Chapter 13

1573 Words
Watch Me. Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na braso ni Vino na nakayakap sa aking bewang napangiti ako ng mapait, alam kong may babae siya, ngunit ang simpleng pag yakap niya sa akin habang natutulog ay nakapag pa ngiti sa akin, this simple make me realize na kaya ko pa siyang bawiin at ibalik sa akin, its not too late, hindi pa huli ang lahat para hayaan kong tuluyang masira ang relasyon naming mag asawa, alam kong may lugar parin ako sa puso ng asawa ko, disidido na ako sa aking plano, i will win him back, babawiin ko ang asawa ko! Ngayong araw ko balak mag simula na bawiin ang asawa ko sa babae niya, i will do everything para makonsensya siya sa ginagawa niya, itigil ito at bumalik sa akin. Maaga akong nagising para asikasuhin ang mister ko, mabilis akong pumasok sa banyo para gawin ang morning routine ko, hindi ako nag tagal sa loob dahil balak kong ipinag luto siya ng paborito niya almusal, im sure matutuwa siya dito, pagkatapos kong magluto ay mabilis ang kilos ko, agad ay inihanda ko ang hapag kainan upang pagkagising niya ay sabay na kaming kakain. Ilang minuto pa akong nag hintay sa kanya, ng makita ko siyang pa punta na sa kusina ay agad ko siyang binati na parang wala kaming naging pagtatalo kagabi. "My Loves, buti na gising kana."lumapit agad ako sa kanya at binigyan siya ng masuyong halik sa labi "Sabay na tayong kumain, nagluto ako ng paborito mo." pag aaya ko sa kanya sabay iginiya ko papunta sa dining table. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha,pero mabilis niya na pinalis ang gulat na expression mula rito, kaagad ay nag iba ang expression niya at napalitan ito ng pagkukunwari at pagkatuwa. "Hmm ang bango naman ng ulam,"umakto din syang parang walang nangyaring pagtatalo kagabi, hindi ko nga lang alam kung totoo ba iyon oh bukal sa loob niya "I will play your game Vino, Watch me !!" Aligaga ako sa pag aasikaso sa kanya habang kumakain. Ipinag sandok ko siya ng kanin at ulam sa kanyang pinggan at tumayo ako para ipag timpla siya ng kape. Pagkatapos ko siyang ipagtimpla ay bumalik na ako sa aking upuan at nag sandok na rin ng pagkain ko juice ang iniinom ko sa umaga at kape naman ang gusto ni Vino, sa tagal naming magkasama sa iisang bubong at kabisado ko na ang mga gusto pati ang mga ayawn niya. Plano ko ng mag resign sa trabaho today. Sa cafe na ako magtatrabaho Tingnan lang natin kung magkalapit pa kayo sa isat isa, tama lang naman ito isusuko ko ang trabaho ko para masalba ko ang relasyon naming mag asawa, ang mahirap kasi kapag hindi ako ng resign ay hindi ko siya ma babantayan araw araw, "Loves mauna na ako hah, don't skip your meal," malambing na sabi ng taksil kong mister Lumapit pa siya sa akin at hinalikan ako sa aking labi. "Of Course my loves, i love you,"sabay halik ko pa ulit sa kanyang labi. Pagka alis na pagka alis ni Vino ay ng shower agad ako at nag bihis usukan kasi ako sa pagluluto kanina ka mag shoshower na lang ako ulit, dahil nga balak kong magpasa ng resignation letter sa kung saan ako nagtatrabaho. Kailangan kong ituon ang buong atensyon sa kanya upang mabawi ko siya muli sa higad na iyon. Dahil sa walang nadaan na taxi sa harap ng bahay ngayon ay napilitan pa akong mag lakad pa punta sa kabilang kanto, para makasakay lang ako. "Are you sure about this, Jah?" "Yes po maam, alam niyo naman po na matagal ko na itong plano ." "Okay sige i'll respect your decision, but if ever you change your mind, our door is always open." "Thank you po maam." pagpapasalamat ko sa may ari ng pinagtatrabahuan ko. Hindi na ako nagka problema sa pagtigil sa trabaho dahil matagal ng alam ng Store manager namin na matagal na dapat akong nag resign kaya ng sabihin ko sa kanya na titigil na ako ay agad niya naman itong inapprobahan, pagkatapos kong magpasa ng resignation letter ay pumara ako agad ng taxi at nagpahatid ako pupunta sa Cafebellah. Sakto sa pagpasok ko sa pintuan ay ang paglabas ng higad sa opisina ng mister ko palihim akong napa mura, malaki pa ang ngiti ng babae ngunit ng na igawi niya ang tingin sa akin ay bigla na palis ang matamis na ngiti niya sa kanyang labi. Patay malisya lang ako ng tumingin siya sa akin na parang hindi ko siya na kita kahit na ang totoo naman ay gusto kong ingudngud ang mukha niya sa cemento ng Cafe ng malaman niya kung sino ang kinakalaban niya. "Good morning ma'am," plastic na bati ng higad dahil nakita niyang nakatingin c Dahlia sa kanya Nilagpasan ko lang siya na parang walang narinig at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ni Vino. Mahigpit kong hinawakan ang siradura, upang maikalma ang aking sarili ay huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. "Myloves!" