mga pangyayari kanina. Iniyukom ko ang aking palad siya pa ang may ganang mang bintang sa akin ang kapal ng mukha.
Pagkatapos kong maligo ay ng bihis na ako at nahiga sa kama hindi parin siya pumapasok at tila tahimik na sa labas, nahiga ako nais kong matulog na lamang tila pagod na pagod na ang utak ko sa dami ng natuklasan ko ngayong araw, nakaka shocked na nakaka galit, at nakakabaliw, pero wala akong guts na ilabas ang galit ko.
Im so f****d up today, it's the worst day of my entire life, that feeling when you caught your husband kissing another woman.
What a jerk!
I want to crash them into pieces, I want to slap him hard in the face to wake him up with his stupidity. But suddenly I can't, I can't because I'm scared that he might leave me that easily. But I will not give up, I will not give them the happiness they want, I will make sure I take back what is mine.
"In life you can not give up easily, also try to fight so that when you give up you will not regret your decision."
Dahil na dami ng tumatakbo sa isipan ko ay dama ba din ng utak ko ang matinding pagod, unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata at hindi ko namalayan nakatulog na ako.
~JeMaria