Spy
"Life is full of surprises, but whatever it might be, good or bad, you should always clear your mind first, before making any step."
Isang Linggo. Isang mahabang linggo na ang dumaan ng simula ng planuhin ko ang pagbawi ng asawa ko, isang linggo na rin matapos ang mag resign ako sa pinagtatrabahuhan ko.
Hands on ako ngayon sa pagiging Misis at nakikita ko naman may improvement ang pinag gagawa ko, sa halos araw araw akong nasa cafe para bantayan ang asawa ko ay hindi ko na sila na kikita na nag uusap ni Lea, kung hindi kasi ako sa opisina ni Vino nakatambay ay nasa labas naman ako tumutulong sa mga crew, ako ang cashier at taga take ng orders ng mga customer.
Lagi kaming sabay umuwi sa tuwing mag aOut siya, kaya wala siyang alibi para pumunta pa sa kung saan, kapag naman ni yayaya siya ng barkada na uminom ay palagi niya akong sina sama kaya natutuwa ako sa kanya, pero hindi ako dapat maging kampante, dahil ang ahas ay laging nakaabang lang sa target niya, at anumang oras ay bigla ka nalang sasakmalin ng di mo namamalayan,
Na unang pumasok si Vino ngayong araw dahil marami siyang tatapusin na paper works balak ko siyang surpresahin mamayang hapunan,
"I will Seduce my Husband"
Pero syempre mag hahatid parin ako ng lunch para sa kanya, i have to make sure na makakauwi siya ng maaga mamaya. Mahirap ng mapurnada ang Plano ko.
Papunta na ako sa cafe para mag hatid ng lunch ni Vino ng commute lang ako, simpleng Pork adobo lang ni luto ko para sa kanya
Pagka pasok ko ay mejo marami ng tao dahil lunchtime, dumeretso ako sa opisina niya para ihain ang Niluto ko.
"My loves."
Naka ngiti niyang tawag sa akin ng makitang nakapasok na ako sa office niya.
"hi, kamusta ang mister kong gwapo?" sabay halik ko sa labi niya.
"Hungry?" tanong ko.
"Ahm yep, kanina pa kita hinihintay loves, come on let's eat."
Ihinain ko sa may lamesa ang tanghalian naming dalawa at sabay na kaming nag tanghalian, marami naman itong dala kong pagkain para naman ito sa dalawang tao kaya hindi magkukulang.
"Umuwi ka ng maaga later hah . i have something to tell you "
"Sure. Lalo pat ang sexy kong asawa ang aking uuwian."
"hmm bolero talaga! "
pinanliitan ko siya ng tingin
"paano kapag tumaba na ako ? mag hahanap kana ng iba?"
"Syempre hindi noh. I love you my loves"
Sexy nga ako pero nambabae ka parin, napangiwi ako dahil sa nasa isip ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang bumukas ang pinto.
"Vino, sabay na tayong…"
Napa taas ang kilay ko ng iniluwa nito si Lea mula sa pinto, napawang ang labi niya ng makita kaming dalawang sabay na kumakain ng mister ko. Tila nanigas ang katawan niya at hindi agad nakapagsalita.
"Don't you know how to knock?" salo naman agad ni Vino sa natulalang si Lea.
Prente akong matalim na nakatitig kay Lea, since hindi kita ni Vino ang mukha ko dahil na tingin din siya rito.
"Ahm, I'm sorry po sir, Sige po." tipid niyang sagot na bakas ang pagka suya sa mukha.
"If that's not urgent, we'll talk after lunch." pagkatapos niyang sabihin iyon ay itinoon niya agad ang tingin sa akin kaya mabilis kong inalis sa aking itsura ang pagka irita sa babae.
"Why is she calling you by your name loves? Close ba kayo? Isn't it disrespectful?"
"Hah?" gulat niyang tanong pabalik sa akin.
"I mean, Vino ang tawag niya sa iyo kanina. Diba dapat sir?"
"I dont know loves, dont worry ill tell her later baka nag mamadali lang siya kaya ganun, naging kaklase ko kasi siya sa isang subject way back in college."
"Ahh okay." patay malisya kong sabat, sa palusot niyang kahit bata ay hindi maniniwala. Anong palagay niya sa akin coin na kaya niyang ilagay sa bulsa niya.
"Where is Dahlia pala?" pag iiba ko sa usapan.
"She's on day off loves."
"hmmm."
"Why are you asking?" he mocked.
"Wala lang, hindi ko kasi siya nakita kanina sa labas."
"Bukas pa ang balik niya." after our conversation ay hindi na ako sumagot pa.
Pigil na pigil ang galit kong sumabog dahil sa sumira ng tanghalian ko.
Ng matapos na kaming kumain ay niligpit ko na ang mga pinag lagyan ng dala kung pagkain, dadalhin ko na lang ito pauwi at doon ko na hugasan sa bahay, masyado ng hassle kung dito pa ako naghuhugas at tsaka may dadaanan pa ako bago umuwi.
"I love you too see you later , ill go ahead"
Pagpapaalam ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi, bago ako tuluyang lumabas na ako sa Cafebellah.
I called Dahlia ng makalabas ako, luckily nasa malapit lang siya na mall kaya napag desisyunan na min na doon na lang magkita.
Naka upo na siya sa isa sa mga table sa loob ng Jolibee ng dumating ako sa naturang fast food, napangiti ako ng maisip ulit ang peach mango pie kara ng order na ako diretso ng pagkain namin.
"Pinaghintay ba kita ?"naka ngiti kong saad kay Dahlia.
"Nope." sabay balik ng ngiti niya sa akin.
"Umorder na ako hintayin na lang natin ang pagkain."
"So, what is this all about?" pag open up niya sa akin.
"I need your help Dahlia." mahinahon kong usal.
"What kind of help?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Alam kong may alam ka, about what's happening sa Cafebellah."
Namutla Ang mukha niya dahil mukhang nakuha niya ang tinutukoy ko.
"Please help me." sabay hawak ko sa malamig niyang kamay.
"Paano naman kita matutulungan Jah, in need this job. Kailangan ko ang trabaho ko at kung maaari ay ayokong madamay sa gulo."
"Don't worry ako ang bahala sa iyo." pag sigurado ko sa kanya.
"H-how can i help you?" alangan niyang tanong habang may pagdadalawang isip sa maamong mukha.
"Ahm.. Kahit bantayan mo lang silang dalawa kapag wala ako sa cafe, update me if ever pumasok ang higad sa office niya."
Napalunok si Dahlia sa aking sinabi.
"S-so g-gusto mong maging spy ako? Look out? Ganon? Mata mo sa loob ng Cafe?"
"If that's okay with you Dahlia? P-please help me. Mababaliw na ako sa kakaisip, i can pay you."
"C-can i demand? About the payment?"
Nag ning ning ang mga mata ko dahil sa tanong niya, at least may pag asa na papayag na siya.
"What is its?"
"K-kasi mejo kapos ako this time, eh gagawin ko yung sinasabi mo basta ba.."
"Basta ba?"
"Basta ba, e full paid mo yung tuition ng kapatid ko this semester, hindi pa kasi ako makakabayad, malapit na silang mag exam."
"Sure, I'll help you with that."
"Talaga Jah?"
"Oo naman basta ba sabihin mo sa akin ang mga ginagawa ni Vino kapag wala ako."
"Sige ill do that sasabihin ko sayo lahat ng makikita kong di kanais nais na ginagawa niya."
"So Dahlia it's a deal? and i hope walang makakaalam nito kahit na sino man," i extend my arms for a hand shake.
"Deal. Maaasahan mo ako jan." she took it and that make me smile.
I'm glad at may mata na ako sa Cafebellah. Dumating na ang pagkain at masaya kaming nag kwentuhan na parang walang anumang naganap na deal kanina. I ordered her lunch at, sundae lang at fries ang kinain ko, Dahlia is my school mate before at hindi man kami close ay where in good terms. I can say. After eating we go our separate ways.
Bago ako umuwi ay dali dali akong pumunta sa pinakamalapit na botika na nakita ko,sisiguraduhin kong wala kang takas mamaya.
Bumili ako ng Kape na may Tongkat ali . isang box ang binili ko, isa itong Pampagana sa s*x. I'm not sure kung my effect ba talaga to sa kanya pero i will try .
Nagkakape si Vino after meal sa gabi nakagawian na niya ito mamaya ito ang e seserve ko sa kanya isang Linggo ko na itong sineserve sa kanya every night at every morning at syempre umaasa ako na epektibo ang pagpapainom ko sa kanya nito.
Gusto ko man pa inumin siya ng kung anong tablet na pampagana sa s*x eh di ko magawa dahil madali lang niya malalaman yun kaya sa kape nalang ako sumubok kahit ako man ay umiinom din nito kahit na di naman ako mahilig magkape.
"Call me names, but you can't blame me, i love my husband so much, i can't afford to lose him."
Pagkatapos ko sa botika ay nag punta pa ako sa grocery para bumili ng ingredients sa lulutuin ko mamaya kaya nag madali na ako, ng matapos ako mag grocery ay diretso na ang uwi ko sa bahay para mag prepare, since simple dinner lang ang ihahanda ko, garlic chicken at kare kare ang naisip ko lutuin bumili din ako ng Wine para sa dinner namin ni mister.
6 pm ng may narinig akong ugung ng kotse sa labas, dali dali kong binuksan ang pinto at itsura ng gwapo kong asawa ang una kong nakita.
"My loves." sabay yakap at halik nito sa akin .
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang naging balakid sa plano ko at maaga nga siyang naka uwi ng bahay.
"Mag palit ka na ng damit para maka kain na tayo."
Nag hain na agad ako ng dinner namin at ng matapos ay na upo na ako sa mesa nag aantay na matapos siyang magbihis, ng makita ko siyang papalapit sa kusina ay
ngumiti ako sa kanya ng Matamis.
"Lets eat? "sambit ko na nakatingin sa kanya.
"Mukhang mapaparami nanaman ang kain ko ah," anas niya sabay tawa habang paupo na sa upuan.
"Kelan mo ba tinanggihan ang masarap kong luto?" pag mamayabang ko pa habang ipinag sasandok sya ng kanin at ulam.
"Hmm kailan nga ba?"sabat niya na pakunwariy umaaktong nag iisip pa, napanguso naman ako.
"Che!" pag susungit ko
na nakapag patawa naman sa kanya ng malakas.
"Syempre sa sarap ng luto ng misis ko kahit busog pa ako hinding hindi ko to tatanggihan."nakangiti niyang sabi sa akin
"Bola ka!" nakanguso kong sagot sa mga pambobola niya.
"totoo nga wag kana mag tampo."
Tumayo pa siya para yakapin ako.
napaisip tuloy ako, ganito din kami ka sweet noong kakakasal palang namin. Noong hindi pa ako nawalan ng anak.
"Siguraduhin mo lang dahil kapag ako na inis never na kitang ipagluluto ng makita mo!"
natawa naman ulit siya sa sinabi ko at bumalik na sa upuan upang ipagpatuloy ang pag kain.
"By the way i have a good news." nakangiti akong tumingin sa kanya
"I'm excited."
"Nag resign na ako."
"That's good!"
"Balak ko maging hands on na sa Cafebellah para tulungan ka loves "
"H-hah?" gulat niyang sabi ngunit naka bawi naman siya agad at hindi ipinahalata ang kanyang emosyon.
"tutulong ako sa iyo sa Cafebellah ."
seryoso kong sabat sa kanya
"hmm W-Well, if that's what you want then i will support you all the way." nag aalangan niyang sagot.
Palihim na naman akong napa ngisi sa utak ko. Takot ba siyang mahuli ?
"Well im sorry my husband dahil sobra pa sa NBI ang asawa mo." And i will make sure ako ang mananalo sa larong ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon
"Thank you my loves, I love you."
"I Love you too my loves basta promise me na wag ka masyadong magpapagod, Ok? ayokong napapagod ang pinaka maganda at sexy kong misis."
"Ampota talaga ng mga banat niya grave." asik ng utak ko.
"I promise My loves." at ngumiti ako sa kanya ng matamis.
~JeMaria