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya tila nagulat pa siya ng makita akong nakatayo sa harap niya. "Oh my loves, wala kang pasok? " "Gusto kita maka sabay mag lunch my loves ko, may lakad kaba ? " "S-sure w-wala naman akong l-lakad, " nag kanda uutal niyang sagot. " Good ! namimiss ko na kasi ang mister ko, kaya naisipan kong makipag date sayo ngayon, nagtatampo na ako sayo hindi mo na ako dinidate." naka nguso kong anas sa kanya at nilapitan ko siya para yakapin. "I love you mister." "I love you misis." sagot niya ng naka ngiti sa akin (Panalo na talaga siya na Bbest actor sa sobrang galing niyang umarte at magpanggap na wala siyang kasalanang ginagawa ) "So... saan mo gustong kumain? " "Here." "Here?" "Oo dito nalang tayo kumain mamaya jan nalang sa labas para mukhang nag didate parin tayo." "Okay." tamang sagot niya. Ng dumating na ang lunch ay napag pasyahan na naming lumabas, mula sa kanyang opisina, nakapulupot ang kanyang kamay sa aking bewang habang kaming dalawa ay naglalakad papunta sa table namin ng nasa harap na kami ng lamesa ay ipinag hila niya pa ako ng upuan, dahilan upang matuwa ang puso ko, habang naka upo at nag aantay sa pagkain ay pasimple kong sinulyapan ang kanyang kabit habang siya ay busy sa pag kalikot sa cellphone niya. Mas natuwa ako ng dumating ang aming pagkain dahil ang kabit niya mismo ang ng serve nito, salubong ang kilay ng babae at konti na lang ay malulukot na ang mukha nito, isang malaking hampas sa kanyang pagkatao kung ano lang siya sa buhay ni Vino, nag subuan kami habang kumakain na tila walang mga tao sa paligid, ramdam kong mahal pa ako ni Vino at kaya ko pa siyang ilayo sa temtasyong na hatid ng makating babaeng iyon, kaya hindi ako susuko. Sa isang sulok ay alam kong tahimik lang nanonood si miss higad na matalim ang tingin sa amin, pa simple akong napangiti dahil dito. "Kilalanin mo muna kasi ang kakalabanin mo, wag ako dahil handa akong makipag p*****n para sa taong mahal ko." sambit ng utak ko. "Say ahh may loves." sambit ko sa lalake sa aking harapan, agad ay sinubo naman niya ang pagkaing nilapit ko sa kanyang bibig. Natapos ang lunch namin na puno ng ka sweetan, pagkuwan ay pumasok na siya sa opisina upang bumalik sa trabaho ako naman ay napagpasyahang manatili lang sa labas cafe, prente parin akong naka upo sa table namin kanina ni Vino, nagbasa lang ako ng kung ano ano sa phone ko upang ubusin ang oras ko. "Lea, paki hatid nga ito doon sa table 5," utos ni dahlia sa babae. Palihim lang akong nakikinig sa kanila at nagmamasid,Lea pala ang pangalan ng babae. Ginugol ko ang kalahati ng araw ko sa pag iisip ng plano upang masimulan ko ang pagbawi sa asawa ko. Looking at my friend Dahlia ay naka isip ako ng idea, pero hindi ko alam kung papabayag ba siya sa naisip ko, since nag iisa lang ako at dalawa lang ang mata ko, pero iisipin ko munang mabuti bago ako humakbang, ayoko na magkamali ako, one wrong move at alam kong magiging malaki ang impact nito sa buhay ko, Since nag resign na ako ay wala na akong pinagkakaabalahan ngayon, i can monitor Vino sa mga pwede niyang gawin, ayokong magduda si Vino sa akin na may alam na ako sa mga kalokohan niya. Ni hindi ko alam kung matutuwa ba si Vino dahil wala na akong trabaho o madidismaya, this is my one way of trying to pursue his dream, to have a baby. It's not because may kabit siya, pero gusto ko ng subukan, ayoko ko na umabot pa sa time na malaman ko may anak siya sa iba, imbes na sa aking siya magka anak. Naging busy ang mga crew ng mag uwian ang ibang mga establisyemento sa paligid. Natapos ang araw hanggang uwian ay inantay ko ang mister ko upang sabay na kaming umuwi hindi ko naman nakita si Lea na pumasok ulit sa office ni Vino at nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ng nasa sasakyan na kami, "Napagod kaba my loves ? " tanong nya "Nope, hinding hindi ako mapapagod antayin ka " sabay ngiti ko sa kanya Hinalikan niya ako sa labi pagkatapos ay pina andar na ang kotse at ng maneho pa uwi. ~JeMaria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD